19-Si Mamang Driver

17.2K 317 28
                                    

"Uwaahhh!!!" sigaw ko nang may biglang humila sa akin. "Kol?"

"Sshh," he hushed, with a hand on my mouth, the other on my waist, while we're so close to each other, my back leaning on his chest.

Nakatingin siya sa labas ng masikip at madilim na eskinita. Mukhang alam niya kung ano ang nangyayari.

Nakita naming dumaan iyong lalake pero nanatiling nakatakip sa bibig ko ang kamay niya.

Ilang saglit pa ang dumaan. "Mmff.. Mmff," I groaned at saka niya lang ako binitawan. "Pwe, huff.. Nagsabi ka man lang sana kung may balak kang isuffocate ako."

"My apologies, milady." He blushed. Why is that? "You just felt good in my arms."

Pak!

Sinampal ko siya. Nagwalk-out ako at pumunta sa pinakamalapit na multicab stop.

Pero..

pero..

pero..

Oo na, hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Pansamantala. Dahil pinalis ko iyon at nagpatuloy ako sa paghahanap ng masasakyan.

"Milady, I admit that I have been too much for saying such things. But on the contrary, I really meant it," he whined while chasing me.

"Ano ba? Nakakaeskandalo ka na ha? FC much. Umuwi ka na nga lang," sabi ko at nakatingin ako ng masama sa kanya. Nagtitinginan na rin kasi ang mga tao sa amin. Baka ma-issue na naman ako nito e.

"If that is what you want, milady."

"At huwag mo akong susundan. End of conversation."

"But-" angal pa sana niya pero nilayasan ko siya sa gitna ng crowd. Siguro naman hindi niya na ako susundan. At hindi nga.

Masyadong maraming nakasakay at sasakay sa mga multicab ngayon. Magtaxi kaya ako?

Sumakay ako sa unang taxi na nakita ko.

Pansin ko lang, panay titig sa akin si manong. Tss. Manyak yata ito.

"Manong, sa kalsada po kayo tumingin. Baka mabangga tayo niyan e," sita ko.

Ngumisi lang siya. Parang pilit pa.

Sa kalagitnaan ng byahe, hinihingan na ako ng driver ng bayad.

"300 pesos po mam hanggang doon sa pupuntahan niyo."

Agad naman akong tumingin sa gilid ko. Aish! Iyong bag ko!! Saan ko ba inilagay iyon? Hayy. Nahulog ba kanina nang nakipag-hide and seek ako sa wirdung lalake sa stalls?

"Ah eh, pwede po bang mamaya ko na lang bayaran pagbaba ko?"

"Sus, lumang estilo na iyan miss e. Kung wala kang pambayad, bumaba ka na," sabi ni manong na nakangising kabayo. Aba't wise ito ah!

Pero hindi pa rin ako susuko. "A hindi po, naroon po kasi sa pupuntahan ko ang magbabayad e."

"Weh? Hindi nga?" Astig si manong ah? Idol niya si Vice Ganda sa reaksyon niya?

Tss. Ang dapat kong isipin ay kung paano makakalusot sa kanya. "Manong, babayaran ko naman po talaga kayo pagdating doon e, promise po."

"Hayy hija, huwag ka ng magpaawa."

Honk!

Inihinto niya ang sasakyan.

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Where stories live. Discover now