Mabilis na napaharap siya sa akin.

"Eh paano kung babae?" She asked.

"Edi gagawa pa tayo ulit basta hindi ka babalik sa pag momodelling hanggat hindi mo ako nabibigyan ng anak na lalaki."

She pouted her lips. Nag papaawa. Napaling na lang ako.

"Fine!" She said in defeat.

K A T H A R I N A

"Inna, ang anak mo isinugod kaninang umaga sa hospital!" Bungad sa akin ni aleng Hilda pagkagaling ko sa hacienda kung saan ako nag tatrabaho bilang katulong. Agad kong nabitawan ang hawak hawak kong mumurahing laruan.

"Ano pong nangyari?" ang bilis bilis ng tibok ng dibdib ko na para bang ano mang oras ay maari iyong sumabog.

"Hindi ko alam. Nag lalaro lang yun kanina sa labas ng bahay niyo tapos bigla na lang daw nahimatay. Puntahan mo na."

"S-Salamat po." Nag mamadali akong sumugod sa nag iisang hospital duon. Hindi ko na tinanong kung saang hospital dahil nag iisa lang naman ang hospital sa lugar namin. Habang papalapit ako ng papalapit sa hospital ay mas lalong lumalakas ang tahip ng dibdib ko.

Diyos ko po. Iligtas niyo po ang anak ko sa kapahamakan. Wag niyo naman po siyang pababayaan. Siya lang po ang mayroon ako at hindi ko po kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang laruang binili ko pa kanina sa bayan bago ako umuwi. Bukas kasi ang kaarawan ng anak ko at gusto kong may maibigay naman ako sa kanya sa araw na iyon. Matagal na kasi niyang hinihiling sa akin ang mag karuon nang kotse-kotsehang laruan.

Agad akong pumasok sa hospital at hinanap ang anak ko. Maliit lang ang hospital at walang kanya kanyang kwarto. Tanging kurtina lamang ang nag seseparate sa bawat kama. Inisa isa kong buksan ang mga kurtina at sa pangalawang bukas ko ay nakita ko kaagad ang anak ko. Tulog siya at may mga nakapasak sa ilong niya. Hindi ko naiwasang mapaluha sa naabutan kong kalagayan niya. Nuon pa mang baby pa lang siya alam kong mahina na siya. Palagi siyang nasusugod sa hospital. Gusto ko man ipatingin siya sa mga doktor sa manila pero wala akong magawa. Ayokong bumalik duon.. Natatakot ako na baka.. Baka isang araw bigla na lang may kumuha sa akin ng anak ko. Hindi ko yata kakayaning mangyari yun kaya ginawa ko na lang lahat ng magagawa ko para alagaan siya. Namamasukan ako bilang katulong tuwing umaga at nag titinda naman tuwing gabi.

Ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pag tatrabaho at sa anak ko. Wala akong ibang hangad kundi ang mabigyan siya ng magandang buhay. Pero kada mag kakasakit siya natatakot ako. Kada mag kakasakit siya sinisisi ko yung sarili ko. Baka kasi mas maalagaan siya kung iniwan ko na lang siya sa ama niya. Pero kasi hindi ko kaya eh. Siya na lang ang mayron ako nung mga panahon na yun at hindi ko yata kakayaning pakawalan siya. Kaya inilayo ko siya, itinago. Natatakot din ako nuon na baka totohanin ni Chris ang banta niyang papatayin ako kaya nag tago na lang ako dito.

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko. Ang sakit sakit para sa isang ina ang makitang ganito ang kalagayan ng kanilang anak at walang magawa. Kung pwede lang kunin ko na lang yung sakit niya eh. Kung pwede lang na ako na lang yung nahihirapan wag lang siya. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko dapat siya iniiwan mag isa sa bahay lalo na't maliit pa siya pero wala akong magawa eh. Kailangan kong kumita ng pera para mabigyan ko siya ng maayos na buhay.


Natigilan ako nang mag salita ang anak ko.

"Nanay.." Dahan dahang idinilat niya ang mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa nuo.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now