Gusto ko lang malaman (One-shot)

9.6K 182 44
                                    

(Edited)

Gusto ko lang malaman (One-shot) By: Alesana_rain ||  2014

***

Sabay kaming kumain ni Ram. Mula sa kusina ay amoy na amoy na ang bagong lutong adobo na pinagtulungan naming timplahin.

"Masarap."

Hinati nya ang patatas na maliit sa mas maliit pa. Sumandok sya ng kanin na tutong. Naglagay sya ng sabaw ngunit hindi sa ibabaw ng kaning tutong kundi sa pinakatabi ng patatas at kanin. Sumubo sya ng kalahating kutsara.

"Ayos naman ang lasa. Medyo maalat lang ng kaunti." komento ko sa sabaw ng adobo. Pinagpatuloy ko ang pagkain at kumuha ng tubig.

"Masarap ang adobo." sinabi nyang muli sa akin.

Kumuha ulit sya ng patatas na kakasya sa isang kutsarita at hinati pa ito sa mas maliit pang sukat.

Kung minsan'y di ko maintindihan si Ram. Katulad ng pagsasabi nya ng salitang 'masarap' ngunit hindi patanong kundi pautos. Ang paghiwa nya sa maliit na patatas sa mas maliit pa.

"Oo, alam ko 'yun. Masarap talaga ang adobo." sumubo ako ng kanin at sinundan ng isang maliit na hiwa ng manok. Nabulunan ako.

"Minadali mo ang pagkain." inabot nya ang isang basong tubig na malamig at ininom ko. Nahimasmasan ako agad.

Magulo si Ram.

Hindi literal na magulo, kundi magulo sa isip. Sa tuwing may sasambitin syang salita, pakiramdam ko ay matagal nya na itong gustong sabihin ngunit ngayon nya lang binanggit. Pakiramdam ko ay pinag-isipan nyang mabuti ang mga sinasabi nya. At pakiramdam ko ay matagal ng nakaipon ang mga salitang iyon ngunit ayaw nyang sabihin. Ayaw nyang sabihin.

Sabay kaming pumasok ni Ram. Bitbit ang mumunting kuwaderno nya sa kaliwang kamay at ang plumang nakalagay sa bulsa ng uniporme nya. Pumasok ako sa classroom at papaliko na sya papunta sa classroom nya. Nginitian ko sya.

Sa kalagitnaan ng klase, nakarinig kami ng malakas na dabog sa kabilang classroom. Agad akong kinabahan dahil kumpara sa mga kaklase ko, mas malakas ang pagkakarinig ko dahil ako ang nasa dulo at sa dingding na iyon sa kabila ang pagdabog. Lumabas ang teacher namin para tingnan ang nangyari.

Dahil sa kaba, napilitan akong lumabas at makisama sa mga kaklaseng tumitingin rin sa nangyayari.

Agad kong sinalo ang tatamang kahoy sa dibdib ni Ram at niyakap ko sya.

Nagising ako sa isang silid na nababalot ng puting pintura at nakahiga. Nasa 'clinic' siguro ako. Minulat ko ng maayos ang dalawa kong mata at tumingin sa paligid. Nakita ko si Ram na nakaupo sa kanan at nakatungo. Natutulog siguro sya.

"Kick-out na sya." sabi nya sakin at inayos ang kumot ko.

"Bakit hindi tayo magkatabi ng kama?" tinuro ko ang katabi kong kama na walang nakahiga. Maayos ang kumot at malinis.

Tiningnan nya lang ito.

"May upuan dito." pinunto nya ang upuan nya.

"Gusto ko lang malaman.. Hindi ka man lang lumaban?" tanong ko sa kanya. Kahit alam ko na ang sasabihin nya, nagtanong parin ako.

Gusto ko lang malaman (One-shot)Where stories live. Discover now