Chapter Two

8 0 0
                                    

We meet again

Anastacia Collonel Ferrer’s P.O.V.

  Sobrang nakaka-haggard ang araw na ito pero gayun paman, ang dami ko ng friends, iba na talaga kapag makapal ang pagmumukha. Aminado naman ako don. Pero isa talaga sa nagpa-haggard sa aking beauty ay ang lalaking saksakan ng sungit kanina pero saksakan din naman ng gwapo, feeling ko nakita ko na yung ideal man ko, yung destiny ko, waah! Sorry sa mga hindi romantic dyan, naniniwala kasi ako sa destiny at happily ever after the end ng fairytale, co’s our life can be that once in a lifetime fairytale, patibayan nalang ng mukha.

  Back to that handsome guy, ang linaw-linaw talaga ng mata ko kasi pangalan nya agad ang nakita ko, galing galing talaga ng mga ferrer, mga wais. Sana makita ko uli sya, mas gusto ko yung na-cha-challenge ako sa mga lalaki, kung baga sa babae, sila yung hard to get.

  “Anastacia, san ka kakain?”

  “Hindi ko nga alam e, san ba kayo?”

  “Sa cafeteria nalang kami, sama ka?”

  “Tara! Wala naman akong alam na kainan dito e.”

  Sumama ako sa mga bago kong friends sa cafeteria, puro simpleng pagkain lang ang nandon, parang hindi mabubusog ang big tummy ko na may 1000 atang bulate sa tyan sa sobrang lakas mag-consume ng pagkain. Pagkatapos naming um-order ng pagkain, naupo kami sa mga bakanteng upuan don atsaka kami nagkwentuhan, mahilig sa mga lalaki ang mga to kaya yun agad ang topic namin.

   “Girls, may nakita naba kayong cutie, ang dami grabe, hindi ako makapili.”

   Grabe, pili agad, para namang gusto sya.

   “Oo nga, parang pinagsama-sama ang mga gwapo at magaganda dito, buti nalang dito tayo pumasok, char!”

  Natatawa nalang ako sa mga topic nila, mga baliw talaga, pag ka nga naman pinagsamasama ang mga baliw sa earth at sa isang school.

  “Ikaw Anastacia, mahilig ka rin ba sa boys, may nakita ka na bang inspirasyon mo?”

  “Meron na!”

  Sumipsip muna ako sa juice ko bago sabihin ang pangalan ng napakagwapo kong destiny.

  “Si Maurus Alfonso Francisco, grabe, sobrang cool, gwapo, hot nya, destiny ko yun kaya back-off.”

  Napatingin lang sila sa akin habang ako naman napatigil sa pagnguya ko ng spaghetti na in-order ko.

  “Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?”

  “Hindi mo pa kilala si Maurus, promise, hindi mo sya gugustuhin na maging destiny.”

  “Bakit?”

  “Classmate sya ng sister ko, grabe, sobrang loner daw non, sobrang tahimik, sobrang sungit din daw, weird guy!”

  “So?!”

  “Hindi mo sisikmurain ang kanyang ugali.”

  “Guys! Matibay ang sikmura ko, kayang-kaya ko yun.”

  “Hindi promise!”

  “Oo! Promise! Kumontra, ipapa-papak ko sa bubuyog.”

  “Grabe! Baliw ka nga talaga.”

   Sinabi nyo pa.

  Nakinig nalang ako sa mga kwento nila, tapos, napagtripan ng ulo kong lumingon sa may pintuan ng cafeteria, Oh!my!G! si Maurus baby ko. Automatic na nagligpit ng gamit ko ang mga kamay ko pagkatapos ay tumayo ako atsaka sinukbit ang bag.

  “San ka pupunta?”

  “Ang sabi ng nanay ko, follow my dream, I’m going to follow my dream, my dreamboy, bye! See yeah! Sa next class.”

  Para nanaman akong baliw na sinasaniban, ganto talaga ang malanding katulad ko kapag nakikita ang crush, ang dreamboy pala ahaha. Pumasok sya sa isang fastfood chain, mahilig pala syang kumain sa mga fastfood chain. Pasimple ko syang sinundan, pumasok din ako sa fastfood chain na pinasukan nya, tapos naupo ako don malapit sa inupuan nya, 3 tables apart ang pagitan. Grabe, sa sobrang gwapo nya, pati yung staff ng fastfood chain na nasa counter, napatunganga sa kanya, nakanganga pa. Natawa nalang ako ng sungitan sya ni Maurus baby.

  Pagkatapos nyang kumuha ng order, dumaretso na agad sya don sa table nya, syempre, hindi ako nagpunta dito para tumunganga lang. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako tumayo, sa ganto ako magaling. Naglakad ako sa gilid ng dahan-dahan, then tumayo ako sa may gilid nya.

  “Maurus Alfonso Francisco, is that you?”

     Tiningnan lang nya ako pagkatapos ay binalik na nya sa pagkain ang atensyon nya. Ah! Ganon! Umupo ako sa upuan na kaharap nya.

  “Hindi mo na ba ako natatandaan, hello, Anastacia Collonel Ferrer, ang pinakamagandang babae sa earth na nakilala mo kani-kanina lang, remember mo na?”

   Imbis na sagutin nya ako, tumayo sya at nilayasan ang beauty ko.

  “Hey! Sandali lang!”

  Kala mo tatantanan kita ha! Sinundan ko sya hanggang sa may tawiran.

  “Alam mo, gwapo ka sana talaga e, bakit ba ang sungit-sungit mo, ang alone-alone mo, tapos---ahhh!!”

  Bigla nalang ako napatili ng hatakin nya ako at automatic na napahawak ako sa balikat nya.

  “Damnit! What the hell is your problem, may balak ka bang magpakamatay?”

  Umiling lang ako.

  “Why you keep on following me? Tapos na kitang tulungan diba.”

  “Yes! And I’m not yet done saying thank you to you, Thank you! Thank you! Thank you!—“

  “Shut up! Will you?”

  Tuloy lang ako sa pagsunod sa kanya.

  “You know what, ngayon lang ako naka-encounter ng isang tulad mo, pero okay lang sa akin kahit ikaw ang itinadhana ni Lord para sa akin, kaya kong I-handle ang ugali mo don’t worry, nag-handle na ako ng monster dati and successful naman sya.”

  “Ang ingay mo.”

  “Don’t you believe in destiny?”

  Hindi nya ako sinagot.

  “Hindi kaba naniniwala sa signs, this could be one of the signs, we meet again, diba-diba-diba!!”

  Nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin at ipantay ang mukha sa mukha ko.

  “Hindi ako naniniwala sa tinatawag mong destiny, at pwede ba, kung kalalabas mo lang ng mental, pwede, bumalik ka nalang, ayoko ng baliw na tulad mo, ayokong ng maingay, so please! Stay away from me, or else, you will never like the consequences.”

  “I’m not scared, you give me reason to like you more.”

to be continued...

Courting Operation of Anastacia FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon