Dahil hindi na ako makatiis agad kong hinipo ang noo niya para i-check kung nilalagnat ba siya or what. Mabilis niyang tinapik ang kamay ko kaya napa nguso ako. How sad he's not sick.

"Bat ang bait mo ngayon?" Tanong ko.

Hindi niya ako tinignan dahil busy siya sa pagkuha ng sinigang.

"Ipapakulong mo ba ako?" Nanlaki ang mata ko saka napakagat sa ilalim ng labi ko. Bored niya lang akong tinignan.

"I would love to."

Inirapan ko lang siya saka kumuha ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain at halata sa mukha niya na sarap na sarap siya sa sinigang na niluto ko kaya muli akong napa ngiti ng lihim.

"Bukod sa pagluluto magaling rin ako sa ibang bagay." Pagmamayabang ko kaya napa angat siya ng kilay habang ngumunguya.

"Magaling akong sumubo,"

*Ack*

"...ng saging, you know yung mahaba na malaki? Tatlo o minsan dalawang kagatan lang un sakin."

Totoo naman kasi magaling talaga ako feeling ko nga yun yung hidden talent ko sa buhay eh.

"Are you fucking serious?!" Bulyaw niya sakin, bumalik na naman ang oldself niya.

"Totoo nga kasi wait I will prove it." Ani ko saka tumayo para magpunta sa counter kung saan nakapatong ang mga prutas. Agad kong kinuha ang saging saka humarap sa table ng naka ngiti pero wala na doon si sir Julian.

"Sir Julian? Tapos na kayong kumain?!" Sigaw ko.

"DON'T COME INSIDE MY ROOM! SLEEP ON THE COUCH FOR TONIGHT!"

Sigaw niya kaya makailang beses ko siyang minura sa isip ko. After ko siyang lutuan? May saltik rin ang isang yun sa ulo eh saka bat niya ako papatulugin dito sa sala? Kung kelan nasasanay na ako sa malambot na kama sa kabila ng kama niya ugh bwisit! Bangungutin ka sana!

Another day--meaning another boring day. Nagising ako ng maaga para makapagluto ng breakfast syempre last day ko na 'to sa condo ni sir Julian kahit papaano thankful rin ako dahil naranasan kong makakain ng pagkain ng mayayaman. Mahirap mang aminin pero nag enjoy ako sa pagsta-stay dito.

Nagluto lang ako ng fried rice, bacon, sunnyside up egg, hotdog na malaki. Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng mga ulam na naluto ko sa table ng bumukas ang pinto ng kwarto niya at lumabas doon ang napaka gwapong si sir Julian. Haruy jusmeyo mukhang sinalo niya lahat ng kagwapuhan nung nagpasabog si God tsk.

"Good morning!" Bati ko sabay ngisi. Last ngisi ko na 'to sakaniya no.

"You.. made a breakfast?"

Obvious ba? "Ah yes sir."

Magalang na sagot ko saka hinila ang upuan hindi 'to kumibo at naupo lang saka tinitigan ang mga pagkain sa hapag.

"Traditional breakfast daw 'yan ng may mga dats! Samin kasi sa squatter hanggang itlog at sinanggag lang." Ngising sabi ko kaya tinaasan niya ako ng kilay, tumango lang ako saka nginuso ang mga pagkain.

"Kain na I prepared that for you."

Nag iwas 'to ng tingin saka nag simulang mag sandok at kumain. Tinitigan ko lang siya habang ngumunguya never akong naging concious sa sarili kong luto pero ngayon feeling ko isa siyang chef na gra-graduhan ang putaheng niluto ko. Para tuloy akong matatae sa kaba.

"Masarap ba?"

"Mmm.."

Wala sa sarili kong naikagat ang dila ko ewan pero kinikilig ako. Oo hudas barabas 'tong si sir Julian pero may time talaga na kinikilig ang tingle ko sakaniya. Ang gwapo kasi bwisit hihi!

Red SeductionWhere stories live. Discover now