Nang makaramdam ako ng pangangalay ng leeg at batok ay pinindot ko na ang save button at tiniklop ang laptop.

Malapit ko nang matapos ang sinusulat ko. Six chapters to go. Saglit akong nag-inat at pinahinga ang mga mata ko bago ako naligo.

Paglabas ko ng banyo ay saktong tumunog ang phone ko.

I got a message from Drew.

《《Babe, let's have lunch tomorrow at Zes' Grill. I really feel like I'm neglecting you.》》

Napangiti ako sa sad emoticon sa dulo ng message niya.

《《Okay. I'll be there. And don't feel guilty, I understand》》

I'm excited. Very excited. Kahit lunch lang iyon at hindi date ay masaya na ako. I appreciate that he still finds time sa busy schedule niya para sa akin.

-------------------------------------------

Ten minutes before twelve ay dumating na ako Zes'. Well, you can't blame me. I'm excited.

Naghanap ako ng maganda pwesto na malapit sa salaming dingding para makikita ko kung parating na si Drew.

"Here's your menu, sir." Magalang na inilapag ng waiter ang menu sa table kasama ng isang basong  tubig.

"Thank you. Iniintay ko pa yung kasama ko. I'll just call you pagdating niya." Nakangiti kong paliwanag sa kanya

"Okay, sir."

Matiyaga akong naghintay sa pagdating ni Drew.

12:05 pm.

Limang minuto pa lang naman siyang late kaya hindi pa ako nag aalala. Ayoko naman siyang i-message dahil nakausap ko na siya kaninang umaga at kinumpirma niyang pupunta siya.

Pero ang limang minuto ay naging sampu hanggang sa maging dalawampu. Nagsisimula na akong hindi mapakali pero pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko.

Lunch time pa rin naman. Saka baka masyado lang siyang abala. I mean, who am I to complain? Nakaupo lang ako rito at naghihintay sa kanya habang siya ay nagpapakapagod sa trabaho. Baka nga gutom na siya sa mga oras na ito.

Right. Hindi ako dapat mag isip ng kung ano-ano. Mas madali na nga itong ginagawa ko kumapara sa kanya.

Pero sumapit na ang ala-una ay hindi pa rin siya dumarating kaya nagdesisyon na akong tawagan siya. Nakailang dial na ako ay hindi pa rin niya sinasagot ang phone niya.

Dumukot ako ang pera sa wallet ko at iniwan iyon sa table. Malungkot akong lumabas ng restaurant naglakad.

Ni hindi man lang siya tumawag or nag-message na hindi siya makakarating. At isa pa, siya ang nag-invite na mag-lunch kami at hindi ko naman iyon ipinilit. Pakiramdam ko tuloy ay hindi naman ako ganoon kaimportante sa kanya.

Halos maiyak na ako habang naglalakad, then my phone rang.

Agad ko iyong sinagot.

"Jesus, babe, I'm so, so sorry. My boss invited us out to have lunch, at hindi ako nakatanggi. I'm really sorry."

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"I'm sorry, babe. I was too caught up in overwhelm. Bihira lang mag-aya ang boss namin sa aming mga empleyado kaya..."

Kaya nakalimutan mo na ako. Gusto ko sanang sabihin pero ayaw lumabas ng mga salitang iyon mula sa bibig ko.

"I'm sorry, babe."

Bumuntong-hininga ako at hindi kumibo.

"Babe? Please, I'm sorry. I'll make it up to you next time. I promise."

An Open Letter to My Ex ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant