LOVE MUST BE CRAZY

4 5 0
                                    

SIMULA

JUNE POV

Not all love stories are beautiful.

True. Ako nga di ako marunong gumawa ng sariling storya ko sa buhay. Di man lang ako marunong magkagusto sa isang lalaki. Pero sigurado akong matutunan ko rin iyan.

June Amy Lacsamana pangalan ko at ako ang pangalawang anak nina mama at papa. Di ako spoiled pero mukha lang naman. Di ako maganda, sexy, talented at matalino ngunit marunong akong magdesign ng mga damit at tumahi nito, marunong din akong magdrawing at magluto ng masasarap. May karapatan naman akong magkaroon ng magandang buhay dito sa mundo kahit di ako maganda, wala naman yatang mamatay na taong titingin sa mukha ko. Wala pong perpektong tao. Period. At tsaka sabi nga ni mama at papa ay maganda raw ako. Wahaha. Mahilig pala akong magbasa ng mga love stories sa wattpad at manonood ng mga romantic movies, sa totoo nga, kahit mahilig ako sa mga ganyan wala naman akong maisip na maisulat sa sariling storya ko. But alam kong may tutulong sa'kin na maisulat yan, patient naman ako. Wala pa akong nagugustuhan na tao pero baka susunod, wahahaha wish ko lang. PSH. Di perpekto ang pamilya ko pero iniisip-isip ko minsan kung ba't di ko kamukha ang nanay at kuya ko, sila lang naman ang magaganda except samin ni Jane yung bunso kong kapatid. Yuck. Pero tanggap ko naman eh. Ang tatay ko pala ay nagtatrabaho abroad upang matustusan ang pangangailangan namin. Simple lang naman ang buhay namin at may maliit lang kami na coffee shop. Ang pangarap ko lang naman ay ang maging sikat na fashionista paglaki ko at si kuya Jake naman ay gusto raw niyang maging sikat na volleyball player at si Jane naman ay gusto raw maging sikat na chef. Libre namang mangarap.

Papasok na ako at magiging freshman na at si kuya naman ay magiging senior na sa pinapasukan naming mga korso. Ang papasukan ko palang school ay ang pinapasukang school ni kuya ang SU o Sung University, balita ko dito ay marami rawng mga mayayaman, talented at magagandang students. Tanging ako lang ang estudyanteng papasok diyan na panget, bobo at di talented, hayst. Tutal doon naman nag-aaral si kuya at makakasama ko naman si Yangyang ang napakakulit kong best friend.

Di ko muna intindihin ang story ko may time pa naman. Basta pag-aaral ko muna ang uunahin ko.

A/n: Feel free po sa story na 'to at free po kayong magsuggest ng mga ideas na pwedeng ilagay o isulat sa story, just comment down. Di po 'to perpektong story Kaya feel free. I am not forcing you to read this story also😊

I 💜 you all!!




LOVE MUST BE CRAZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon