"Uy Perana, matagal mo na bang kilala si Zach?" tanong ni mushroom.

"Bakit mo natanong?" tanong ko.

"W-wala... mukha kasing kilalang kilala mo siya," sagot nito.

" Parehas kami nang eskwelahan nong high school," sagot ko.

"Okay. So tara na? Ihahatid pa kita sa bahay niyo," sabi nito.

Sumakay kami sa kotse ni mushroom at hindi niya ako pinayagang umupo sa likuran dahil baka magmukha daw itong driver ko. Mayaman nga siguro ang pamilya ni mushroom dahil sa may sarili na itong sasakyan.

" Bakit pala umalis si Zach at mukhang minamadali mo pa siyang umalis," tanong ko habang nagdadrive ito.

"May date rin kasi itong iba," sagot nito.

"HUH?!"

"Nagibibiro lang ako. May practice kasi ito para sa game niya sa susunod na linggo. Hindi kasi ito sumisipot sa practice at kapag hindi siya dumating ay baka alisin siya ni couch sa grupo," sagot ni mushroom.

"Eh ikaw? Kasali ka rin naman sa game di ba?" tanong ko.

"Oo, pero mas kailangan ni Zach nang practice. Magaling na kasi ako eh," pagmamayabang nito. Inirapan ko siya. Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam ito sa akin. Kinulit ako ni Dianne na ikuwento sa kanya ang tungkol sa nangyari ngayong araw at buti na lang ay wala si mama dahil may lakad ito. 

"Ate umamin ka nga. May boyfriend ka na ba?" tanong sa akin ni Dianne.

"Wala," sagot ko. Naglilinis ako sa kwarto ko at kinukulit ako ng kapatid ko kung bakit ako nawala sa labas kaninang umaga.

"Eh sino naman yong lalaking kumakatok noong umaga? Don't tell me baka sa susunod na araw makipagtanan ka na?!" -Dianne

" Tumigil ka nga, umalis ka na sa kwarto ko," sabi ko. Inirapan lang niya ako bago umalis.

Inilabas ko yong pouch ko at nakita ko yong panyo. Nakakainis naman kasi si mushroom eh. Kung bakit kasi niya ginamit tong pampunas nang pawis niya. Tinupi ko iyon at nang inaayos ko yong mga damit ko ay nakita ko ang P.E shirt ni Zach na pinahiram niya sa akin noon. Naalala ko tuloy noong isinandal niya ang kanyang ulo sa likuran ko. Kinikilig ako noong time na iyon. Pero bakit naman kaya niya ginawa iyon? Hindi naman siguro ako mabaho non. Humiga ako at hinampas hampas yong stuff toy na katabi ko sa pagtulog.

***

Fast Forward

"Ano manonood ka ba?" tanong sa akin ni mushroom. Kanina pa kasi niya ako kinukulit kong manonood ako sa game nila. Umalis pa nga ito sa table nila at pumunta sa table namin. Ayan tuloy na sa akin yong attention nang mga studyante sa canteen.

"Hindi ako sure kung pupunta ako. Umalis ka na rito baka ipapatay pa ako nang mga kababaihan rito," sagot ko.

" Hindi ako aalis hanggat hindi ka umo-oo," sabi nito. Inirapan ko siya at nilingon ko yong table nina Zach. Kulay pula na rin ang buhok nito hindi tulad noong pumunta kami sa Ocean Park na nagpakulay ito nang itim.Nakatingin ito sa amin ni mushroom at mukhang seryoso pa ito. Maya maya ay umiwas na rin ito nang tingin.

"Oo na!" sagot ko. Hinawakan pa niya ako sa balikat at inalis ko yon.

"Mamayang hapon na yong game Perana!" sigaw nito mula sa kanilang table. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Look who's here,"rinig kong sabi ni Stacey kung kaya nilingon ko yong direksiyong tinitingnan niya. It was Isiah. May hawak hawak itong bouquet of flowers at dire diretso lang ito papunta sa direksiyon namin. Nagsitilian naman yong mga kababaihan. Ano naman kayang pakulo nang Isiah na ito? Magsosorry ba ito? Dirediretso lang ito sa direksiyon namin pero kumaliwa rin at sa kabilang table pala ito gagawa nang eksena. Binigyan lang naman nang manlolokong iyan yong isang babae sa table nang bulaklak. May bago na naman itong biktima. Sana hindi siya matulad sa ginawa nang lalaking ito sa akin.

The NotebookTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang