Mrs.Villafuente good afternoon po..magiliw na bati ni Yna sa parating na ginang buhat sa kusina..
Oh Yna how are you? Wika ng ginang at yinakap ang 18 years old na dalaga..
Okay lang po ako Mrs. Villafuente..
Upo ka hija..yaya nito sa dalaga
Mabilis na umupo si Yna sa tabi ng ginang..
Ahm kaya po ako dumaan dito ipapakita ko po sana yung,report card ko..
Oh really?naku na eexcite na ako makita yang card mo..
Inabot ni Yna ang brown envelope..mabilis na binuksan ng ginang ang envelope..
Oh my..ang tataas ng mga grades mo Yna..Hindi ako nagkamali sayo since I saw you that day..
5 years later sa labas ng simbahan nakita ni Yna ang isang ginang na unti-unting napapaupo sa isang bangketa..agad niyang nilapitan ito at kinausap..pero walang nakuhang sagot si Yna sa matanda at sapo sapo nito ang dibdib..hindi na nag dalawang isip si Yna agad siyang pumara ng taxi at mabilis na ipinasok sa loob ang ginang..pagka diretso sa hospital nagpasalamat sa kanya ang doktor sa kanyang mabilis na aksyon at naagapan ang ginang sa stroke..hindi na hinintay ni Yna na magkakilanlan sila ng ginang...pagkabanggit ng doktor na may nakontak na silang kamag anak ng babae buhat sa cellphone nito agad siyang nag paalam sa doktor at mabilis na rin siyang umuwi at igagayak pa niya ang pananghalian nilang mag kakapatid..
Ilang araw din ang lumipas ng muling nagkita si Yna at ang ginang..sinadya talaga nitong hanapin si Yna para magpasalamat..at mula noon lagi na nitong tinutulungan si Yna at ang pamilya nito..at ang isa dito ay ang pag papa aral sa kanya simula grade 8 hanggang maabot ni Yna ang senior high school..
Maraming salamat po Maam sa pagtulong po sa,akin para makapag aral po ako..malapit na po ako mag,graduate ng senior high school at isa po kayo sa inspirasyon ko..nakangiting sagot ni Yna..
Oh no..hindi mo mararating iyan kung hindi din,dahil sayo Yna..yes sinagot ko ang,tuition mo but yung miscellaneous hindi ka nang hihingi,sa akin..alam ko na pumasok ka ng mga job as part timer sa school at sa labas at para na rin magampanan ang needs ng family mo..
Kaya mo pa ba hija?
Yes maam..nag tutulungan po kaming mag kakapatid at nakakapag padala din po si Kuya Aldo monthly kaya nakakaraos din po kami..
Oh..how brave ate you are Yna..keep it up..
Yes maam..salamat po sa tulong niyo sa,akin..
Malambing na nag yakap ang dalawa...
Thank you po maam..thank you ng marami..
------------------------------------------------------
Mabilis na nag bihis ng pambahay si Yna..natataranta na siya..medyo may kalayuan ang tirahan ni Gng Villafuente sa kanilang tinitirhang bahay..tatlong sakay pa..malaki ang utang na loob ni Yna kay Mrs.Villafuente at sa pamilya nito..binigyan siya ng chance makapag aral at sa sikat pa na paaralan sa boung bansa, ang Smith International School..
Malapit na siyang makapag tapos ng senior high school..balak niyang hindi na mag patuloy sa college para makapag trabaho..ilan ang mga kapatid niyang nag aaral..at pangarap niyang maka graduate ang mga ito at maging professional pag dating ng araw..kahit hindi muna siya makapag aral sa kolehiyo..sila muna..
Ate andito ka na pala..bungad ng kanilang bunso..si Bev..grade 4 sa pampublikong paaralan..
Oo..maiwan ko muna kayo dito ha..raraket si ate niyo..
Saan ka ate pupunta..
Mamamalantsa ako kina maam leal ..kapag ginabi na ako mauna na kayo kumain
Sunduin ka na namin ate ni Benjie..sabat ng bagong dating na si Ivan..Grade 9..
Naku wag na..mag asikaso ka na lang sa mga kapatid natin dito...
Sige ate ingat ka..
Salamat..bye mga kapatid..masayang paalam ni Yna at lumabas na siya..
Dahil para sa kanya Time is gold..hindi niya pwede iasa sa kuya Aldo niya ang kakainin at gagastusin nilang mag kakapatid..kaya hanggat kaya niyang mag trabaho habang nag aaral gagawin niya..lalo pat nalalapit na ang kanyang pag tatapos sa senior high school..malapit na rin siyang makahanap ng full time na trabaho..
Wala na siyang balak ituloy ang kolehiyo..gustuhin man niya na makapagtapos at maging isang guro wala siyang magagawa na..para rin ito sa kanyang pamilya..
Siguro kapag naka graduate mga kapatid ko mag tuloy ako sa pag aaral..wika ni Yna sa sarili sabay kwentada sa kamay kung kailan matatapos ang mga kapatid at napatawa siya sa kinalabasan..
Matanda na siya bago makatapos ang bunso..iiling iling na tumuloy si Yna sa pag lalakad..
Fighting Yna..Fighting..bubulong bulong si Yna sabay taas ng kamao sa ere..
Fighting..!!
YOU ARE READING
Yna's Knight In Shining Love Armor(Completed)
General FictionPinilit si Yna Macario ng taong minsan niya ng matulungan na mag aral sa isa sa sikat at mamahaling school sa bansa..ayaw man niya napilitan na siyang mag oo tutal ililibre naman siya sa lahat ng gastusin.. Naitawid niya ang halos dalawang taon sa s...
