Chapter one

99.9K 1.9K 102
                                    

  

  

"Bayad po..."

Inabot ni Abby ang kanyang sampung pisong bariya sa babaeng mataba sa kanyang tabi

Tinaasan siya nito ng kilay

"Ay girl nakita mong kumakain ako ng mani diba? Ikaw ang lumapit sa harapan ng jeep para makapag bayad ka. Ang tamad tamad nito.."

Napanganga nalang si Abby sa pagsusungit ng babaeng ito.

Dalawa lang kasi silang pasahero ng jeep. Madami siyang dala dalang balutan kaya nakikisuyo lang sana siya upang i-abot ang kanyang bayad

Ang sungit naman..

Bitbit niya ang kanyang tatlong bag dahan dahan siyang umusog papunta sa harapan.  Mabigat ang bag na kanyang dala dahil mga damit niya ang mga iyon

"Bayad po manong.."

Napa-iling nalang ang driver ng jeep ng makita nitong hirap na hirap siya sa kanyang mga dala dala

"Ineng nag layas ka ba?"

"Hindi po manong.."

"Mukhang galing ka pa sa probinsya base diyan sa suot mong damit"

Pasimple niyang pinagmasdan ang kanyang damit. Mahaba ang kanyang suot na paldang itim , At blusa na kulay pula ngunit luma na dahil pinag lumaan pa iyon ng kanyang tiya melva.

Probinsyanang probinsyana talaga ang kanyang itsura.  Laki siya sa hirap. Hindi siya nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsya. Tinulungan niya agad mag trabaho ang kanyang magulang

"Oho.. Naliligaw na ho ata ako.. Alam niyo ho ba yung mansyon ng mga Hopman?"

"Hopman?" napakunot naman ang nuo ng driver ng jeep

"Oho.. hinahanap ko po kase kanina pa pero naliligaw na ho ata ako"

Kanina niya pa hinahanap ang mansyon kung saan siya maninilbihan bilang katulong. Ipinasok kasi siya ng kanyang tiya melva bilang katulong sa pinagtatrabahuhan nito.

"Hopman? O baka naman hoffman ineng?"

"O..Oho iyon nga ho.."

itinigil nito ang jeep sa tabi ng kalsada

"Ah lagpas kana ineng. Di mo agad sinabi sakin sana naibaba kita."

"Nako saan po ba iyon?"

"Yung pangalawang kalye mula dito lumiko ka doon. Makikita mo sa pinakadulo may malaking kulay puting gate. Ayon na ang mansyon ng mga hoffman ineng. Mag iingat ka maraming aso doon"

"S..Salamat ho manong"

Bitbit ang kanyang tatlong malalaking bag bumaba siya ng jeep

Matindi ang sikat ng araw dahil halos mag aalas dose na nang tanghali

"Nako po ang layo!" Napalabi nalang siya ng makita niya kung gaano kalayo pa ang kanyang lalakarin

"Ang bigat pa naman nitong mga dala ko!"

Napabuntong hininga na lang si abby. Kanina pa din siya nagugutom dahil galing pa siya sa Mindoro. Bagong salta lang siya dito sa maynila kaya hindi pa siya sanay

Hindi niya alam kung paano din siya bibili ng kanyang pag kain dahil bente pesos nalang ang laman ng wallet niya

Tumatagaktak na ang kanyang pawis sa kanyang noo.  Habang patuloy niya padin binubuhat ang kanyang mga gamit

The Young Master's Maid (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz