"Joke lang." Sabi ko tapos tinapik pisngi niya.  

Nahiga ako sa kama tapos nag-scroll na lang sa cellphone ko. Awkward kasi. Di pala ako dapat mag-biro ng ganun kasi baka seryosohin netong isa, baka iwasan ako pag naging awkward na lahat para sa kanya. So much better if itatago na lang 'tong nararamdaman ko wala rin naman patutunguhan eh.  

"Actually meron talaga, Beatriz. May karapatan ka eh. Hindi lang bilang bestfriend ko, basta. For me, kapag nagagalit ka, nagseselos or what, dapat sinasabi mo sakin."  

"Bestfriend mo lang naman ako eh, kaya wala." Sabi ko without looking at her.  

"Wag mo nga i-lang yun. Sayo ko lang nga naramdaman na kahit walang boyfriend okay na eh basta meron akong ikaw."  

Nag-smile na lang ako kahit na sa totoo lang gusto ko siya yakapin. Sana lang she mean it. Kasi umaasa ako na sana hanggang huli ganun yung mindset niya.  

Humiga rin siya sa tabi ko tapos niyakap ako. "Ang busy mo. Pansinin mo kaya ako? Ngitizoned lang ako eh."  

"Swerte mo nga eh, Bea de Leon na ngumiti sayo."  

"Paka yabang mo talaga forevs eh."  

"Enjoy kayo bukas ah?"  

"Bakit may diin dun sa kayo? Hahaha! Aminin mo nga nagseselos ka!"  

"Bakit ba gusto mo ako mag-selos?" Naiinis na tanong ko. Kasi oo nagseselos ako.

Pinipigilan ko na nga eh kaso kulit niya.   "Ang cute mo kaya mag-selos!"  

"Dahil lang dun?"  

"Oo hehehe para kang bata."  

"Tss. Asa, di ako nagseselos sa inyo."  

"Kahit totoo naman na nagseselos ka?"  

"Hindi. Why would I be jealous?"  

"Kahit parang date na rin namin ni Marci yun? Kahit ang gwapo ng kasama ko bukas? Kahit mapagkamalan kaming mag-jowa? Kahit may crush sakin yung kasama ko---"

Hindi ko na siya pinatuloy sa mga sinasabi niya.   Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang binitawan yung phone ko at pumaibabaw kay Jho. Tinitigan ko siya ng mabuti. Halata sa mukha niya yung gulat. Sorry, Jho. Pinilit mo akong gawin 'to eh.   Nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya hanggang sa napapikit na siya at nakita ko yung mahigpit na kapit niya sa bedsheet ko. I smirked.   Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Hindi mo gugustuhin pag nag-selos ako, Jho. Kaya wag ka gagawa ng kahit ano na ikaseselos ko."   

Umalis na ako sa ibabaw niya tapos umalis na sa kama at tinalikuran siya, intense nun. Ang pula pa naman ng lips niya. Binagalan ko yung lakad palabas ng kwarto.   Bigla na lang ako napa-aray dahil tinamaan ako ng unan sa ulo ko.

"Ahhhhh!!! Bwisit ka talagang de Leon ka!!!"   

Nilingon ko siya tapos palapit siya sakin tapos sinampahan ako sa likod. "Ahhh!! F*ck! Jhoana! Ang bigat mo! Aray! Huy! Aw! Teka! Kalma! Sh*t!"   

Paano ba naman nakasampa na sa likod ko tapos pinapalo-palo pa ako. Buti sana kung hindi mabigat kamay niya eh. Bugbog nanaman ako sa amazona na 'to. Tsk.  

"Bwisit ka! Akala ko kung ano na eh!"  

"Gusto mo bang may mangyari ha? Sabihin mo lang okay lang---"   

"Lecheeee! Bwisit ka talaga! Nakakahiya yung reaksyon ko!!"  

"Aray! Sorry na pwede? Huy! Baba na please! Aray kasi!"   

Kumalma naman siya tapos umalis na sa likod ko at hinarap ako sa kanya.

"Hala! Masakit ba? San masakit? Sorry Beatriz..."  

"Lahat." Sabi ko habang hinihimas braso ko.   

"Ikaw kasi eh wag mo na ulitin yun ha!"  

