18-Clumsy Encounters

Start from the beginning
                                    

“Lola, kung wala na silang lahat?” nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo ba alam na sinadya noon ng administrasyon ang sunog na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ninuno mo?” tanong niya.

“Pero akala ko po ay simpleng away-pulitika lang ang dahilan?” Nakita ko siyang umiling at hindi ko na napigilan pa ang mga luha sa pagdaloy sa mga mata ko. “Ngayon naiintindihan ko na po kung bakit nawala ang lahat ng kapamilya ko. Ang hindi ko po maintindihan, bakit ako ginagastusan ng gobyerno mula pagkabata ko?”

“Hindi ko alam, pero mag-ingat ka. Kung gusto mong maging malakas, kailangan mong matipon ang mga Madrigal. Dahil sa sunog noon ay nagsitago at nagkawatak-watak sila. Inuulit ko, hindi iyon aksidente.”

I clenched my fists. “Naiintindihan ko po. Gagawin ko ang makakaya ko.”

“O paano? May itatanong ka pa ba ineng?” tanong ng matanda.

“Meron pa po. May hindi po ako maalala noong isang gabi. Pero naaalala ko na po siya ngayon dahil kay Kol. Pero may hindi po ako maalala kagabi na kahit si Kol ay hindi matukoy kung ano iyon. Ano po ang ibig sabihin noon?”

“Mas malakas na bampira ang nagpalimot saiyo ineng. Nakikita mo ba ang lahat ng taong nakapaligid sa atin?” tanong niya at lumingon ako sa paligid. “Hindi lahat sa kanila ay ordinaryong tao lang. Kailangan mong piliin ng mabuti ang iyong pagkakatiwalaan. Matututunan mo rin ang lahat sa tamang panahon.” Parang palayo nang palayo ang boses ni lola.

Paglingon ko, wala na siya!! Lola??? Nasaan na iyon?

Hayy. Ngayon, kailangan ko ng umuwi at medyo naliwanagan na ako.

Marami pa sana akong itatanong. Bakit kailangang protektahan ako ni Kol? Bakit nasa panganib ang buhay ko? At sino ang may masamang balak sa akin?

Pero bigla na lang siyang nawala. Sinadya niya sigurong palingunin ako para hindi ko siya mapigilan sa pag-alis. Pero ayos a, libre lang ang ginawa niya.

Blagh!

Aray!! Clumsy ako ngayon a! Sino naman kaya ngayon ang nakabanggaan ko?

"Just the person you’re thinking of." Ano raw? Tss. Sino ba itong tatanga-tangang bumangga sa akin? Nabangga na nga tapos ganoon pa.

As I lifted my head, "Ikaw??"

"You know me?" gulat na sabi niya.

"Hindi, pero parang nakita na kita dati.." Saan ko ba siya nakita? Ang weird. Tanda ko ang pangit at nakakatakot na mukha niya pero hindi ko alam kung saan, kailan, paano at bakit nakita ko na siya. Ang gulo no?

"Imposible."

"Well anyways, may mga tao talaga na magkakamukha. Baka hindi ikaw iyong nakita ko," sabi ko at akmang liliko na sana pero..

pero..

pero..

Sige na nga, pinigilan niya ako.

"Ha? Bakit? May kailangan ka ba sa akin, Mister?" tanong ko sa sobrang pagtataka. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong experience ko na ito na may stranger na humila sa braso ko. Una si lola sa Pen Festival. Pangalawa si Klaus noong kinunan niya ako ng dugo. At ito ang pangatlo.

Masamang pangitain. Naalala ko na naman tuloy.

"Huwag mong sabihing mag-eextract ka rin sa akin ng dugo?" Puccah! Did I just say it out loud?

He smirked. "That was sweet of you. Ulitin mo nga ang sinabi mo."

I shook my head in disagreement. "Forget I said anything."

Kumunot ang noo niya, at akma sanang palapit sa mukha ko ang palad niya while he's looking at me, eye to eye. Pero umiling ulit ako bago tumingin sa baba.

Saka ko lang napansin na nangangatog ang tuhod ko. "Ah, pasensya na, may gagawin pa kasi ako. Sige ha?" pagpapaalam ko.

"Masyado ka naman yatang nagmamadali."

"O-oo, kasi.. basta!!" And just after that, tumakbo na ako ng pagkabilis which resulted to..

"Hoy! Hintay!"

Tss. Lalo ko pang binilisan. Lumiko rin ako ng ilang beses para mailigaw siya.

Hanggang sa paglingon ko..

Nasaan na iyon?

"Uwaahhh!!!" sigaw ko nang may biglang humila sa akin.

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Where stories live. Discover now