"Kath, ikaw ang mahal ko. At ikaw ang pinipili kong ipag laban kaya please lumaban ka din para sa akin.."


"Callum ano bang sinasabi mo! Wag mong sabihin yan! Nasa labas lang si Pau, hindi mo dapat sinasabi yan! Wag mo na siyang saktan!"


"Mas masasaktan siya kung mag sisinungaling pa ako sa kanya. Ikaw ang mahal ko Kath! Ikaw na ang mahal ko ngayon! Can you please stay?" Hinapit niya ako palapit sa kanya at dinampian ng marahang halik ang nuo ko.


"I'll talk to her. Kung kinakailangan, lumuhod ako sa harap niya o ano pa man gagawin ko. Hindi ko kayang mawala ka Kath. Don't go. You're the only thing that keeping me sane."


Dahang dahang nag landas sa aking pisnge ang mga luhang naipon sa mga mata ko. Ito nanaman. Naiiyak nanaman ako. Nasasaktan nanaman ako. Ayoko na. Ayoko na ng ganito. Gusto ko ng sumaya. Pero bakit ang hirap hirap gawin nun?


"Patawarin mo ko Callum, pero hindi ko kayang makitang may nag durusa dahil sa ating pag kakamali."


"Pagkakamali? Kath, walang mali sa pag mamahal."


"Hindi Callum, meron. Ito. Tayo. Mali ito. Mali tayo. Masasabi mong mali ang isang pag mamahalan kung nakakasakit na ito ng ibang tao. Nasasaktan na natin si Pauline at baka kapag nag tagal pa ito ay pati ang dad mo masaktan na din natin kaya mas mabuti pang taposin na natin 'to. Ayoko na makasakit ng tao. Ayoko na mang damay, Callum. Wala akong karapatang sumaya, paulit ulit akong susundan ng kalungkutan ng nakaraan at ayokong madamay ka duon. Ako yung tipo ng tao na hindi kahit kailan magiging masaya at ayokong hilahin ka sa miserableng buhay ko. Mahal na mahal kita Callum kung alam mo lang.."


Pinunasan ko ang mukha ko bago lumabas ng kwarto nadatnan ko si Pauline sa sala na nakatulala sa kung saan. Mapait na ngumiti ako sa kanya.


"I'm so sorry." tanging nasabi ko lang at tumango lamang siya at tuluyan na akong lumabas ng unit ni Callum. Pagkalabas na pagkalabas ko ay humabol sa akin si Callum nasa likod niya si Pauline na umiiyak na.


"Kath please." hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko lang itong kinalas nang makita ko kung gaanong nasasaktan si Pauline.


"Callum stop! I'm your girlfriend for damn sake!" Sigaw ni Pauline habang umiiyak. Tatalikod na sana ulit ako para muling mag lakad pero nagulat ako nang lumuhod si Callum at mabilis na niyakap ang mga tuhod ko. Punong puno ng luha ang mga mata niya at hindi ko makayanang nakikita siyang ganun.


"Para mo nang awa, Kath. Wag mo kong iwan. Ibibigay ko ang lahat sayo, pasasayahin kita wag ka lang umalis! Patutunayan ko sayong mali ka na kaya mo ding sumaya tulad ng ibang tao. Na pwede ka ding mamuhay tulad ng isang normal na tao. Katharina.." namumula ang mga mata niya sa kakaiyak at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang sakit sakit.

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon