2-May Tumutusok

33.8K 628 131
                                    

Welcome back to watty dre! Ayan idinedicate ko ito saiyo. Sana magustuhan mo.

Sa readers, basahin niyo po ulit iyong 1-Kalabit Day bago niyo basahin ito, kasi may binago po ako. Iyon lang po sa ngayon. –nonalita

So proceed tayo.

"Ineng, masamang pangitain.." Isang matandang ale pala ang kumalabit sa akin na nagsasabi ng mga weird na salitang iyon. Iyong totoo? Pahabol ba ito sa Halloween?

"Tutulungan kitang makaiwas sa kasamaan kaya huwag kang matakot ineng."

Ano raw? E di hamak nga na mas nakakatakot pa ang pormahan niya kesa sinasabi niyang masamang pangitain. Nakaitim siyang ankle length na daster tapos pino pa ang pakakakulot ng magulong buhok niya.

Pero in fairness bago ang nail art niya ah, tapos naka-stilletos pa.

Ah alam ko na, prank lang ito.

"Po? Ako po ba ang kinakausap niyo?" Itinuro ko pa ang sarili ko.

"Ah hindi hindi, iyong nasa likod ko." Wow si lola! Mahilig kay Vice?

Pero hindi ako magpapatalo. "Ah alin po? Iyong pugot? O iyong lumulutang?"

Bigla namang lumingon si lola. Success!

Chance ko na para tumakas at dinalian ko.

"Hoy ineng! Bumalik ka rito, hindi pa ko tapos sa sinasabi ko! Magbayad ka na rin! Ano.. Kahit pagkain na lang ang ibayad mo sakin!" narinig kong sigaw ni lola.

"Tss. Sabi na nga ba, fake na manghuhula lang iyon," napapailing na sabi ko nang makalayo-layo na mula sa matanda.

"Sinong fake?"

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Lingon.

Andito na siya!!?? "Waaaahhhh!!! Lo-lo-lola? Paano nyio nagawa iyon!? Wala po ba kayong rayuma?"

"Wala," nakangiting sagot niya. "At tutulungan kitang makaiwas sa kasamaan."

Bakit ganoon? Mas mukha pa nga siyang kampon ng kasamaan. Her dark eyes and thick veins on her face are scaring me. Her bewitched smile didn't help.

"Handa ka na ba? Hihihi." Her laughter horribly resembles that of a witch! Paano kung kagaya siya ng mangkukulam na nakita nina Hansel at Gretel?

"Waaahhh!! Huwag niyo po akong lutuin!" Tumakbo agad ako palayo.

Tae! Kung kailan matagal ng tapos ang Halloween, tsaka naman nangyari ito sa akin. Hmf. Siguradong walang maniniwala sa akin nito. Worse, pagtawanan pa ako.

Huff. Huff. Ngayon lang ako napagod sa pakikipaghabulan sa matanda.

Inhale. Exhale.

Inhale. Exhale.

Lingon.

Hay salamat, wala na iyong ale.

"Miss?"

"Ay paniki!" Muntik ko pang mahalikan iyong lalake. Sinisave ko pa naman ang first kiss ko kaya napaatras ako which results sa pagkakaupo ko sa kalsada.

Kasi naman bigla-bigla na lang sumusulpot sa likod ko eh. Pero kung siya man ang naging first kiss ko, ayos na ayos lang. Haha, ang gwapo niya kaya.

Aish! CTRL+A. CTRL+X.

"Nabigla ba kita?" tanong niya at iniabot ang kamay pero tumayo ako ng walang tulong niya.

"Obvious ba?" tanong ko rin at panay pagpag sa damit ko.

"Gusto mo bang tulungan kitang magpagpag niyang damit mo?" Tss. Gwapo sana...

"Wag na!!" Tingin nito sa akin? Cheap? Perishable goods lang ang peg? At saka mananantsing na lang, lumang istilo pa ang gamit. Hmf.

"Ang dumi naman ng isip mo miss, pero huwag kang mag-alala, hindi iyon ang kailangan ko sayo," he came dangerously near me.

In fairness gwapo siya sa close up ha? Feeling cameraman lang ako no? Ay mali, camerawoman pala.

My chocolate eyes met his honey ones.

Sa sobrang lapit niya hindi na ko makahinga, tapos nakahawak pa siya sa magkabilang braso ko ng mahigpit.

Speaking of braso.. "Ah mama, iyong ano..may tumutusok sa akin..iyong ano mo.."

"Just relax." Relax daw e masakit e. Tsaka may gana pa itong mag-old English accent.

"Pero masakit e.." Bakit ang lame ko? Hindi ba dapat nagfifreak out na ako ngayon? A stranger is poking something sharp and hard sa.. tiklupan ng siko ko! Puccah! Parang nauulit na naman tuloy ang traumatic moment ko sa pagpapabakuna noong bata pa ako. Huhu.

Teka, diba bullying ang tawag dito? Pero bakit parang walang pakialam ang mga tao sa amin? Hindi ba nila kami nakikita? Invisible lang ang peg?

Tsaka isa pa, bakit hindi ako kumikilos? Or rather, bakit hindi ako makakilos? Kung kanina nga nagawa kong takasan iyong matandang mangkuku- este manghuhula pala. Nauubos ba ang adrenaline rush? O baka naman.. ito na ba iyon? Iyong sinasabi ng matanda na masamang pangitain? Ano kayang mawawala sa akin pagkatapos nito? Ano bang gusto niyang nakawin sa akin? O baka papatayin niya ako dito sa kalagitnaan na maraming tao? Diyos ko po! Huwag naman sana!

"Tama na!! Huhu.."

"Just a little longer." His honey eyes never left mine.

Imagination ko lang ba o namamanhid talaga ang braso ko? Tapos pagtingin ko dumudugo nga ang braso ko. Masyadong malalim ang pakakatusok niya gamit ang isang.. dagger? At meron din siyang dalang reagent bottle para silidan ng dugo ko. Ang saklap naman ng first blood donation experience ko. "Huhu parang awa mo na, gusto kong makauwi na may braso."

But he didn't stop ripping my arm.

"Kaunti na lang." That doesn't sound like an assurance to me since I'm already feeling unwell.

"You must be tired and sleepy." Ay sad story, perstaym ko pa naman makalapit sa gwapong fafa other than Nath tapos papatulugin lang ako? Haha biro lang, iyon pa ba ang iisipin ko matapos nitong saktan ang precious arm ko?

Pero teka, paano niya nalamang inaantok na ako?

"You shall take a rest now." And just like magic, I'm drowsing off. Binalak niya ba talaga? Ito na ba ang tinatawag na death due to extreme blood loss?

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Where stories live. Discover now