Chapter 36

9.5K 109 17
                                    

This chapter is dedicated to damnthatgorguiz. As requested. ;)

Okay, unang una sa lahat gusto kong mag sorry. Sorry kasi ito lang kinaya ko. Alam kong hindi ko na execute ng maayos ang scene. Yung transition from kilig to ganito. Hindi ko naiparamdam ng maayos. Sorry. Sana mapatawad niyo ako. :( I still did my best.

Short update only.

-------------------------

KATH’S POV

 

Nagising ako dahil sa isang mahinang pagyugyog sa akin.

“Hmm?” sabi ko habang minumulat ko ang mata ko.

“Goodmorning.” Bati sa akin ng isang mala-anghel na nakangiti sa harap ko ngayon. Laking gulat ko pa nung hinalikan ako ng anghel. Lord, nasa langit na ba ako?

“Bat nakatulala ka lang jan? Bangon na oy.” Sabay kurot ng anghel sa ilong ko. Sinong anghel ba ‘to? Bat may pakurot kurot pang nalalaman? Naningkit ang mata ko para tignan siya ng maayos.

*gasp*

“Goodmorning baby!” niyakap ko si Dj ng mahigpit.

“Tara breakfast na?” tumango lang ako at tumayo na. Pagkalabas na pagkalabas ng kwarto amoy na amoy na agad ang mabangong niluto ni Deej na kung ano man yun.

“Parang ang bango ah? Anong niluto mo?”

 

“Adobo. Hehe.” Parang nahihiya pang sagot ni Deej. Hala, bat niya ikinakahiya yun? Sus. Sarap sarap ng adobo eh.

Inalalayan akong umupo ni Deej. Pagkaupo ko ay sinerve na niya yung pagkain. Ang gwapong waiter oh!

Hindi nalang kaming dalawa dito sa bahay. Nakabalik na kasi si Lolo mula sa Barcelona. At ngayon magkahiwalay na din kami ng kwarto. Huhu. T^T

Just Partners (KathNiel)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu