LWTBBH 10

977 14 0
                                    

Aliana's POV.

Tatlong linggo na ang nakalipas mula nung magsama na kami ni Axl sa iisang bubong at natutulog sa iisang higaan.Ops kung sa tingin n'yo may nangyari na sa'min dahil sa iisang kama lang kami,maling-mali kayo nang inaakala.Kahit papaano,may natitira pa namang pagka-maginoo kay Axl at ako naman ay Pure Maria Clara from modern generation.

Ginagawa naman namin ng maayos ang buhay mag-asawa namin sa bahay kahit puno nang asaran.Nag-luluto naman ako ng breakfast at hapunan namin,sa school kasi kami nagla-lunch kapag may pasok at tuwing weekend naman,kanya-kanya kaming busy sa pag-tulong sa mga family business namin.

Pero kapag may Free Time ang isa sa amin,nag-lilinis naman ng bahay.Ewan ko ba kay Axl at ayaw kumuha ng katulong.

Isa lang naman ang hindi namin ginagawa sa buhay mag-asawa namin.Yung mag-ano...You know...

So far,so good din naman ang pagsasama namin.Katulad ngayon...

Maaga kaming pumasok ni Axl sa school dahil maaga ang 1st subject namin at may ia-announce daw sa school admins si Daddy at bilang tagapagmana n'ya ako at manugang n'ya si Axl,kailangan namin umattend whether we like it or whether we like it,we will like it.

Habang papasok kami sa campus,kapansin-pansin naman ang mga estudyante at guro na nakatingin sa'min ni Axl.Yung iba,parang pinapatay kami ni Axl sa isip nila.

Hindi naman kasi tago sa school na 'to 'yung kasal na naganap sa pagitan namin ni Axl.Nakakasuka man aminin pero may fangirls na dito si Axl at natitiyak ko'ng Malaki ang galit nila sa'kin.

Bakit?Kasalanan ko ba na masyadong nagandahan sa'kin ang in-laws ko kaya ako ang napili nila para sa

Clowns ang tawag ko sa fangirls ni Axl dahil sa sobrang kakapal ng mukha at makeup nila.

Pagpasok namin sa room,nakatingin sa'min lahat ng classmates naming.Ini-snob lang sila ni Axl habang ako,inirapan ko sila lahat.

Pareho kami naupo ni Axl sa magkatabing upuan namin.As usual hanggang sa seating arrangement e hindi pa rin kami mapaghiwalay kasi nga,by partners ang seating arrangement at wala ako'ng partner nung nag-transfer s'ya dito kaya s'ya ang pinili ni Mrs.Ancheta upang maging partner ko.

Makailang saglit mula nung dumating kami ay s'yang dating din ng mahadera naming professor saka n'ya inilabas ang Attendance Record n'ya.

'Alvarez,Ginny?'

'Present Ma'am'

'Andrade,Avah?'

'Present'

'Chen,Abbygail?'

'I'm here!'

'Enriquez,Nicolette?'

'Present'

Yan ang kaganapan ni Mrs.Ancheta sa room habang ang kaganapan ko naman ay hintayin ang apelyido ko'ng 'Monteverde.'

'Montealto?'

'Present'

Ayaaaaan.Ako na next.

Magpi-present na sana ako nung nabigla ako kasi ibang apelyido ang nasabi ng Professor naming.Tae,kinalimutan ang apelyido ng taong nagpapasweldo sa kanya?!

'Naluz?'

'Present'

'Rivas?'

'Present'

At si Rivas 'yung last...sa akala ko...dahil may humabol pa'ng apelyido na ipinagtaka ko.

May bago ata'ng transferee na naman?

Kung sinuman 'yun,kawawa naman s'ya dahil wala s'yang makakapartner sa mga activities.

'Wu,Aliana?'

Teka,sinong Aliana Wu?Siguro magandang babae 'yung baguhan,Aliana rin kasi ang name.

'Wu,Aliana?!'

"Sino ba 'yan?!Pagsabi na lang ng Present,di pa magawa!"Pag-atungal ko saka ko tiningnan ng masama lahat ng classmates ko.

Napataas naman ako ng kilay dahil lahat sila,sa'kin nakatingin!

Unti-unti naman lumaki ang mapupungay ko'ng mata nang unti-unti rin magsink-in sa utak ko kung sino si Aliana Wu saka ako unti-unting nag-slide sa upuan ko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

'Kasal na nga pala ako.Hindi na nga pala ako si Aliana Monteverde dahil ako na si Aliana Wu' T.T

Bakit ba?18 years ako'ng naging Monteverde at mas sanay ako 'dun!

Magsasabi na sana ako ng 'Present' kaya lang naunahan ako ng nakakabwiset na tawa na umalingawngaw naman sa buong room.

"Pasensya na Ma'am,na-stuck ata ang isip ng asawa ko sa nangyari kagabi.Napagod ko ata s'ya masyado."

Sa sinabi n'yang 'yun,narinig ko na naman ang mga mapagkantyaw ko'ng kaklase kaya naman pinaghahampas ko si Axl sa doble-dobleng kahihiyan na ginagawa n'ya sa tahimik ko'ng buhay!

Doble kasi 'yung meaning na sinabi n'ya.Akala naman ng classmates ko'ng green-minded,may nangyari na sa'min!

Matapos ang mahabang oras sa klase,na-dismiss din kami.S'yempre,puro surprise quiz lang ang ginawa then nag-check ng assignments at nag-lecture.

At sa buong oras ng klase,wala ako'ng pinansin sa kanila ni isa.Kahit si Mrs.Ancheta at si Axl.

Paano ba naman kasi,abot-abot na kahihiyan ang dinanas ko,umagang-umaga pa lang.

Life with the BadBoy HusbandWhere stories live. Discover now