Tagu-taguan

17 0 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo, nagsimula ang larong ito,
Tinago ko ang katotohanan na nararamdaman ko sa 'yo,
Sa larong ito, ikaw ang taya at ako ang hahanapin mo,
Dahil ako ay magaling magtago ng nararamdaman ko.

Sinimulan kong magtago sa katotohanan,
Tinago ko nang mabuti ang aking nararamdaman,
Nang sa gano'n ay hindi mo malaman,
Ang pagmamahal ko sa 'yo na natagalan.

Ayaw ko umamin dahil ako ay kinakabahan,
Ayokong magalit ka dahil sa aking nararamdaman,
Kaya ito ako, nagtatago pa rin upang hindi masaktan,
Dahil ayokong wakasan kung ano man ang aking sinimulan.

Patuloy akong nagtatago kahit ako ay nasasaktan na,
Dahil minsan 'di ko mapigilan na magselos sa iba.
Ngunit wala pala akong karapatan dahil ako ay kaibigan mo lang.

Ano nga bang karapatan ko para magalit sa kanila?
Isa lang naman akong hamak na nagtatago at nagpapakatanga.
Sa nararamdaman ko sa 'yo na malabong makita ng dalawa mong mata.

Gusto ko nang tapusin ang larong ito,
Gusto ko nang umamin kaso ako ay nalilito.
Gusto ko nang lumabas sa pinagtataguan ko,
Kaso 'di ko magawa kase alam kong mali ito.

Dahil ako ay kaibigan mo lang pero nasasaktan din ako,
Sana'y isipin mo rin ang nararamdaman ko,
Dahil sa larong ito, alam kong ako ang talo.

Kaya ito ako nagtatago pa rin sa katotohanan,
Ayokong lumabas sa aking pinagtataguan,
Dahil kung sakali man na ako ay umamin ako lang din ang masasaktan.

At ayokong masira ang ating pagkakaibigan,
Dahil sa larong TAGU TAGUAN,
Ikaw ang taya at ako ang nasasaktan.

Thoughts and Poems Where stories live. Discover now