Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Aling Divina.

“A-anong gagawin mo, Danilo?” Kinakabahang sabi nito.

Sinaklit niya ito sa kamay at hinila sa may bintana. “Tingnan mo ang bunga ng kademonyahan mo! Masdan mo ang mga tao ng Baryo Sapian!” sigaw niya.

Lahat ay nagtatakbuhan at hindi malaman kung saan magpupunta. Ang iba ay hinahabol ng mga may sakit na tao. May mga batang umiiyak at matatandang hindi alam kung ano ang gagawin. Isa iyong litrato na kailan man ay hindi naisip ni Danilo na mangyayari sa simple at tahimik nilang lugar.

“H-hindi ko ito ginusto…” Iyon lang ang nasabi ni Aling Divina.

“Sinungaling ka!” Pagkasabi niyon ni Danilo ay walang babalang ginilitan niya sa leeg si Aling Divina gamit ang itak.

Hindi na ito nakalaban pa. Nang bitiwan niya ito ay napaiyak na lang siya habang pinapanood ang pag-aagaw-buhay nito. Sisigok-sigok ito na parang sumasagap ng hangin. Nakanganga at nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa kaniya. Walang tigil ang pag-agos ng dugo sa malaking sugat nito sa leeg.

Patawarin mo ako, Aling Divina. Ngunit kailangan ko itong gawin para sa aking asawa, para sa Baryo Sapian… aniya sa sarili.

Ilang sandali pa ay hindi na gumagalaw si Aling Divina. Nakamulat ang matang binawian ito ng buhay.

Nanghihinang napaluhod si Danilo. Nabitawan niya ang itak at kuwintas. Lumugmok siya sa sahig at doon pumalahaw ng iyak. Labis ang pagkalabit ng konsensiya niya sa kaniya dahil sa pagpatay niya kay Aling Divina. Pero namili lang naman siya at mas pinili niya ang kapakanan ng asawa niya at ng mga kabaryo niya.


-----ooo-----


MAKALIPAS ang isang araw…

Akala mo ay nagdahilan lang ang lahat. Tila isang masamang panaginip lang ang nangyaring delubyo sa Baryo Sapian. Sa pagkamatay ni Aling Divina ay siya ring paggaling ni Nenita at ng lahat ng kinapitan ng kakaibang sakit. Marami ang namatay ngunit mas marami naman ang nabuhay. Lahat ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Bago lumubog ang araw ng araw na iyon ay isang malakihang paglilibing ang ginawa ng mga taga-Baryo Sapian sa pangunguna ni Danilo. Tulong-tulong na humukay ang mga kalalakihan ng malaki at malalim na hukay sa gitna ng kanilang baryo upang doon ilibing ang mga namatay. Kabilang doon si Aling Divina.

Lahat sila ay nakapalibot sa hukay habang unti-unti iyong tinatabunan ng lupa. Halos mabingi na si Danilo sa lakas ng iyakan at hagulhol ng mga naroon. Hinintay muna niyang matabunan ang hukay at tumigil ang pag-iyak bago siya magsalita.

“Ikinalulungkot ko ang pagkamatay ng ilan sa atin. Taos-puso akong nakikiramay sa bawat isa sa inyo. Alam ko, ilan sa inyo o lahat kayo ay nagtatanong kung bakit ko pinatay ang nag-iisang albularya natin na si Aling Divina. Dahil siya ang nagsumpa sa aking asawa at sa baryo natin. Ginamit niya ang katawan ng aking asawa para ipakalat ang isang sakit kung saan tinatanggal nito ang katinuan ng isang tao. Ako man ay nagdalawang-isip na gawin iyon pero inisip ko na maraming buhay ang masasagip kapag pinatay ko si Aling Divina…” Mahabang sabi ni Danilo.

Matapos iyon ay isa-isang lumapit ang mga kabaryo niya sa kaniya para magpasalamat. Ng araw din na iyon ay hinirang si Danilo para mamuno sa mga tao ng Baryo Sapian.

Ang huling taong lumapit sa kaniya ay si Nenita. Namumugto ang mata nito sa pag-iyak. Ang buong akala ni Danilo ay galit pa rin ito sa kaniya ngunit laking gulat niya nang yakapin siya nito nang mahigpit. Simula kasi ng gumaling ito ay hindi pa sila nagkakausap.

