Chapter 6: The Black Eye

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit? Totoo naman ha! Mga salot kayo dito sa kaharian."

Mukhang mas tinamaan naman si Santana sa mga huling sinabi ng diwata. Napatikom ang kanyang bibig at naging blanko ang kanyang ekspresyon.

"Hindi kami salot. Gaya mo, gaya niyo, gumagawa lang kami ng paraan para mabuhay. Wala kaming ninakaw na kahit ano. Aanuhin niyo ba yung damo? May pakinabang ba iyon sa inyo? 'Di ba, wala? Pero samin meron!"

Natahimik naman si Alena sa naging outburst ng kausap. Akmang aaluhin niya ito ngunit namayani na ang galit sa pagkatao ni Santana.

"Ipaparanas ko sa'yo ang paghihirap namin. Mga tikbalang, dakpin niyo 'yan!"

Huli naman na ang lahat bago mapagtanto ni Alena ang nangyayari. Hawak na siya ng limang tikbalang at itinatali. Nakuha din ng isa sa mga ito ang kanyang brilyante at inabot ito kay Santana.

"Nagandahan pa naman ako sa'yo pero sing-sama din pala nila ang ugali mo." madamdaming litanya ni Santana bago talikuran si Alena at hayaan ang kanyang mga tauhan na bitbitin ito.


"Pssst... pssst! Hoy, kabayo!" makulit na pagtawag ni Alena kay Santana.

Kasalukuyan na silang papalapit sa teritoryo nina Santana habang si Alena ay nakatali ang mga kamay at hawak ng mga tikbalang. Nasa unahan naman niya si Santana na dine-deadma lang ang pagtawag at pagmamakaawa niya.

"Ano ba?! Ang ingay mo ha tapos nang-aasar ka pa! Gusto mo pa bang mabuhay, ha?"

"Ang sungit naman neto."

"Wow, sino kaya yung unang nagsungit?"

"Ede, ako na. Akala ko lang naman kasi masama ka."

"Kapag hindi ka pa tumahimik talagang magiging masama na ako. Daldal mo, gurl!"

Mangungulit pa sana si Alena ngunit napatigil siya ng may mga batang lumapit kay Santana. Tila sabik na sabik ang mga ito na makita ang huli.

"Reyna Santana, may nakuha na po ba kayong damo? May makakain na po ba tayo?" masiglang tanong ng isang batang babae.

"Nako, baby. Wala pa eh. Pero nag-utos na ako na humanap sila ng makakain." pag-alo ni Santana sa bata habang hinahawi ang buhok nito.

"Pero namimiss ko na pong kumain ng damo. Gusto ko po ng damo, Reyna Santana."

Nagsimula ng magmaktol ang mga bata at nakita ni Alena ang awa sa mukha ni Santana. Nadama niya ang hirap na dinadala nito upang punan lang ang pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan. Saglit siyang nakadama ng kagustuhang i-comfort ito ngunit naunahan na siya ng mga bata.

Niyakap ng mahigpit ni Santana ang mga batang tikbalang.

"Pangako, makakakain na tayo ng damo. Huwag na kayo umiyak, okay?"

Nang tumahanan na ang mga bata ay isa-isang hinalikan ni Santana ang mga ulo nito at tsaka ito mga pinaalis. Kumuha ng sandali ang reyna upang pakalmahin din ang sarili. Noong okay na siya, dahan-dahan niyang hinarap si Alena. Nagulat ang huli sa cold stare nito.

"Alam kong may kakayahan kang kausapin ang iyong mga kapatid. Tawagin mo sila at ipabatid mo sa kanila ang nais kong mangyari." seryosong utos ni Santana kay Alena.

"Kung hahayaan mo lang akong umuwi, mas mapapaliwanagan ko si Amihan. Palayain mo ako at paniguradong gagantimpalaan ka niya."

Napa-isip si Santana sa tinuran ni Alena ngunit ubos na ang tiwala niya sa mga diwata. Noong palang na hindi tinulungan ng mga ito ang kanyang ama na gumaling mula sa sakit nito, hindi na basta-basta naniniwala si Santana sa mga sinasabi ng mga Sanggre.

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon