Untitled Story Part

3 1 0
                                    

Heto na naman may sakit ka na namang nararamdaman na tila ay kaylan lang naranasan

Parang enjoy na enjoy sila na ikaw ay paglaruan

Yung tipong hindi titigil hanggat sa ikaw ay masaktan

Kaya't galit mo'y nag alab na tila ay walang patawad at sinasabi ng mga mata mo na kaylan man ay hindi kana masasaktan

Ngunit masaya ka ba sa iyong nasisilayan???masaya ka ba nang may tao kang nasasaktan??

Iyan ba ang sa tingin mong tama na dapat mong iparamdam,iparamdam sa taong minsan kang sinaktan

Hindi ka makakagawa ng tama kung may galit kang nararamdaman

Makakasakit ka lamang ng taong hindi dapat masaktan

Makakagawa ka lang ng kamalian na sa huli ay iyong pagsisisihan

Ngunit hindi mo ba alam???

Na sa huli ikaw din ang nasasaktan

Na sa huli ikaw din ang talunan

Na sa huli ikaw ang pangingilagan at kagagalitan

Sa larong ito ikaw ang talo dahil puro galit ang nasa puso mo,hindi ka mananalo kung iniisip mong maghiganti sa tao,walang mangyayari kung puro galit ang nasa puso mo dapat iniisip mo din ang ibang taong nagmamahal sayo




-JLC

A/N
Hi guys
Hmmm pwede kayong mag suggest ng title or mag request ng kahit ano :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken PoetryWhere stories live. Discover now