"Bakit? Gagawin ko yun pag napupuno na ako sayo."  

"Akala ko iki-kiss mo ako! Bwisit ka talaga!"  

"Bakit? Gusto mo ba?" Biro ko kaya nahampas niya ako sa braso. Sh*t sa sakit. Itikom na bibig, Bea.  

"Ang manyak mo leche ka." Sabi niya tapos tinignan yung braso ko. "Hala namumula. Sorry Beatriz.."  

"Ako naman may kasalanan eh. Mawawala din yan."  

"Eh? Paano mawawala agad?"   May gusto sana ako sabihin kaso shut up na lang. Nag-shrug na lang ako pero pinipigilan ko tumawa.  

"May cream ka ba? Pahiran naten."  

"Hayaan mo na, I'm okay Jho."  

"May iba naman mas mabisa pa dun eh."   

"Ano?"    Nagulat ako kasi bigla niya hinalikan yung magkabilang braso ko na pinaghahampas niya kanina tapos tumingkayad pa para i-kiss yung magkabilang pisngi ko.  

"Akala mo ikaw lang breezy dito? Ako rin noh." Sabi niya tapos tumakbo palabas ng kwarto ko.  

WHAT THE HECK?!   "Hoy! Jhoana!" Tawag ko.

Iba rin pala magpakilig yun eh.   Parang mas mamimiss ko tuloy lalo siya kahit isang araw lang kami sa Cebu. Haha. Ang cute at ang kulit talaga ng girlfriend-- ay meant, bestfriend ko. Hehe. Wew.  

**  FAST FORWARD   **

7:00 AM flight namin kaya 5:30 AM pa lang gising na agad ako. Si Jho sasama samin sa airport tapos hahatid ng driver namin sa dorm. Ang kulit lang, sasama daw siya kasi mamimiss niya ako. Kulit lang.  

"Hoy mag-tino ka dun ha." -Jho  

"Yes master."  

"Yes yes ka dyan baka mamaya humarot ka dun."  

"Sino haharutin ko?"  

"Malay mo madaming gwapo dun o kaya maganda tapos ipagpalit mo ako. Baka pag balik mo dito iba na bestfriend mo, di na ako. Subukan mo lang talaga sasapakin kita madami beses."  

"Di kita ipagpapalit. Wag ka na mag-isip dyan ng kung ano-ano."  

"Sus! Sabi mo yan ha!"  

"Oo naman, isang araw lang kami dun. At ikaw, umayos ka din."  

"Maayos naman ako eh pati maganda." Sabi niya.  

"I mean, ingatan mo sarili mo, wag masyadong clumsy."

"Sure!!"

Medyo na-traffic pa kami papunta sa airport kaya nagmamadali na rin kami kasi kailangan na pumasok sa loob agad.  

"Bye, Beatriz. Ingat ka dun. Text mo ko ha wag mo kalimutan."  

"Oo ingat ka din, text na lang kita. Bye!"   Lumapit naman si Jho kayna Mommy tapos nagb-bye at nagbeso din.  

"Bye panget!" Sabi niya sakin tapos niyakap ako mahigpit.  "Sabihin mo lang Jho kung gusto mo na yakapin lang ako all day, di na ako sasama sa kanila."  

With that, natulak niya ako. Haha.   "Siraulo. Bye!" Sabi niya tapos tinulak na ko palayo.

Tignan mo 'to parang kanina lang ayaw ako pakawalan eh.   "Bye! Take care!" Sabi ko tapos pumasok na kami nila Mommy sa loob.  

Tinignan ko si Jho ulit tapos nag-wave siya sakin hahaha cutie. Bigla naman ako nakatanggap ng text message. Kay Jho agad. Miss niya agad ako? Tsk. Ako rin eh, miss ko agad siya.  

Alis na ako ha :(( ingat ka, love u.   

Napangiti na lang ako tapos sumunod kayna Mommy. Mukhang exciting yung isang araw na walang Jho ah. Feeling ko pagbalik ko mas lalo siyang clingy sakin. Parang okay din yung magpa-miss eh. Pero syempre hanggang isang araw lang. Di ko kaya matagal na malayo sa mahal ko eh.   

Itutuloy...

Chasing Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now