Chapter 9. Good Night!

309 14 7
                                    

Naksss. Daming walang pasok =))

 Kinilig talaga ako sa KathNiel sa ASAP last Sunday! Grabehan. =))) O eto na nga.

 Dedicated to engkengk. Wala daw syang palya sa pagvote. Thank you! =))

ENJOY!

-padillachelsea

===================================================================================

KATH's POV

Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko si Daddy sa may sofa. Nakahiga, nanunuod ng tv. 

"Hello Dad." Ako. Sabay mano kay Daddy.

"Oh anak, kumain ka na ba?" Dad.

"opo. Nilibre po ako ni Dj eh." Ako.

"Ah ganun ba... Sige akyat ka na. Tulog ng maaga. May pasok pa kayo bukas." Dad.

"Opo. Good Night!" Ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis. Sinuot ko yung pajamas ko sabay bukas ng aircon. O diba, feel na feel! haha.

Nagtoothbrush din ako saka nagsuklay ng buhok. Readyng ready na ko sa pagtulog pero ang aga pa. baliw lang e no? haha.

Humiga na ko sa kama ko. Kaya lang di ako makatulog. The way na parang may nararamdaman akong kakaiba. grabehan, ano ba to? Siguro ang saya ko lang. Masaya naman kase talaga kasama si Dj eh. Di kaya lumalim tong nararamdaman ko para sa kanya? Pano kung tuluyan na akong mainlove sa kanya? NO. Hindi pwede! hindi talaga pwede! Hinding hindi.

Bakit?

In the first place, priorities. Syempre ipapriority ko muna yung studies ko diba? Syempre sa katulad kong 4th year High School, ang dami dami kong kelangang gawin sa pag-aaral. Lalo na't graduating na ko. Isang taon na lang, goodbye High School Life na ko. Lilipat na ko sa College world. Napakamagiging busy talaga.

In the second place, takot ako. Takot akong magmahal muli. Takot akong masaktan. Takot akong pumasok sa mundo ng pag-ibig. Takot akong maiwang mag-isa. Takot akong dumanas ng kahit na anong paghihirap. 

In the third place, yung personality nya. Kasi parang Woah. Daniel Padilla yan mga bregs! Daniel Padilla. He is known as a notorious womanizer and besides from his being a varsity player, may isa pa syang pagkatao. School player yan! Playboy yan. Siya talaga yung tipong nang-iiwan. Nananakit. Hindi physically. Kundi emotionally. I mean, sinasaktan nya yung feelings ng mga babae. Pinapaibig nya saka iniiwan. Pinapaasa kumbaga. Pero hindi naman sa sinasabi kong hindi sya mapagkakatiwalaan o masamang tao siya. Pero kasi, yun yung pagkakakilanlan sakanya eh. Hindi naman magbabago  yun kung di mapapatunayan. Hindi mawawala yun sa bawat isipan ng sinuman. Once a player, always a player. 

Maraming dahilan. Marami. Napakarami. Na baka hindi ko kayanin ang mundo ng pag-ibig.

Grabehan. Haba haba na ng kwinento ko, ndi pa rin ako inaantok.

Time check: 8:30pm

*ting*          Alam ko na! Magbabasa na muna ako ng notes. Tutal maaga pa naman. Nilabas ko muna yung book ko sa Physics saka yung notes ko sa Mathematics. Masipag ako eh! Chosss.

 DJ's POV                

Bakit ganon? Parang ang saya saya ko. Parang sumobra yung kaligayahan ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapagsalita nang maayos kanina kay Kath.Anong meron? Anong nangyayari sakin? Baliw na ba ako?!            

ALL I NEED IS LOVE. (KathNiel Fanfic) OH-HOLD.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon