Medyo lumayo kami ni Meg kay Nicholas.

"So anong nangyari? Bakla ang gwapo ng kliyente mo kagabi ah? Ang yummy shet!" Malanding sabi ni Meg na ikinatawa ko.

"Oh tignan mo na napapangiti ka dyan. Akala ko ba ayaw mo? Paayaw-ayaw ka pa dyan gaga ka, nag enjoy ka naman." Aniya.

"Yung totoo nag enjoy ka ano? Sarap ba? Sarap?" panunukso niya pa habang nag iinit ang mga pisngi ko.

"Ikaw talaga Meg.."

"Ay sus! Pavirgin pa si ate mong girl. Halata namang nag enjoy ka eh, wag nga ako Inna. Wag ako."

Ngumiti lang ako at hindi alam kung anong sasabihin. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ang kliyente ko kagabi ay ang siyang ama ng anak ko?

"Nung pinakikilala pa nga lang kita eh jusko tulaley ka na. So ano nangyari may tip bang binigay sayo?"

Tumango tango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit isipin na binabayaran ako ni Callum para sa isang gabi. Pakiramdam ko sobrang baba ko na. May kumukurot sa dibdib ko kapag naaalala ko kung ano lang ako.

Agad akong nag punta sa address na sinend sa akin ni Callum. Mag kita daw kami duon para mapag usapan na namin ang tungkol sa kasunduan. Pumayag ako. Wala namang kaso sa akin kung mag kakaanak ulit kami ni Callum, mahal ko siya at ayos lang sa aking siya ang maging ama ng magiging anak ko. Isa pa may anak na naman kami eh. Ano pa bang mawawala sa akin. Para din naman ito kay Nicholas. Ang inaalala ko lang ay si Pauline.. Baka masaktan nanaman namin siya.

Pumasok ako sa isang mamahaling restaurant. Medyo nailang pa nga ako kasi parang alangan yung suot ko sa lugar.

"Kanina pa kita hinihintay. I thought hindi ka na sisipot."

"Pasensya na.. May inasikaso lang." Sabi ko na hindi makuhang tumingin sa mga mata niya. Ayokong makita niya sa mga mata ko na mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Hindi na niya dapat malaman pa yun dahil may Pauline na siya at kasal na sila. Wala na akong laban.

"Ano?" May pag hihinalang tanong niya.

"Another client? Di ba sinabi ko naman sayo na hindi ka pwedeng tumanggap ng iba habang nasa kasunduan tayo?" Bigla niyang hinablot ang braso ko na dahilan para mapasinghap ako. Mahigpit iyon at masakit kaya hindi ko naiwasang mapadaing.

"A-aray ko Callum! Nasasaktan ako!" Natauhang tinanggal niya ang pag kakahawak sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Anong karapatan niyang saktan ako? Hindi porket pumayag ako sa inaalok niya ay may karapatan na siyang gawin ito sa akin.

"I-I'm sorry.." mahinang sabi niya pero inirapan ko lang siya.

"Pag usapan na natin ang mga dapat pag usapan." Walang ganang sabi ko.  Tumango lang siya bilang pag sang-ayon.

"May gusto kong itanong." Simula ko.

"Ano yun?"

"Makikilala ba ako ng anak ko?" Sandali siyang nag isip bago nag salita.

"No. Ayokong malalaman ng anak ko na isang prostitute ang kanyang ina." Seryosong sabi niya. Natigilan ako. May kumurot sa dibdib ko. Sabagay may point siya. Ayoko din namang makilala ako ng anak ko as a prostitute. Ayokong pandirian niya ako. Hindi ko kakayanin. Mas okay pa sa akin na hindi na lang niya ako makilala.

Tumango tango ako at pinigilang mapaiyak. Muli akong nag tanong.

"Alam ba ito ni Pauline? Tatanggapin niya ba ang anak ko pag nalaman niya?"

"Hindi niya alam. At kapag hindi niya tinanggap ang anak ko ay walang problema. Ako ang magpapalaki mag isa sa kanya. Kaya kong ibigay sa kanya ang lahat."

Sapat na sa akin iyon. Ang mahalaga lang naman talaga sa akin ay ang ikabubuti ng magiging anak ulit namin.

"May tanong ka pa ba?"

"Wala na."

"Kung ganun it's settled. Let's go." Nagulat ako nang bigla na lang niya akong hilahin palabas ng restaurant. Ni hindi pa namin nakakalahati ang mga pagkaing hinain sa amin. Basta na lamang niya akong hinila papunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Pinapasok niya ako sa loob at mabilis niya iyong pinaandar hanggang sa marating namin ang bahay niya. Dinala niya ako sa kwarto nilang dalawa ni Pauline at mabilis na sinunggaban ang mga labi ko. Agad ko siyang itinulak at nag tatakang tinitigan siya.

"Cal, baka dumating si--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa loob ng damit ko. Muling bumalik sa mga labi ko ang kanyang mga labi at sa pag kakataong iyon ay tinugunan ko na din ang mga ito. Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok niya habang ang mga kamay naman niya ay nag lalaro sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap nang dumapo ang daliri niya sa pinaka sensitive na parte ng dibdib ko. Humiwalay siya sandali sa akin upang hubarin ang mga damit ko at tyka muling inangkin ang mga labi ko na para bang hindi siya nag sasawang gawin iyon. Naalala ko kung gaano siya kaadik sa kiss nung mga panahong okay pa kami. Di ko maiwasang malungkot kapag naalala ko yun. Ang mga halik niya nuon ay ibang iba sa paraan ng pag halik niya ngayon. Siguro dahil nuon ay may pag mamahal na kasama ngunit ngayon ay puro pag nanasa na lamang. Bumaba ang halik niya sa leeg ko hanggang sa dibdib ko at hindi ko na naiwasang mapaliyad sa ginagawa niya sa akin. Nilaro ng dila niya ang tuktok ng dibdib ko habang ang isang kamay naman niya ay nag lalakbay sa loob ng suot kong pants. Nang mag sawa sa ginagawa ay dahan dahan niya akong inihiga sa kama.

Nakatitig lamang ako sa kisame habang nakabalot ng kumot ang buo kong katawan. Nasa tabi ko si Callum ngunit hindi ko alam kung nakatulog na ba siya dahil nakatalikod siya sa akin at hindi rin nag sasalita. Humarap ako sa side niya habang nakatalikod pa din siya sa akin. Gusto ko siyang yakapin mula sa likod ngunit alam kong hindi maari. Gusto kong kamuhian ang sarili ko. Bakit ko 'to ginagawa? Alam kong may asawa na siya.. bakit hindi ko siya magawang tanggihan? Dahil lang ba talaga sa anak namin? O dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya.

Sa totoo lang hindi naman nawala yun eh. Hindi nawala yung nararamdaman ko para kay Callum. Siya pa din ang kaisa isang lalaking nakapasok sa puso ko at wala ng iba pa. Wala na akong balak mag mahal pa ng ibang lalaki. Sapat na sa akin ang anak namin sa kanya ko na lang ibubuhos lahat ng atensyon ko. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Gagawin ko lahat para sa kanya.

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko.

C A L L U M

Katharina was cuddled against my side, her arms wrapped around me and her head buried in my chest. Napatitig ako sa mukha niya. Kapag ganitong tulog siya ang tanging nakikita ko lang ay ang Katharina'ng minahal ko nuon. Napaka amo ng mukha niya, napaka inosente.. Sayang lang at hindi na ganuon ang Katharina ngayon. Iba na siya ngayon. Pero ang pinag tataka ko lang bakit hanggang ngayon nag kakaruon pa din siya ng masasamang panaginip? Nanaginip nanaman siya kagabi at wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. Hindi pa din ba siya pinatatahimik ng nakaraan niya?

I admit, until now hawak niya pa din ang pinaka malaking parte ng puso ko. And I don't think mababago pa iyon. I love Pauline but not as much as I love Kath. Unti unti akong inuusig ng konsensya ko. Mabuting asawa sa akin si Pauline, wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako  pero bakit ganun? Bakit hanggang ngayon si Katharina pa din ang hinahanap hanap ko. Bakit hindi ko magawang kalimutan ang babaeng nasa tabi ko ngayon?

When I'm with her I feel complete, bagay na kahit kailan hindi ko naramdaman kay Pauline. When I'm with Pauline, laging parang may kulang. At yung kulang na yun alam kong si Katharina lang ang maaring pumunan.

And I fvcking hate that!

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now