Chapter 32: Poor Amira!

Beginne am Anfang
                                    

"Amira, please, be strong!" sabi ko habang hawak yung kamay niyang nasa pisngi ko. Habang yung kaliwang kamay ko naman ay nakaalalay sa kaniya na parang yakap ko na siya.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak na rin ako ngayon. Siguro kung may makakakita sa amin iisipin nila na may relasyon kami ng babaeng ito. Pero bakit nga ba ako umiiyak? Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"Amira!" Tawag ko sa pangalan niya ng tuluyan nang nagsara ang mga mata at nawalan na siya ng malay. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas dumoble pa. Sobrang lakas na tila sasabog na yung puso. OA man sabihin pero yun ang totoo.

"Amira?"

"Kevin?"

"What happen?"

"What the F*ck?"

Alam kong sa mga barkada ko nagmula ang mga boses na yun. Pero hindi ko sila magawang mapagtuunan ng pansin.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong kinapa yung pulsuhan ni Amira. Laking papasasalamat ko naman ng maramdaman kong tumitibok pa yun.

Binuhat ko siya na parang bagong kasal at saka tumayo.

"Kevin, what happen?" Tanong ni Jeff.

"Can you shut the hell up?. Amira needs to cure now."
Halos pasigaw kong sabi.

Nagmadali na akong maglakad patungo sa infirmary. Tahimik lang silang lahat na nakasunod sa akin, habang si Amira ay buhat buhat ko.

Medyo tumila na rin ang ulan. At basang basa na rin ako, pero hindi ko yun pinansin dahil nakay Amira pa rin ang atensyon ko.

Nang makarating ako sa infirmary ay nag dire diretso na ako sa loob at dahan dahang inilapag si Amira sa higaan.

"CURE HER, NOW." sigaw ko

Nataranta naman ang mga nurse, kaya agad na inasikaso si Amira.

"My ghad! Kevin, what happen?" May pag aalalang tanong ni Ate Nika.

"Why did you all asking me about what happen? Just cure her." sabi ko at naglakad patungo sa isang sofa. Bahagyang napasabunot na lang ako sa buhok at tumungo.

Tumunghay ako at pinagmasdan ko lang si Amira habang inaasikaso siya ng mga nurse dito. Hanggang sa unti unti nang nawala sa paningin niya si Amira nang iharang na ni Nika ang kurtina dahil gagamutin na nila si Amira.

"Kevin basa ka na. Maligo ka na kaya muna para makapagpalit ka na rin ng damit." rinig kong sabi ni Jeff

"Oo nga! Kami na munang bahala kay Amira." Pagsang ayon naman ni Niel, pero hindi lang ako nagsalita.

Okay lang naman ako eh. Ano lang ba ito kumpara sa nangyari kay Amira.

Sino ba talagang may gawa nito kay Amira? At bakit nila ginawa ito?

Agad na kinuha ko yung phone ko para kontakin si Tito Rey.

Third Person's POV

"Mirs?"

"Where's Mirs?"

Napalingon ang lahat sa pag bukas ng pinto at iniluwa ang dalawang babae dahilan para kabahan yung mga lalaki dahil sa biglang pagsulpot ng dalawa.

"How did you know that w--" Naputol ang sasabihin ni Jeff nang magsalita si Sandy

"Where's Amira?" Seryosong tanong ni Sandy

"Oh, nandito na pala kayo" Sabi ni Nika ng makita sina Sandy at Zils. Kakalabas lang niya sa lugar kung saan tanging kurtina lang ang taklob sa kung nasaan man si Amira.

Hindi na nagsalita si Sandy at dirediretso lang siyang naglakad patungo sa pinaglabasan ni Nika, dahil sigurado naman siyang nandoon si Amira. Sumunod naman sa kaniya si Zils.

Nang mahawi ni Sandy ang kurtina ay bumungad sa kaniya si Amira na inaasikaso ng mga nurse.

Tila nanigas naman ang dalawa sa kinatatayuan nila nang makita nila ang sitwasyon ni Amira.

Napataklob na lang ang kamay ni Zils sa bibig niya na bahagyang nanlalaki pa ang mga mata, habang si Sandy naman ay nakatitig lang kay Amira ngunit halata sa mga mata niya ang pag aalala.

"What the?. Mirs!"

"F*ck"

"Paanong.. bakit.."

"Sorry! Kasalanan ko 'to" Sabi ni Zils sabay tungo kasabay ng pagpatak ng luha niya.

Napatingin sa kaniya si Sandy, napairap na lang ito.

Naglakad si Sandy papalapit kina Jeff.

"What happen?" Tanong niya pero walang sinumang sumagot sa tanong niya.

"Inuulit ko, anong nangyari?" Tanong ulit niya. Tumingin naman sina Jeff sa isang direksyon kaya sinundan niya yung tingin na yun. At nakita niya si Kevin na tahimik na nakaupo sa sofa. Napansin ni Sandy na basang basa si Kevin at mayroon ding mga marka ng dugo.

"Kevin!" Tawag ni Sandy sa pangalan ni Kevin. Nagkaroon ng katahimikan.

Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaking mga 30+ ang age na nakasuot ng kulay puti.

"Kevin?" Sabi nito ng makalapit kay Kevin.

Tumingin sa kaniya Kevin.

"Doc. Rey, kayo pala" Sabi ni Nika nang makita niya si Doc. Rey. Kilala na nila ito dahil Si Doc. Rey ay close friends ng parents ni Kevin.

Tito na rin ang tawag ni Kevin dito pati ng kapatid niya dahil parang family na rin nila ito.

"Tito Rey, ikaw pala yan akala ko kung sinong gwapo ang dumating eh. Mas gumwapo ka tito ah!" Sabi ni Niel, napangiti naman si Doc.

"Sus! Maliit na bagay." Sabi ni Doc. Rey dahilan para magtawanan ang lahat maliban kay Kevin, Zils at Sandy na seryoso pa rin ang mukha.

Naputol ang tawanan nila ng biglang tumayo si Kevin at naglakad patungo sa direkson ni Amira.

"Cure her" Seryosong sabi ni Kevin na nakatingin sa isang direksyon kung saan nakahilata at walang malay si Amira. Muli niyang binalingan ng tingin si Doc. Rey, saka siya nagsimulang maglakad palabas ng pinto ng infirmary.

Naintindihan naman ni Doc. Rey ang nais ipahiwatig ng tingin ni Kevin kaya agad na siyang nagtungo sa direksyon ni Amira para lunasan at i-check ito.

Kinontak kasi ni Kevin si Doc. Rey para makasigurado sa safety ni Amira. Isa kasi sa pinakamagaling na Doctor si Doc. Rey. Tsaka hindi pa siya namamatayan ng pasyente kahit kailan. Magaling rin siya sa pag eexperiment. Marami na siyang alam tungkol dun.


_____

09/ 28/ 18

Thank you for voting!

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt