Unang Eksena

2K 9 0
                                        


Unang Eksena

(Pasok Macbeth and Banquo)

Macbeth: Napaka-gandang araw ngayon!

Banquo: Sang-ayon ako, kaibigan. Wala nang mas bubuti sa pakiramdam kaysa sa magwagi sa isang labanan.

Macbeth: Sa dahilan ngang ito kaya ako'y talagang nasisiyahan. May mas ikagagalak pa ba ako?

Banquo: Mukhang wala na. Nakikita mo ba iyon?

(Pasok tatlong bruha, wag muna lumapit kay macbeth at kay banquo)

Macbeth: Oo. Mga kakaibang nilalang, na para bang hindi sila mga nilalang sa daigdig, ngunit heto sila na nakatayo sa daigdig.

Banquo: Teka, sino kayo? Maari niyo bang ipakilala ang inyong mga sarili?

Scene: Binigyan ng mga bruha si Macbeth at Banquo ng hula

(Tono ng Last Midnight ni Meryl Steep, galing sa into the woods)

(Magsimula kumanta ang tatlong bruha, sasagot din ng pakanta si Banquo)

Unang bruha: Mabuhay, Macbeth

Ang Thane of Glamis!

Mabuhay, Macbeth

Ang susunod na Hari!

Ikalawang bruha: Kaming magkakapatid

May mensahe sa iyo

Sa kakalabasan ng iyong

Tadhana

Ikatlong bruha: Magiging mas mataas ka

Mas magiging higit pa

Paanong higit pa, naiintindihan mo ba

Syempre magiging hari ka

Silang tatlo: Mabuhay, Macbeth

Ang susunod na Hari

Mabuhay, Banquo

At sa iyong inapo!

Unang bruha: Mula sa lahi mo

Mula sa dugo mo

Kahit na hindi ka maging hari

Ikalawwang bruha: Dapat kayong magalak

Magiging tanyag kayo

Iyon ba'y hindi nyo nais?

Wag na lumihis

Baka tumangis

Pangrarap na kay tamis

Naniniwala ka ba?

Banquo: Hindi

Ikatlong bruha: Hindi?

Bakit naman?

Makisig

Malakas

Na Macbeth

Ikalawang bruha: At hari

ang iyong inapo

At kami na bruha

Ay tama

Unang bruha: Di kapanipaniwala

Bakit ba?

Masyado bang nasisilaw

Ang inyong mata?

Dahil ba galing sa bruha

Ang mga hula?

Makinig sa nalang kayo

Silang Tatlo: Mabuhay, Macbeth!

Ang susunod na Hari!

Agad itong matutupad

Mababago ang kapalaran niyo!

Ikalawang bruha: Pagbalik na pagbalik

Ika'y nasasabik

Kikilos kang tulad lintik!

Banquo: Teka, tama na yan

Patawang kahambugan

Nalilito kami

Na nais umuwi

Ikatlong bruha: Pero tama kami

Silang tatlo: Mabuhay, Macbeth

Ang susunod na Hari!

Agad itong matutupad

Mababago ang kapalaran niyo!

Banquo: Tumigil na kayo

At sa pekeng ilusyon nyo

Iwan nyo na kami

Wala kayong mauuto

Unang bruha: Ganun ba, Sige!

Aalis kami!

Ang katuparan magiging ganti!

Ikalawang bruha: Kayamanan, Kalwalhatian

Karangalan, Kasikatan

Ikatlong bruha: Mabuhay

sa inyong

tadhana

Silang Tatlo: Aaaaaaaah!

(Biglaang aalis ang tatlong bruha)

(Alis Macbeth at Banquo)

Macbeth Script (TAGALOG)Where stories live. Discover now