Chapter 13

19 1 0
                                    

Krystal's POV

"talaga!? Kayo na? Omg bestie! Iba ka na :) dream come true''

"Huy ano ka ba hinaan mo nga boses mo."

Proud na proud talaga ako sa bestfriend ko. Buti pa sya sarili nya nasusunod pagdating sa lovelife. Di tulad ng parents ko. Haaay.

"oh? Whats with the face?" tanong nya.

"wala to. Congrats bestie. "

"ano ka ba. Kinikilig ako. Di ko pa din talaga mareali---''

"wait. Excuse me." tumango naman sya. At umalis ako.

Bigla kasing nagring phone ko. Si mommy nanaman pala.

"mom?"

"we need to talk krys. Umuwi ka muna."

"bakit po?"

"basta. Ill wait for you. I mean, we'll wait for you." she said and then dropped the call.

We?

Bumalik ako sa cafeteria para magpaalam kay Bestie.

"sigesige. Ingat ka bestie. Ako nalang mag sasabi sa adviser natin. Love you." sabi nya and then waved at me habang tumatakbo ako.

Mabilis ang pagdadrive ng driver namin kaya maaga akong nakauwi nakita ko si Mommy na may kasamang babae.

"have a sit hija" sabi sakin ni mom.

And sino naman sya?

"Kristal, she's Mrs.Fayer, my business partner." nakipag beso beso naman ako sakanya. E sino ba kasi to? Kainis. Kailangan ba talaga ko dito.

"uhm. Anak, pinapunta kita dito to tell you that Mrs.Fayer and I is having a deal about you and her son's arranged marriage."

Bigla akong nanlumo at nagulat sa narinig ko! Ako? Ipapakasal sa taong di ko naman kilala? Wow?

"ano po? Ayoko'' sabi ko

"inaayos na namin lahat. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal kayo ng anak ko. Thats all, i have to go. " sabi ng babae sabay alis.

Ano ba naman tong nangyayari? Ang malas malas ko talaga.

"Ma. Please. Ayoko. "

"Anak. Please. For the sake of our company. "

"company? Ipapamigay nyo ko nang dahil lang dyan sa company nyo? Sino ba anak mo? Ako o yang kumpanya na yan? Palibhasa kasi wala naman kayong pakealam sa nararamdaman ko e. Basta kayo nasa maayos na kalagayan. Inggit na inggit ako kay Czarelle kasi mahal na mahal sya ng pamilya nya. Eh ako? Ang malas ko! Sana hindi nalang kayo naging magulang ko!! "

Pagkasabi ko non ay bigla akong sinampal ni mommy. Sinampal nya ko. Never pa akong nasampal.

----

Dear Cupid, next time hit bothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon