"Nag luto ako. Are you sure ayaw mong matikman ang luto ko?" Parang nang tetemp na sabi niya. Sa totoo lang gusto ko talaga matikman ang luto niya dahil naaalala ko dati ako lagi ang nag luluto sa aming dalawa.


Siguro sa kanilang dalawa ni Pauline siya ang palaging nag luluto at siya ang maasikaso. Parang pinipiga yung puso ko sa isiping yun. Bakit ko ba kasi iniisip pa iyon? Natural lang iyon dahil mag asawa sila. Naisip ko tuloy, paano kaya kung hindi ako umalis? Gagawin din kaya sa akin ni Callum ang mga ginagaw niya kay Pauline? Pakakasalan niya din kaya ako? Napailing ako sa isip isip ko. Ano ba ito. Bakit iniisip ko pa ito. Tapos na ang sa amin ni Callum. Anak na lang ang habol niya sa akin ngayon at wala ng iba pa. Tanggap ko na din naman. Sa ilang taon ko bang namuhay na malayo sa kanya eh pero minsan lang talaga naiisip ko din kunt paano yung buhay namin ng anak ko kung nabuo kami. Ang sarap sarap lang isipin kaya lang napaka layo nun sa katotohanan.


"Kath?"


"Ah! Ano kasi kailangan ko na talagang umalis." Biglang sumeryoso yung mukha niya na parang nainis. Lumapit ako sa pwesto niya at tumingkayad upang mabigyan siya ng isang matamis na halik sa labi.


"Di naman ako manlalalaki. Wag ka mag alala." Nakangising sabi ko at agad na umagat ang gilid ng labi niya na para bang pinipigilang mapangiti kaya nauwi iyon sa isang ngisi.


"Babalik din po ako kamahalan." Mapang asar na sabi ko. Pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at tyka ako hinila palapit ng husto sa katawan niya.


"Hell you're mine Katharina. You're fvcking mine. And this?" bigla na lang niyang hinawakan ang pagkababae ko.


"This is mine too."


Pati ang puso ko sayo din Callum. Gusto ko sanang sabihin pero bakita pa di ba? Hindi naman siya matutuwa pag sinabi ko iyon sa kanya. Siguradong balewala lang sa kanya ang nararamdaman ko. I'm just his whore.



"Jusko kang babae ka! Buti dumating ka na! Yung anak mo jusko namimilipit sa sakit kanina!" Salubong sa akin ni Meg nang madatnan ko siya sa hospital kung nasaan ang anak ko.


"Nasan siya?" Tarantang tanong ko habang naninikip ang dibdib. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko. Diyos ko, wag niyo naman po hayaang may mangyaring masama sa anak ko. Kung pwede lang ako na lang. Ako na lang po diyos ko. Handa kong tiisin ang lahat para sa kanya.


Sinamahan ako ni Meg hanggang sa emergency room at naabutan pa namin ang ilang mga doctor na nag kakagulo sa loob. Pinag bawalan pa muna kaming pumasok dahil chineck pa daw nila ang lagay ng bata kaya naman nag hintay kami sa labas ng emergency room. Ang bigat bigat ng dibdib ko habang nag hihintay ako sa labas. Naninikip ito ng sobra na halos hindi na ako makahinga. Ang anak ko... Habang nag papakasaya ako kasama ng ama niya nandito pala siya at nahihirapan. Anong klaseng ina ako? Ni hindi ko man lang siya mabantayan ng maayos. Ang sama sama kong ina. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina para kay Nicholas. Unti unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. Naramdaman ko ang kamay ni Meg sa likod ko. Tinapik tapik niya ito.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now