My Dakilang Bestfriend

69 0 3
                                    

Prologue

Happy Ending. Gandang opening statement. Pero para sa akin, wala naman itong katuturan. Meron nga bang "happy ending"? Ilang Disney at Star Cinema movies na ang napanood ko, hindi pa rin ako maniwa-niwala dyan sa "happy ending" na yan. 

Minsan, lalo na kapag nasa ganitong ka-engrandeng kasal ako, iniisip ko, baka totoo namang may happy ending. Tingnan mo ang bestfriend ko, si Judy, na ngayo'y naglalakad sa altar - batid sa mukha nyang sa dulo ng seremonyas na ito ay magsisimula na ang katapusan ng fairy tale na pinangarap namin simula nung bata pa kami. Gasgas na pero, seryoso, sya na ang pinakamagandang bride na nakita ko sa buong buhay ko. Mas maganda pa sya kay Claudine Baretto sa opening scene ng Got To Believe, and that is saying a lot. 

Seeing my bestfriend walk down the aisle makes me feel both happy and sad. Masaya ako kasi, shet, ang ganda ng bestfriend ko at ang saya saya nya at ang saya ko for her. Malungkot kasi... kailan kaya ako magiging kasing saya nya? Kailan kaya ako makakapagsuot ng magandang wedding gown? Ito na ba ang magiging pinakamasayang moment sa buong buhay ko? Ang wedding na ito na ba ang ending sa kwento ng bestfriend kong si Judy? Kung ito na ang ending, wait lang, paano naman ako?

Naiinggit ako kasi palagi na lang akong nasa gilid ng eksena. Sa kwento na to, si Judy the Bride, ang bida at ako ang maid of honor, ang sidekick. Ako so Nikki Valdez, si Judy ang Jolina. Ako si Bea Saw, si Judy si Bea Alonzo o si Toni Gonzaga. Ako si Matet, si Judy si Sarah. Ako si Dimples Romana, si Judy si Angel Locsin.

Pero sino nga ba naman ako para mag-drama? Ako lang naman si Betsy, ang dakilang bestfriend.

CHAPTER 1: The Judy-Andrew Love Affair - Courtesy by the Bestfriend

Grade school pa lang kami ni Judy ay magkakilala na kami. Ako si Elizabeth Lopez, ang chubby girl na palaban at kayang patumbahin lahat ng umaaway sa mga kaibigan nya, at si Judy Ann Tanglao, ang shy, nerdy, hopeless romantic type of girl na mahilig magbasa ng mga romance novels. Noon ay Beth ang tawag sa akin ng lahat ng may kilala sa akin, pero since palagi akong tinatawag ni Judy na Betsy ay nasanay na din ang ibang tao na tawagin akong sa ganoong palayaw.

Fastforward to high school, kung saan di hamak na mas payat na ako, kami pa rin ang palaging magkasama ni Judy. Madalas kaming tawagin ng mga teachers at kaklase namin na kambal kahit sobrang layo naman ng hitsura namin. Chinita, girl-next-door type si Judy at ako naman... well, sabihin na lang natin na kapag nilagay mo ako sa isang kwarto na madaming tao ay hindi mo mapapansin kung andun pa ako o wala. In fairness naman sa akin, cute naman ako kahit papano, wala nga lang dating. Maliit, hindi gaanong maputi at walang sense of fashion. 

Since 1st year high school ay napapag-usapan na namin ni Judy kung sino ang mga crush namin, pero wala naman kaming naging boyfriend. Or should I say, wala namang nagtangkang manligaw sa amin. That was the case hanggang naging seniors na kami. Noong panahong yun ay napapagusapan namin si Andrew - President ng Student Council, Editor-In-Chief ng school paper, varsity basketball player, member ng debate team, crush ng bayan. Kasama si Judy sa "bayan" na may crush sa kanya. 

Okay, fine, aaminin ko na: crush ko din si Andrew noon ng very very light. Pero mas matindi ang tama ni Judy. Tuwing nagtetext si Judy sa akin gamit ang 5110 na cellphone nya noon ay wala kaming ibang pinaguusapan kung gaano kagaling si Andrew sa basketball game nila ng juniors nung araw na iyon kahit hindi naman sya naka-shoot, kung gaano kahusay ni Andrew makipag-debate sa kung sino ba talaga ang dapat na maging pambansang bayani at kahit sa ultimo paglilinis ni Andrew tuwing Biyernes ng classroom nila dahil sila ang cleaners sa araw na yun. 

Valentine's Day noong napagpasyahan kong gumawa ng paraan para magkalapit sina Andrew at Judy. Marriage booth. Pinahuli ko silang dalawa at pinilit na magpakasal. Pagkatapos noon ay dun na sila nagkakilala ng mabuti. Hindi ko na alam ang mga detalye pero kinekwentuhan lang ako ni Judy na nagkakatext na daw sila noon ni Andrew. Makalipas ang isang buwan, dalawang linggo bago kami grumaduate, sinabihan ako ni Judy na sinagot na nya si Andrew.

Halos isang buwan din tumagal ang relasyon nila. Oo, tama, hindi sila nagtagal. Sadly, bigla na lang naglaho parang bula si Mr. Andrew Villarez sa face ng Earth pagkatapos nyang pumasok sa college. Since pareho kaming nag-Nursing at pareho pa rin ng school na pinasukan ni Judy, kami pa rin palagi ang magkasama. At, 'day, ang isang buwan na relasyon nila ni Andrew ay isang taong iniyakan ni Judy. Hindi ko din naman sya masisi, first love eh. 

After 3 years, nauso ang Facebook, nahanap ko si Andrew si internet. Kinausap, nagtanong kung anong nangyari. Sinabi nya na gusto daw muna nyang magfocus sa studies kaya nya napagpasyahang iwanan si Judy. Syempre, bilang dakilang tagapagtanggol ni Judy, inaway-away ko sya. Sa chat.

"ABA! EH KUNG GUSTO MO PALANG MAGFOCUS SA STUDIES, SANA NAGSABI KA! MADALI NAMANG KAUSAP ANG BESTFRIEND KO. ANG DALI MO NGA SYANG NAPASAGOT EH. " Hashtag, AllCapsParaIntense.

"I'm really sorry. I think I'm okay na. I think settled na ako. If only there's a chance to say sorry kay Judy ng harapan..." 

And then I made it happen. It was a blind date for Judy, kaya hindi nya alam kung sino ang kikitain nya. Basta sinabi ko lang na magugustuhan nya. February 13, Valentine's Eve, magulo sa SM Manila pero dun sa isang coffee shop doon ko sila pinagtagpo. Hindi ko na alam ang mga naging detalye ng pagkikita pero February 14, 12:32am, nakatanggap ako ng text:

"Walang hiya ka! Hindi mo sinabi sa akin! Bakit ka ganyan?" - Judy

Pagkabasa ko ay may dumating na agad na isa pang message: "Pero salamat, klaro na ang lahat. It was a good date. :)" mula pa rin kay Judy. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dakilang BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon