Chapter 1

258K 11.5K 2.5K
                                    

Chapter 1

Patak ng tubig. Maliliit na patak ng tubig na dumadampi sa aking katawan. Lumalakas at walang tigil, na pakiramdam ko ay para na akong malulunod.

Someone's staring down at me with unknown face but with his glowing red eyes. Nagliliwanag ang kalangitan dahil sa paulit-ulit na pagkidlat sa likuran ng lalaking nakatitig sa akin.

The wind blowing his wet hair together with strange flag, thunder and wild raindrops all over our body.

His arms tightened when I tried to reach his face.

Bumibigat na ang aking paghinga at nanunuyo na ang aking lalamunan. Uhaw ang aking hinahanap ngunit ang tubig na siyang aking dinadama ay hindi kasagutan.

"Naha, please wake up." Narinig kong mahinang sabi ni Pearl.

I opened my eyes and her beautiful face showed up. Nakahinga nang maluwag si Pearl at mabilis niya akong niyakap.

"Alam kong makakayanan mo! Oh my gosh, hindi ko alam ang gagawin ko kapag ikaw naman ang nawala sa akin Naha." My sister cried dramatically. Sa aming dalawa, siya talaga ang emosyunal.

"Nasaan tayo?" tinapik ko ang kanyang balikat habang inililibot ko ang aking paningin.

"Someone helped us," humiwalay siya sa akin at inalalayan niya akong bumangon. Napausal ako nang mura nang makaramdam ako ng sakit sa aking ulo.

Hindi ko na lubusang maalala ang buong nangyari, hinahabol kami ng mga bampira at kapwa kami tinamaan ng kanilang mga punyal. Mabilis kong kinapa ang sarili ko.

Shit! Vampires?!

"I'm alive?" nagtatakang tanong ko. Pilit kong kinapa ang katawan ko, tanging ulo ko lamang ang sumasakit.

Siguro ay nanaginip lamang ako?

"Tell me, I was dreaming right Pearl? Nalasing ba ako? Kaninong bahay ito?" Gosh! Sobra siguro ang nainom kong alak at inakala kong hinahabol na kami ng mga bampira.

My parents had nothing to do with the vampires, matagal na silang tapos sa Middel.

"Naha," nangangatal ang mga kamay ni Pearl nang hawakan niya ako. Agad ginapang ng kaba, kirot at kalungkutan ang aking dibdib.

"What? Hindi ba at tama ako? Everything was just a dream, kaninong bahay ito?" lumuluhang umiling sa akin si Pearl.

"Naha, our parents were murdered. Vampires chased after us and when they were about to be killed us we used the Middel to escape but the tunnel sent us here."

"No, no, you're kidding right Pearl? Masaya lang tayo sa party kanina, we're still having our university life. Walang mga bampira, walang pinatay at nasa mundo tayo ng mga tao--" hindi ko na nagawa pang mangatwiran nang tuluyan ko nang mapansin ang isang lalaki na marahang ibinababa ang kanyang aklat mula sa kanyang mukha.

"Everything was real, human girl. You and your sister barged in when I was on my duty. And just to save your dying life I turned you into a beautiful vampire. My venom suits you very well." Kibit balikat na sabi ng lalaki.

Tamad nitong hinawakan ang kanyang malaking cabinet at walang kahirap-hirap niyang iniharap ito sa akin na parang hindi ito mabigat.

Umawang ang bibig ko nang makita ang sarili kong repleksyon.

"Prettier," kumento ng kapatid ko.

"Healthier,"

Kumento ng lalaking bampira. Agad niyang iniwas ang kanyang mga mata sa aking dibdib nang lumingon ako sa kanya. He's a pervert.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon