Chapter XXXVI '' SWEET , BITTER ''

Start from the beginning
                                    

Papunta na sana ako sa gym ng makita kita . Uunahin ko ba yun , kesa sa asawa ko . - sabi niya sabay pakawala ng nakakapanlaglag panty na ngiti . SH*T . Ang gwapo't cute niya . Grrrh .. Sarap e hug and kiss . Trolololo ~_~ Kung ano-ano na naiisip ko . Pero infairness kinig ako dun . Yung iba kasi mas priority nila ang paglalaro kesa mga syota o asawa nila . Buti itong asawa ko ako ang number 1 sa kanya . 

Ngayon nakita muna ako . Pumunta kana dun at magpapraktis pa kayo . - irita ko paren sabi . Ewan ko ba gustong-gusto siyang sinisigawan at pinagagalitan at nagagalit-galitan . Wala lang gusto ko lang ang sinusuyo , ang kyot niya eh . >_<

Wala kang kasama dito , tara sumama ka sa akin . E Cheer mo ako dun , para mas ganahan ako magpraktis alam mo na , para mas inspired ^_~ - kinindatan niya ako , halos mahimatay ako sa ginawa pero since ngayon ay galit galitan ako ay hindi ko pinahalata . Mga lalaki ang hilig gawin ang mga babae bilang inspiration at lakas ng loob ano ba tayong girls ? VITAMINS ? Pero aminin , kinikilig tayo pag sinasabi ng mga asawa at boypren naten na tayo ang nagpapalakas ng loob nila at tayo ang insperesyon nila . 

NOPE ! Ayaw ko , dito na lang ako . - tanggi ko . Kahit gustong-gusto ko naman . ARTE nuh ? 

Honey , tara na . Sige na . - kulit pa niya . Ang kyot kyot niya mag pout . Nakaka inlove . Urgh . Ayaw ko  man tanggihan pero ... gusto ko pa makakita ng mas kyot niyang pout . 

NOPE ! - tanggi ko pa . 

Sige na honey , baka mainip kana dito . Ikaw lang mag-isa oh ? Halos lahat ng girls ay nasa gym na manunuod ng praktis . Kaya wala kang makakasama dito . Dun ka na lang at panuorin ako . Hindi mo pa nga ako nakita maglaro eh . - paliwanag pa niya . Malaman ang sinabi hah ! Ano naman kung andun ang lahat ng girls ? Wala akong paki .....

 Oh , ngayon ? Dapat rin ba andun ako ? Ano ka sa tingin mo ? Pinagpi-piestahan ng mga kababaihan . Hindi ako katulad nila na sobrang obses sa mga katulad niyong mga Varsity . Tsk . - iritang sagot ko . Ang kapal niya . Ibinida pa ang mga nagkakagusto sa kanya . Ano naman kung maraming nagsipuntahan na mga babae sa gym para manuod ng praktis game . 

Alexander Xian Uy Lim P.O.V

Ang kulit ng lahi ni Sue , sabing sumama sa akin sa gym kasi mag-isa lang siya reto . Pero ayaw niya napakatigas ng ulo . Bukod sa masungit napaka hirap pakiusapan . Hindi nakikinig eh . 

Hindi naman sa ako ang ipinunta ng mga babae . Some of them are supporting their love ones , their crushes and their . . .  - hindi na niya ako pinatapos at humirit pa ang chinita queen ko .

At ano ang gusto mong sabihin ! Na keso dinadayo kayo at pinagpipiestahan ng lahat ng kababaihan . Pwes ibahin mo ako . Wala akong balak manuod at lalong wala akong balak mag cheer para sayo . - galit pa niyang sagot . Hay naku , wala na akong maisip na paraan para mapapunta siya sa gym at magcheer rin para sa akin . Kaiangan ko ng support niya para mas ma inspired ako . Pero hindi ko siya makumbinsi . Siguro ay ayaw talaga niya magpunta ng gym dahil may maaalala siya dun at masasaktan pa siya . OKAY ! I get it si Robi na naman siguro naiisip niya . Akala ko unti-unti na niya akong nagugustuhan at minamahal pero nagkamali ako . Si Robi pa rin pala .  Akala ko talaga sa mga araw na lumipas na pinagsisilbihan niya ako , pinagluluto ay paraan niya yun upang ipakita ang pagtanggap niya sa akin . Pero ngayon alam ko na kung bakit niya yun ginagawa , di dahil mahal niya ako kundi she take it as a responsibility for me as her husband . Pero nagpapasalamat paren ako dahil ginagawa na niya yun para sa akin . Pero sana gawin niya ang lahat ng iyun hindi lang dahil sa responsable niya ako pagsilbihan kundi dahil mahal niya ren ako at dahil gusto niya iyon gawin para sa akin . And for that ako na ang magiging pinaka masaya sa buong daigdig :)

Sige , baka nagsisimula na sila . Pumunta ka na lang kung mag-iba ang isip mo . - malungkot kung sabi at saka tumalikod at naglakad papunta sa gym . Kung hindi siya mapilit wag na lang baka lumala pa ang away namin . Kaya mas mabuti umiwas na .

Kimberly Sue Yap Chiu Lim P.O.V

Ay ! Hindi man lang ako pinilit pa lalo . Sige ka . Hindi talaga ako pupunta . Anong akala niya , tsssh . Bakit kasi hindi mahaba ang pasensya niya . Sana kinulit pa niya ako . Para sumama ako at magcheer para sa kanya . Magsisi sigaw talaga ako para sa kanya .

Mga babae ? Maraming babae ? 

Nakuuuuu ! 

Agad akong bumalikwas ng tayo at naglakad papunta sa gym . Aba mahirap na baka . Alam niyo na ! 

Oo na lolonukin ko ang pride ko . Baka naman kasi isipin na wala akong kasupor-suporta sa asawa ko . Baka gusto pa niyang sumigaw-sigaw ako ng GO SEXY , GO SEXY SEXY LOVE . Haha xD from She's Dating The Gangster . Ang cute cute kaya yun . Panuorin niyo rin . Am sure matutuwa kayo haha xD . ( Talagang nagPLUG pa eh :) )

Ang dami ngang tao dito . At totoo ang daming girls dito . Hinanap ko sila Erich . 

SHOT !

Nakita ko sila sa unahan . Nagpalinga-linga pa ako nakita ko si Alex G. naka upo rin sa unahan . Huhm . Bigla nakaramdam ako ng kunting kurot sa puso . Naisip ko tuloy na baka inimbita siya ni Xander kapalit ko . Dahil hindi ako sumama sa kanya naghanap na siya ng kapalit . Gusto ko tuloy na magbackout na sa ginagawa ko . Biruin niyo wala pang ilang minuto ko siyang tinanggihan naghanap na siya ng kapalit . 

TUTULOY o HINDI 

A/n : Vote and Comment ^_^ 

A Parental Wedding Story - kimxi (APWS)  &quot;Editing&quot;Where stories live. Discover now