Nakalapit na ang isang bampira sa amin ni Evan. I saw a black pillow and on top of it was a small green stone.

I was expecting that it was a ring but it's just a stone. Nanatili akong natitig dito hanggang sa kuhanin ito ni Evan.

"In my empire, a tree symbolizes a Gazellian. But do you know why mine's unique? It possessed the endless wealth of Parsua Sartorias, Naha. My tree can produce different stones that reflect my emotion." Natulala na lamang ako sa pinaliliwanag ni Evan.

"This emerald is the first fruit given by my tree, the first fruit of my emotion and this is yours now."

"Evan.."

Muli akong umasa na hahawakan niya ang mga kamay ko para ibigay sa akin ang bato.

But the Prince pulled me closer until our body touches each other again.

"This will hurt a little but I'll make this quick." Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

At bago ko pa mas naintindihan ang gagawin niya, tuluyan ko nang naramdaman ang kirot, hapdi at init sa aking noo.

Evan just placed his first stone on my forehead. Ramdam ko ang biglang pagtakas ng luha ko sa sulok ng aking mga mata nang maramdaman ko pa rin ang kirot.

I felt a small amount of electricity on my forehead, para lamang mas mailagay niya nang maayos.

"It hurts.." pinagmasdan niya ang noo ko bago siya yumuko sa akin at halikan ang sulok ng aking mga mata.

Tipid kong kinapa ang noo ko, parte na nito ang maliit na bato ni Evan.

"Is this permanent?"

"Yes, if I die it will fall down." Natigilan ako sa sinabi ni Evan, biglang kumirot ang puso ko sa kaalamang bigla ko na lamang makikitang matatanggal ito sa akin.

"Now, give me yours." Napatitig ako kay Evan.

I don't have expensive stones!

"W-Wala Evan," he pointed my necklace. A white gold necklace, my eighteenth birthday gift from my parents.

"This might be cheap compared with your emerald," Knowing human jewelleries, baka may halo pa ito. Evan's emerald is pure.

"But the value and significance of this necklace is everything for me," sinimulan ko nang hubadin ang kwintas.

Yumuko si Evan at hinayaan niya akong ilagay ang kwintas sa kanya. Nagtagal ako sa paglalagay ng kwintas sa kanya dahil sa mga titig niya.

"The emerald suits you well, the color of my tree. Green."

"I'm just hoping..sana ako na nga. Sana ako na nga Evan..because I never wanted to be your tragedy."

Tumayo siya nang maayos ng masuot ko na ang kwintas. It was quite small for him dahil medyo nasasaktal na yata siya.

But it made his neck sexier.

"Now come here,"

For the nth time, Evan Lancelot Gazellian pulled me closer giving me a soft kiss on my forehead, to his stone or should I say to my stone?

The vampires asked for a wedding dance but Evan refused. Bumalik kami sa kanina naming posisyon at hinayaan niya nang muling magsaya ang mga bampira.

Everything went so fast, from attic to underworld. Pumasok ako sa mundong itong single, ngayon ay may asawa na.

Umasa ako na biglang lalambing si Evan, dahil halos mabaliw na ako sa mga ginagawa niya sa akin kanina.

But everything turned to normal.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon