Page 2

5.4K 125 21
                                    

High Profile

Name: DENNIS ESCANER

N.Name: Dennis

Birthdate: N/A

Height: 175 cm / 5'10

Weight: 59 kg / 129.8 lbs

Bloodtype: A

Hobbies: Going to clubs, singing, going online, traveling

Education: BS in Business Administration Major in Commerce

Facts:

Favorite color is white

Likes girls who are nice, undertanding, pretty, innocent, wise, lively, slender, doesn't smoke and in 168cm. tall

He loves rain because he is born on a rainy day

First kiss: On a telephone booth

A good talker and speaker

He shows the most interest with the opposite sex

****

"Tss." napabuga ako ng hangin sabay napailing. Isinara ko na itong profile folder ko. Malapit nang mapuno yung event hall ng mga nagdadatingan na bisita.

Marami akong na-ispotan na mga sikat na tao. From business tycoons to celebrities. May mga models and politicians. Lahat sila ay in their best party gowns and suits.

Sinipat ko yung itsura ko sa harap ng malaking salamin. Nasa ladies room ako.

Louse white blouse na may collar then nakatuck-in sa black fitted slacks ko. Dark blue blazer at black na office shoes. Ready.

Inilagay ko yung mountain pen ko sa bulsa ng aking blazers at isinuot ang aking media ID then, PRESTO!! Okay na ko.

This is going to be a long night.

Napailing ako sa sarili ko.

Biglang bumukas yung pinto nung isa sa mga cubicle na naroon tapos ay lumapit sa may salamin ang babaeng lumabas mula doon. Tumabi siya sa akin pero hindi nya yata ako nakilala.

Nagpakawala siya ng buntung hininga.

"You okay?" agaw pansin ko na sa kaniya. Namumutla siya e.

Nilingon niya ako at nabigla. "Rein?"

Nginitian ko siya. Siya yung girl na nakilala ko on the way sa isla. Si Thessa.

"Okay ka lang ba?" tanong ko uli kasi patuloy siya sa pangangatog.

"Hindi." umiling siya. "Hindi. Kinakabahan ako. Ang daming tao sa labas. Lahat sila naka-gown."

Sinipat ko din siya. Nakablack gown siya na simpleng simple lang ang tabas at design.

Simple lang din ang ayos niya. Nakalugay yung mahaba niyang buhok na nilagyan niya ng malalaking curls. Light make-up.

"Ipinahiram sa akin ito nung ka-room ko kasi kailangan daw naming umattend ng event na toh. Hindi ko naman alam na may ganito pala. Kasama daw ako sa selected."

"Ipinaliwanag na ba sa'yo kung anong mangyayari?"

"Medyo." napasinghap siya. "Pero hindi ko talaga maintindihan."

Bumukas yung pinto ng ladies room at may pumasok na isa pang girl na nakagown din.

"Tara. Sa labas tayo." aya ko sa kaniya at sumunod naman siya.

The Love Bride Search [Escaner Legacy 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon