P R O L O G U E

270K 5.1K 992
                                    

Warning: This story is one of my older works and it's unedited. Expect some grammatical errors, a confusing timeline, and unmatched ages from the other books since I made some changes. Read at your own risk.

————
Mess

Dahan dahan kong isinara ang pinto ng aking kwarto. My parents left early. They went to my Lola's country and will be back maybe after three days.

Kumakalabog nang husto ang aking dibdib dahil sa pagtakas. Suot ang itim na jacket na itinatago ng hoodie aking buhok, sinilip ko ang pasilyo ng bahay. Hindi ko alam kung nandito ba ang aking pinsan at nasa kwarto niya, pero sa tuwing nangingibang bansa sina Mommy and Daddy, naiiwan agad ako sa aking pinsan.

I suddenly remember my cousin's words to me. If he finds out I'm sneaking out again, I'll be dead meat.

Napatigil ako sa paghakbang at naikuyom ang aking mga kamay. Mariin akong napapikit at nagdadalawang isip na sa paghakbang. Nakokonsensya ako sa aking ginagawa at sa pagtatago ng sekreto sa kanya. Alam ko simula bata pa kami ay hindi na kami mapaghiwalay dalawa. Wala akong tinatago sa kanya at kahit maliliit na bagay ay sinasabi ko.

Pero sa mga ganitong bagay, I don't think it's a good idea if I tell this to him. He'll get mad at baka malaman pa ng iba kong pinsan! My two girl cousins were guarded by my other cousins. Ganoon sila kahigpit sa aming mga babae na kahit ang mga nagiging crush ni Zera, di nila pinapalampas.

My phone beeped. Kamuntik na akong mapatalon pero minadali ko iyong kunin sa aking bulsa at tiningnan. Iyon ang nagtulak sa aking maglakad muli pababa, patago.

Where are you?

Nagtipa agad ako ng mensahe.

Palabas na ako, wait!

Ibinulsa ko ulit ang cellphone at maingat na humakbang pababa ng hagdan. Kaso parang sundalong nagge-gyera sa utak ko ang samo't saring pagtutol sa aking loob. Ang rami kong naiisip na gagawin at hindi ko alam kung makakabuti ba iyon o makakasama lalo.

Paano kung isumbong niya ako kay Daddy pag nalaman ng pinsan ko ang pinaggagawa ko? Natatakot rin ako na baka mas mahirapan na akong makipagkita sa kanya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis tumakbo pabalik. I checked my cousin's room and screamed in excitement when I found out it was locked! Nasa labas siya! Wala siya sa bahay! Nambababae iyon! Yehey!

Mas binilisan ko ang pagtakbo at hindi maburabura ang malaking ngiti sa labi. Nang makarating ako sa harap ng pintuan, ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang pinihit ko ang doorknob. It's lock! I'm locked inside!

"Going somewhere?" I heard my cousin's cold baritone voice.

Doon palang, para na akong mahihimatay sa takot.

My heartbeat tripled. I saw the silhouette of my cousin's physique in my peripheral vision. Ryler, my cousin, is leaning against the wall, his arms crossed over his chest, his head tilting to the side as I can feel the intensity of his stare.

Ni hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paang patungo na sa akin.

He stopped beside me, leaned against the door, and pulled my hoodie down as his brow raised with judgements. Ngumuso ako at yumuko, gustong itago ang ekspresyon.

"Manghoholdap ka ba ng bangko?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ang kanyang ugaling namana niya sa kanyang ama ay sobrang nakakatakot. They hate him for talking savagely.

"H-Hindi..." mahina kong bulong, di makatingin sa kanya ng husto.

"Oh? Ba't nakaitim ka na jacket? Gabi na ah? It's already eight."

H O O K E D (NGS #1)Where stories live. Discover now