Fall 1

11 0 0
                                        


Fall 1: She's Back

"I'm sorry Luna!" patuloy niya at pa akong hinabol hanggang sa paglabas ko ng hotel.

Hindi siya nahiya kahit wala man lang siyang pang-itaas at sapin sa paa na suot. Binilisan ko lalo ang takbo ko palayo sakanya.

I was crying yet I couldn't feel any tears that is running down my face. I can't feel anything but pain and regret. Tama talaga si Dad. I wish I listened to him

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa di ko namalayan kung nasan ako inikot ko ang aking mga mata.  I was in the front of Namsan tower. Pero may tumatawag sa akin it's blurred until..

"Miss? Miss! " And someone slapped me.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.  I was dreaming all along.  Nakita ko yung flight attendant na nag-aalala.

"Miss okay ka lang ba?"  tumango nalang ako akmang tatayo na ako para sana pumunta ng cr.

"Ma'am hindi  pa po pwede tumayo maglalanding na po tayo." tumango ako bilang tugon.

Nang pinalayas ako sa bahay ako na yung nagpaaral sa sarili ko pero masyadong mahirap kumita ng pera lalo na kapag wala ka pang natatapos kaya napagdesisyunan ko na tumigil muna sa pag-aaral. Paano ako napadpad sa Pilipinas? Habang may pera pa kasi ako noon pasikreto akong nagpagawa ng sarili kong bahay sa Manila. 

Pagbaba ko sa airport agad kong hinanap si Francis. Sa totoo lang ang naipon ko lang ay 8000 won medjo maliit yun para makabili ng ticket kaya nangutang ako kay Francis.

"PARK LUNA!" tumingin kaagad ako kung sino iyon.  Isang babaeng matangkad at petite ang kumakaway sa malayo.

"Sabi mo pinalayas ka sa inyo! Pero bakit sobrang kinis mo parin. Gumanda ka pa tapos parang di ka naman nakadanas ng hirap.  Baka naman...." hindi niya naituloy ang sinasabi niya nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at humagulgol nalang.

"France, akala ko wala na akong kakampi" tinanggal niya ang pagkakayakap ko at hinarap niya ako.

"Ano ka ba?! Wag mo nga rin ako paiyakin! Paanong di kita tutulungan kundi dahil sayo baka wala na si mommy.." dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha ko.

Mahirap dati ang pamilya ni France kaya nung nadiagnosed sa cancer ng mommy niya tumigil siya sa pag-aaral kaya naawa ako sakanya dahil mukha na siyang miserable and I cant bear to watch my bestfriend being like that.  Nangako ako sakanya na tutulungan ko siya hanggang sa gumaling ang mama niya. Hanggang gumaling ang mama niya ay sa ospital namin siya pinaconfine.

Nakaupo na kami at naghinhintay sa sundo niya. Nagpaalam muna ako na mag-ccr ako.

"Sorry, Miss" May lalaki kasing nakabangga sakin. "Polly? " nagulat ako ng nagbanggit siya ng pangalan.

"Who are you?" magsasalita na sana siya ng may tumawag sa kanya kaya tuluyan na siyang umalis na para bang nagmamadali.

Pagkarating ko sa CR. Inayos ko ang sarili ko.  Saglit akong natigilan ng nakita ko ang sarili ko sa salamin.  Shet ang ganda ko.  Charot.  Ang laki na ng pinayat ko namumutla na ang mga labi ko.  Naglagay ako ng red lipstick at nag full make-up ako tulad ng inutos kanina si France. 

Lumabas ako at nakita kong may kausap si France.  Kaya dahan-dahan akong lumapit.

"Gosh,  di parin talaga nagbabago yang talent mo sa make-up ang ganda mo talaga" napangiti ako sa sinabi niya.

Humarap rin yung lalaki at sinuri ang itsura ko.  Siya yung lalaki kanina na nakabangga sakin.

"I'm Raven. Raven Choi" naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko naman ito babawiin ko na sana iyon ng bigla niyang higpitan lalo ang hawak niya sakin.

"Pwede mo na akong bitawan" he smirked

"Well,  you haven't introduced yourself yet" Gosh this guy is getting into my nerves.

"Luna Park" at tinanggal niya naman na ang pagkakahawak sa kamay ko.

"So you both introduced yourself. Tara na. Halatang wala pang tulog si Luna. By the way, Luna is it kung sa building ka nalang ng Aries matulog?" tumango ako bilang sagot.

It's been ten years nung huli akong bumalik dito sa Pinas.  Tumitingin ako sa mga dinadaanan namin. Tumigil kami sa isang malaking building.

"We're here! " lumabas na kami at ganun nalang ang paghanga ko sa ganda ng Aries Building. 

Habang naglalakad kami sa lobby lahat ng mga tauhan nila dun ay gumigilid at yumuyuko sa harap namin.  Sumakay kami ng elevator at may sumakay na pamilyar sakin.

"Oh! Hi Alex! " sigaw ni France nung papunta yung lalaki. Pumasok yung lalaki ng nakakunot.

"I told you to stop calling me Alex.  Isa lang tumawag sa akin nun" nakapikit lang siya.

"By the way I think magkakilala na kayo kasi same school ata kayo nung nasa Korea ka pa nakatira." napatingin siya sa gawi ko.  Nakita ko kung paano umamo ang mukha niya.

"I don't think kilala ko siya" inunahan ko na siyang magsalita. Namayani ang saglit na katahimikan pero sadyang madaldal si France kwento siya ng kwento pero ni isa wala akong naintindihan.

Those Eyes Can Tell A Thousand LiesHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora