Prologue

310 8 4
                                    

Prologue

"Ahhhhhhh!!!!"

"You can do this. Konting push nalang...just push..."

Binatukan nung babae yung lalaking kasama niya sa may loob ng labor room. Napahawak naman sa ulo niya yung lalaki.

"Kanina ka pa konti nalang ng konti diyan!! Pasensya ko ang umoonti sayo eh!!! Ahhhhhhh!!! Ang sakit!!"

"Oh My Gahd, girl...j-just wait okay? Konti nalang talaga, nakikita ko na yung ulo nung baby mo. Just push..."

"Ahhhhh!! M-malapit nang lumabas? Takte bakla, kapag hindi pa mapapatay kita! Mapapatay talaga kita!! Ahhhhhhh!!"

"Grabe mababaliw ako sayo! I-ere mo nalang kasi yang anak mo para okay na tayo! Jusme, you're giving me a headache!"

"Napakawalanghiya mong bakla ka! Lumayas ka na nga dito! Hindi ko ilalabas yung bata kapag hindi ka lumabas! Layas!"

"Would you two just please shut up?! We're in the middle of a labor right now for Pete's sake!" Sabat nung doctor na nagpapaanak dun sa babae.

Natahimik yung dalawa at nagkatinginan nalang.

"Psssshhhh...pogi sana, masungit lang." Bulong nung lalaki dun sa babae na ikinatawa naman nilang pareho.

"Uwaaahhhhhh!!! Uwahhh! Uwahhhhhhh!! Uwah! Uwah!! Uwahhhh!!"

Napangiti ang babae nang makita niya ang bagong silang na sanggol.

"Congratulations..." sabi nang doctor sa kanya bago niya tuluyang ipinikit ang mga mata.

Author's Note:

So...another story na naman po ito, diba obvious? Hahahahahaha! Well, credits to AP_girl, dahil tinulungan niya akong iconstruct ang story na ito. Kaya kung nagustuhan niyo ito, kindly say your thanks to AP_girl because this wouldn't be successful without her.

VOTE

COMMENT

ENJOY

and LOVE IT!

Wedding NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon