Jessica

35 0 0
                                    

Ako si jessica, transferee student sa Downtown University. Isang nobody, invisible or loser sa paningin ng iba. 3rd yr college student at di ko alam kung gaano kalaking pagbabago ang ihahatid sakin ng paglipat ko ng unibersidad.

Galing ako sa Waldorf university, One of the most prestigious school in our country. Lumipat ako ng school dahil kailangan ko. Kailangan ko para maipagpatuloy ang buhay ko. Gusto ko ng tahimik na buhay kaya nagdecide ako na dito sa province lumipat. At least dito walang may alam sa kung ano man ang nangyari noon. Magisa lang ako dito kasi buong family ko nasa city lahat. Dito talaga kami nakatira pero since lahat ng kapatid ko ay sa city nagaaral at ang work/business ng parents ko ay base din sa city kaya may bahay din kami doon. Every summer dito kami umuuwi kaya naman familiar pa din ako sa buhay dito kahit papano. Ang tanging kasama ko sa bahay ay ang katiwala namin na si manang Lita at ang anak nyang si Dominic. Mabait sila kaya kumportable ako sa kanila. Okay na sana ang lahat. Nakalipat naman ako ng matiwasay sa DU na kung iisipin din ay isang Elite school din dito sa province kaya halos puro may kaya din ang mga nagsisipag-aral dito kaso nga lang ay wala akong ibang kaibigan o kausap man lang maliban kay dominic. Oo doon din sya pumapasok at sya lang ang pumapansin sa akin. Isang scholar si Dominic sa DU, ang problema lang ay higher batch siya sakin at iba ang course nya kaya madalang din kaming magkita. Engineering sya at business Student ako. Kaya ayun loner and loser pa din ako sa campus. Okay lang sakin kasi eto naman talaga ang gusto ko. Ako naman ang humiling sa parents ko na lumipat dito. Ayaw sana nila na mahiwalay ako sa kanila pero naniniwala din sila na ito ang best para sakin. Ang buhay ko dito sa province ay sobrang simple lang. Okay naman ako sa school, i mean sa grades dahil nakakapasa naman ako kahit wala akong friends na maituturing. Minsan may mga bully na sinsabing pinatapon daw ako ng parents ko sa province because i'm a black sheep or kung ano mang pangiinsulto pero wala na akong pakialam sa sinasabi nila dahil di naman nila alam ang totoo. Mahal ako ng parents ko kaya nga nila natiis na malayo ako sa kanila since this is the best for me.

""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""

Eto na ang overview sa ating bida. Ewan ko kung interesting sya para sa inyo haha. Pero ayun sana may makaappreciate kahit papano. :) thanks to everyone.

(Umaasa na may magbasa)

That Girl with a Broken SmileKde žijí příběhy. Začni objevovat