“Makasigaw naman Julia.” Sabi ko.

[“Ay sorry. Hehe. Tara, breakfast with the barkada!”]

 

“What? Hello naman kayo, birthday party ko mamaya. Wala na akong balak lumabas. Pass muna sis.” Sa totoo lang inaantok pa kasi ako.

[“Akin na nga yan.”] Rinig kong biglang may umagaw ng phone ni Juls. At alam ko ding si Kiray yung umagaw.

[“Hoy babae. Kahit birthday mo, walang puwang sa pag-iinarte ang araw na ito. Nandito kami ngayon sa rooftop ng Burgundy Plaza hinihintay ka. Bilisan mo.”] taray lang ni Kiray. Akala mo totoo. Haha

“Kiray, nakakatamad kasi talaga eh. Magkikita-kita naman tayo mamaya sa party ah?”

 

[“Iba parin yung ngayon Kath. Sasayangin mo ba yung hinanda namin? Psh. Sige ka pag di ka pumunta dito, parang inamin mo na din na mas maganda ako sayo.”] haha. Pag si Kiray talaga kausap, di nawawala sa usapan ang kagandahan.

“Aish. Oo na sige na. Kumpleto barkada?”

 

[“Almost. Wala si Dj eh. May pinapa-asikaso daw si Tita Karla sa kanya.”]

 

Ay ano ba yan, wala si Deej. Hmp. Pero sige na nga, puntahan ko na ‘tong mga ‘to. Baka magtampo pa. Mukhang pinaghandaan panaman nila ‘tong breakfast na to para sa birthday ko.

“Osige na. Punta na ako jan.” binaba ko na yung phone. Agad naman akong naligo at nagbihis. Simpleng hanging na sleeveless at shorts lang ang sinuot ko kasi breakfast lang naman with the barkada.

Pagkababa ko, nagtaka ako bakit parang walang tao sa bahay bukod sa mga katulong?

“Ya, asan si Mommy?” tanong ko.

“Ay seniorita umalis po. Pero di pa masyadong matagal.”

Just Partners (KathNiel)Where stories live. Discover now