“N-nenita…” Awtomatikong lumaglag ang luha ni Danilo. “Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa iyo. Pinagsisisihan ko nang lahat iyon.”

“Pinapatawad na kita, Danilo. Patawarin mo rin ako kung hindi kita inunawa.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya sa mukha. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Magsisimula ulit tayo. Iyong masaya gaya ng dati…”

Masayang tumango si Danilo. “Oo, Nenita! Magsisimula ulit tayo. At sa pagkakataong ito, ipinapangako kong hinding-hindi ko na hahayaang may manakit pa sa iyo. Popretektahan kita.”

“Alam ko… Dahil kahit wala ako sa sarili ko noon ay alam ko naman ang mga ginawa mo para sa akin habang may sakit ako. Salamat sa hindi mo pagbitiw. Mahal na mahal kita, Danilo.”

“Mahal na mahal din kita, Nenita!” At siniil niya ng matamis na halik ang kaniyang asawa. Matagal ang halik na iyon at habol na nila ang kanilang paghinga nang matapos ang pagniniig ng kanilang mga labi.

Hinawakan nila ang kamay ng isa’t isa at naglakad na pauwi sa kanilang kubo.


-----ooo-----


KINABUKASAN ay mag-isang nagtungo sa gubat si Danilo. Huminto siya sa ilog at tiningan ang malakas niyong agos. Inilabas niya sa bulsa ng pantalon ang kuwintas ng itim na mangkukulam.

Pinagmasdan niya iyong mabuti bago itinapon sa ilog. Sinundan niya ng tingin ang kuwintas habang tinatangay ito ng tubig. Saka lang siya umalis doon nang mawala na ito sa kaniyang pangingin.

Salamat sa Diyos at tapos na ang lahat. Tahimik na ulit ang Baryo Sapian… aniya sa sarili habang naglalakad palabas ng kagubatan.


-----ooo-----


“MAHAL na mahal kita, Nenita! Ahhh!!!” Malakas ang langitngit ng papag habang binabayo ni Danilo ang pagkababae ni Nenita.

“Danilo! Ahhh! Ahhh!!!” Akala mo ay nagdedeliryong ungol naman ng asawa niya. Nakapikit ito at napapakagat pa sa labi.

Kapwa pawisan ang mag-asawa habang magkasabay na tinatahak ang daan papuntang langit. Hindi nga nagtagal ay sabay silang nagpasabog ng kaligayahan. Mahigpit na nagyakap silang dalawa at nanginig ang katawan. Nang humupa na ang lahat ay umalis na si Danilo sa ibabaw ni Nenita. Humiga siya sa tabi nito habang nakaunan ito sa kaniyang dibdib na para bang pinapakinggan nito ang tibok ng kaniyang puso.

“Sana makabuo na ulit tayo…” Narinig niyang sabi ni Nenita.

“Oo naman. Manalig lang tayo at magkakaroon ulit tayo ng anak,” tugon ni Danilo.

“Sandali, may naalala lang ako. Si Aling Ipang. Hindi ba’t hindi naman siya masamang mangkukulam gaya ng sabi mo?”

“Oo. Bakit? Ano ang tungkol sa kaniya?”

“Ang sabi mo kasi ay nasa gubat pa rin siya nakatira. Ano kaya kung dito na lang natin siya patirahin sa Baryo Sapian? Sa bahay ng kaniyang kapatid. Malaki ang maitutulong niya sa atin dahil marunong din naman yata siyang manggamot gaya ni Aling Divina. Makakaya mo naman iyong gawin dahil sa ikaw na ang pinuno ng ating baryo.”

“Hayaan mo at aking pag-iisipan ang bagay na iyan. Malaki din naman ang naitulong sa akin ni Aling Ipang para malaman kung sino ba talaga ang salarin sa pagbibigay ng sumpa sa iyo at sa baryo. Sa tingin ko naman ay sasang-ayon ang marami sa sinabi mo, Nenita.”

“Siguradong matutuwa si Aling Ipang kapag nalaman niya ang ating plano,” wika ni Nenita at mas isiniksik nito ang sarili sa kaniya.





ITUTULOY…

In This Crazy TownWhere stories live. Discover now