Prologo

385 26 5
                                        

Masaya ako dahil sa wakas ay makakasama ko na ang mga bago kong kaklase sa isang outing.

I'm a newbie but I'm happy that finally I've got new friends. In my former school, tahimik lang ang buhay ko, sapat na sa kakaunting kaibigan pero ngayon? I want to make a lot of friends.

"Sama ka bukas ah?"

I nodded, smiling widely.

Bukas kasi ay birthday ng kaklase ko, pero ang nagyaya sa akin ay ang tropa niya. Hindi naman kasi siya ang nagoorganize noon.

Madami rin naman kaming kasama, kasama kasi ang buong tropa. At finally, I can feel that I can be also one of them.

Ngiting-ngiti ako. Set na set na. I paid. I planned what will I wear. Nakinikinita ko na ang mangyayari but then, like a shattered glass, my thoughts suddenly crashed, that fast.

Hinila ako ng bago kong kaibigan sa isang sulok, transferee din siya kaya nagkakasundo kami. Ang pinagkaiba lang, introvert ako while she's so happy-go-lucky kaya't napakadami na din niya agad na kaibigan. Unlike me na pilit sinisiksik ang sarili ko.

"Uy, wag mo sasabihin na sinabi ko sa 'yo ha." I can sense she's trying hard to smile while looking at my back.

"Ano ba 'yun?"

"Ayaw ka kamo nila kasama."

And like that, my world spins upside down.

"H-ha? Sino may sabi?"

"Si Jastine. Bakit ka daw kasama eh hindi ka naman daw inaya."

Pinilit kong ngumiti.

"E-edi kung ayaw niya, hindi na ako sasama. K-kung ayaw nila, hindi na ako tutuloy."

"Wag mo sasabihing sinabi ko ah. Ngumiti ka lang." tumango lamang ako at tsaka ngumiti.

Hindi ko alam sasabihin ko. Pakiramdam ko ay sinampal ako ng malakas. Sobra akong napahiya. Lalo na noong ibalik ang binayad ko, hindi man lang nagtanong kung bakit umayaw ako.

Ramdam ko din naman na wala silang pakialam kasi wala ako. Kasi sino nga ba naman ako? Isang nobody, isang hindi kilalang tao, isang hamak na transferee, isang taong pilit sinisiksik ang sarili sa ibang tao.

Siguro sa kahit na anong paraan, hindi ako mababagay sa kanila. Hindi ako magiging kabilang sa kanila. Isa lamang akong hamak na outsider. Outcast.

Nang tumalikod na sila sa akin, tsaka naman bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit. Masakit kasi akala ko ay ayos lang sa kanila pero ang totoo ay ayaw naman pala nila.

Mas masakit kasi yung akala mo tanggap ka nila pero pag talikod mo, pinaguusapan ka na pala. Mas masakit yun kaysa harap harapang sinabi na ayaw sayo kase umasa kang gusto ka nila, umasa kang tanggap ka nila. Pero sa huli, ikaw pa rin mag isa.

Minsan napapaisip ako. Mas maganda din pala yung may kakaunti kang kaibigan pero totoo, kaysa marami ka ngang kasama, ayaw naman saiyo.

The Truth UntoldHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora