Chapter One

6.2K 153 27
                                    

Sa scale of one to ten, zero ang magiging sagot ko kung tatanungin ako kung totoo ba ang love. Love? Teka, nakakain ba 'yun? Tseh! Hindi 'yun totoo! Dahil kung totoo 'yun, wala sanang hiwalayan, wala sanang babaeng isinusugod sa Gabriella dahil napagmalupitan, wala sanang nasasaktan, at higit sa lahat, wala sanang batang paslit na makakakita ng kalupitan ng sinasabing pagmamahal na 'yan.

Hindi totoo 'yun, kalokohan lang 'yun. Teka, hindi ako miyembro ng Gabriella o DSWD ah? Isa lang naman akong simpleng taong magpapatunay na hindi totoo ang nakikita natin sa pelikula. Hindi totoo ang nababasa natin sa libro. Dahil ang totoo? Pare-pareho lang ang mga lalake eh, sasaktan ka lang nila matapos bilugin ang utak mo na mahal ka nila. Nasaan naman du'n ang hustisya, 'di ba?

Kaya nga naiinis ako sa mga babae eh, dahil napakadali nilang mauto. Napakahina. Masyadong inuuna ang puso kesa sa utak. Kinakalimutan ang mga prinsipyo sa oras na tumibok ang puso. Kung matalino lang sana sila, edi hindi sana sila kaawa-awa. Kung ginagamit lang sana nila ang utak nila, edi hindi sana sila nasasaktan.

Masaya akong naga-glide gamit ang skateboard na niregalo pa sa'kin ng pinsan kong si Clarisse dito sa parke kung saan may mga skaters rin na tulad kong nag-eensayo o kaya naman ay naglalaro lang. Si Clarisse, madalas siyang tawaging Tekla dahil Clarisse Te ang buong pangalan niya. At kahit mejo hindi ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha ng pinsan kong 'yun eh alam na alam niya ang mga gusto ko kaya sinasakyan ko na rin ang trip niya. Kung 'yun eh babaeng bakla, ako naman eh babaeng maton kaya quits lang.

Pag gamit ko 'to, pakiramdam ko eh ako lang ang magaling. Walang epal, walang extra, sa'kin ang mundo at walang mangingialam sa'kin.

Habang linilipad ng hangin ang mahaba kong buhok ay lumilipad rin ang utak ko papunta sa kung saan. Minsan, napapaisip din kasi ako kung pa'no kung mahulog ako sa isang tao? Malamang sa alamang eh hindi ko kakayaning makita ang sarili kong nagpapakatanga sa isang lalakeng wala namang maidudulot na mabuti. Guguluhin niya lang ang maayos kong mundo kaya 'wag na lang. Hindi ko talaga alam. Sana, wag na lang. Para less hassle, simpleng buhay para masaya.

Akmang gagawa na sana ako ng paborito kong stunt nang bigla na lang may sumulpot na kung ano sa harapan ko. Hindi ko 'yun nakita. Letse! Kaya nang bumangga ako, halos lumipad ako papuntang pluto sa lakas ng impact nito. Nagsitapunan din ang aking minamahal na si Skatie -- pangalan ng aking minamahal na skateboard.

"Tanga! Kitang nagska-skateboard 'yung tao, eepal-epal ka! Letse!" sigaw ko matapos makita ang nagkalasog-lasog na itsura ng aking Skatie. Maluha-luha kong pinulot ang maliliit na gulong nito at ang natipak na board nito. Marami ring gasgas si Skatie.

"S-Sorry po," sambit nang nakabangga sa'kin. Agad ko siyang tinapunan ng tingin at tumambad sa'kin ang mukha ng isang dugyot. Mukhang kaedaran lang siya ng kapatid kong si Josh. Ang kaibahan nga lang ay mas malaki ang katawan ng dugyot na nasa harapan ko. Suot niya ang isang itim na cap at gamit ang isang pulang jersey.

"Tae! Magagawa ba ng sorry mo na maayos ang Skatie ko? Palibhasa kayo, mga pa-gwapo lang sa buhay ang alam ninyo! Letse!" untag ko at sinimulan nang maglakad pero natigilan ako nang biglang humapdi ang balakang ko. Du'n ko lang naalala na iyon pala ang unang tumama sa matigas na sahig kanina.

Hinawakan ko ito at paika-ikang naglakad na. Sana'y ma-ipatso 'yung lalakeng 'yun at atakehin ng LBM. Sana, masagasaan siya ng Jeep o habulin ng Bull Dog. Bawat hakbang ay parang hakbang papuntang impyerno, ang sakit. Nang tiningnan ko naman ang palad ko ay may sugat din pala ako rito.

Napatingin na lang ako sa itaas at minura sa isipan ang lalake ng lahat ng mura na alam ko. Ugh! Muli kong idinako ang paningin kay Skatie at halos maluha ako dahil ang aking minamahal na skateboard ay lasog-lasog na.

AteWhere stories live. Discover now