IV

1 0 0
                                    

After the encounter with Jaimeson, naghanap na ako ng mauupuan ko. Sadyang mapaglaro ang tadhana kasi ang natitirang available na seat ay tapat lamang sa table kung saan nakaupo si Jaimeson. Nagkatinginan kami then he winked at me. Napaiwas ako ng tingin.

Nilibang ko ang aking sarili sa pakikipagchichismisan sa mga officemate ko para makaiwas kay Jaimeson. Halos papuri kay Jaimeson ang naririnig ko mula sa kanila. Kailangan ko na nga atang magpacheck up kasi sumasakit na ang tenga ko sa kakaJaimeson nila.

Habang naguusap kami biglang tumahimik ang mga kasama ko at lahat sila nakatingin sa likod ko.

"Excuse me ladies, Can I borrow Margalaux for a minute?"

"S-sure s-sir." Nauutal na sabi ni Martha.

Here we go again

Bago man ako makapagisip ng palusot para hindi ko siya makausap. Nagulat akong hinawak niya ang aking kamay upang ako'y alalayang tumayo. I felt a shiver go down my spine at the moment he touched my hand.

Lumingon ako sa mga kausap kong officemates para magpaalam at wari mo'y nakita nila ang paghawak ng kamay ng bagong CEO sa akin. Lahat sila nakatulala at meron namang nakakunot ang noo.

"Excuse me." Pagpaalam ko sa kanila bago umalis. Tango lang natanggap kong sagot sa kanila. Hindi pa rin makaget over sa ginawa ni Jaimeson. Si Jaimeson naman kasi, makahokage moves parang kami lang taong dalawa sa room.

Naunang maglakad si Jaimeson palabas ng meeting room. Nakasunod lang ako sa kaniya. Nilingon ko ang mga taong nadadaanan namin. Halos lahat sila nakatingin sa aming dalawa na naglalakad palabas. Hindi ko maiwasang makarinig ng mga bulong bulungan. Yumuko lang ako at lumabas na rin ng meeting room.

Nakita kong nakasandal si Jaimeson sa glass railings tapat ng pinto.

"Bakit ang tagal mong lumabas?" Tanong nito sakin pagkalabas ko ng meeting room.

"Mabilis ka lang maglakad." sarkastikong sagot sa kaniya na parang hindi ko siya boss.

Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Ayaw na ayaw ko pa naman ang ginugulo ang buhok ko.

He signalled me to follow him. He started walking at sumunod na rin ako. Pumasok siya ng exclusive elevator. Ito yung elevator for the CEO, CEO's Seceetary, Head Directors at ang mga guests ng CEO. May katabi itong elevator na para naman sa mga employees. Hinintay ko ang isa pang elevator para doon sumakay.

Napansin kong hindi pa umaalis ang elevator ni Jaimeson. Sinilip ko siya at nakita kong nakaismid na ang kaniyang mukha.

"What are you waiting for? Hope in." Utas nito.

"Bawal akong sumakay diyan. For the CEO lang ang elevator na iyan."

"Well, I'm the CEO. What I say, you follow." pagmamalaki nito.

Okay

Wala na akong nagawa at pumasok na rin ng elevator. Napuno ng katahimikan ang buong elevator. Walang may nagtangkang magsalita saming dalawa.

50th Floor, the CEO's Floor. Dito tumigil ang elevator. First time kong makaapak sa floor na ito. 2 years na akong nagtatrabaho rito pero ngayong lang ako nakapunta rito.

Lumabas na si Jaimeson at sinundan ko siya. Pumasok siya sa isang malaking wooden door. Pinto ito ng main office niya, nauna siyang pumasok at pumasok na rin ako.

Pagkasarado ko nang pinto, napatalon ako sa gulat ng may biglang yumakap sakin sa likod. I heard him chuckled near my earlobe. Nakiliti ako sa ginawa niya. Pinaharap niya ako sa sa kaniya without breaking his embrace. He looked me straight to my eyes and felt shiver run down my spine. Kakaiba ang mga titig niya sakin. Titig na parang nasasaktan at nangungulila. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Glance Two HeartsWhere stories live. Discover now