Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa apartment niya. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa third floor. Agad kong in-enter ang code sa pinto ng unit niya.

   Pumasok kami habang sumusuray si Kalen. Kung hindi ko siya aalalayan ay tiyak na kakalabog siya sa lapag. Sinipa ko pasara ang pinto at tinungo ang kwarto niya.

   Sa salas ay nagkalat ang manuscripts, laptop, gamit na tasa, at ilang balat ng chocolate bars. Napapailing na lang akong nilagpasan ang mga iyon at binuhat si Kalen nang walang kahirap hirap.

   He was small afterall.

   Nang maipasok ko siya sa kwarto ay agad ko na siyang ihiniga at nilinisan ng katawan.

   "Ahh. Ang sharap maligo sha beach. Daming kabibe oh." Itninaas pa niya ang kamay na parang may itinuturo.

   "Stupid. Turn on your side." Saka ko siya itinulak para mapunasan ang likod niya.

   Oras na dumampi ang bimpo sa ibabang bahagi ng likod niya ay awtomatiko siyang tumawa. Yeah iyon ang isa sa mga parteng malakas ang kiliti niya.

   "Wag kang malikot."

   Pero dahil lasing siya ay parang wala siyang narinig at patuloy lang sa pagkislot ng katawan. Binilisan ko na lang ang pagpupunas. Pinatuyo ko ang katawan ni gamit ang tuyong bimpo saka siya pinulbusan.

   Tinungo ko ang closet niya at naghanap ng pantulog.

   Napangiti ako nang makita ko ang pares ng pajama na regalo ko sa kanya. Well, kung pwedeng i-consider na regalo ang isang bagay na ipinilit lang niyang bilhin ko para sa kanya.

   Dinampot ko ang Spiderman pajamas saka iyon isinuot sa kanya.

   "I'll leave now, okay?" Kausap ko sa kanya habang nakaupo ako sa gilid ng kama.

   Hindi siya sumagot at nanatiling nakapikit. Hinawi ko ang buhok sa noo niya saka iyon dinampian ng mabining halik.

   Naudlot ang pagtayo ko nang maramdaman kong nakakapit ang maliit niyang kamay sa suot kong damit.

   "Stay."

   Nakapikit pa rin siya. Ito iyong mga pagkakataon na hindi ko siya kayang tanggihan.

   Look at him.

   He looks like a vulnerable baby that's begging a mother not to leave. And he's not even trying look like one. Natural na sa kanya iyon.

   Napapailing akong naghubad at tumabi sa kanya. Oras na maramdaman niya ang paghiga ko ay agad na pumulupot ang braso niya sa tiyan ko, ang isang hita niya sa hita ko, at isiniksik ang mukha sa kili-kili ko.

   Sumagap siya ng hangin saka nakangiting pinakawalan iyon.

   Niyakap ko siya gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakapatong sa braso niya sa tiyan ko. Mayamaya pa ay dinalaw na rin ako ng antok.

-------------------------------------------

***Kalen's POV***

   Hmm.

   Comforting.

   Iyon ang unang pumasok sa nag-aagaw kong diwa. My room is my favorite place and my bed is my favorite possesion, except for my laptop of course.

   Ikiniskis ko ang mukha ko sa unan saka iyon niyakap. I love my pillows too. I mean, they are my friends. Pwede akong umiyak sa kanila. Pwede ko silang yakapin when I feel alone. And I can sleep on them kapag gusto kong magpahinga.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now