Chapter 31

47 6 0
                                    

"Goodmorning"Sambit ni Prinsesa Balarya at bumangon na kami sa pagkahiga dito sa sahig ng cell."May nararamdaman akong aura"Sambit ni Himura kaya nagready na kami

Naririnig ko na i mean naririnig na namin ang mga footsteps ng isang lalaki na halos siguro ay malaki ang paa neto

"Kamusta?"Tanong ng lalaking naririnig namin ang footsteps.Si David lang pala,nakadungaw sya sa cell habang may hawak-hawak na Lara Croft na parehas kay Kobu."Sa tingin mo ayos kami dito?Halos isang gabi kaming hindi kumain tapos tatanungin mo kami kung ayos lang 'ba kami?!"Malakas na sigaw ni Kozuti na may halong pagkainis ang kanyang boses

Isang araw na lang ang nararaan upang mahanap namin ang Frozen Flower at kunin ito.Tumawa lang si David saba'y binuksan ang pinto selda at pumasok sya pero pagkapasok pa lang nya ay isang malakas na sampal na ang sumalubong sa kanya kaya't napaupo sya sa lakas ng pagkasampal sa kanya ni Kozuti

Agad naman umupo rin si Himura at hinawakan ang mga braso ni David saba'y tinayo ito.Lumapit na rin ako at hinawakan ang isang braso ni David

"Prinsesa Balarya ngayon na!Tignan mo na ang nakaraan nya"Sigaw ni Kozuti.Hingal na hingal si Kozuti dahil na rin siguro sa pagod,kakagising lang namin pero laban agad ang mangyayari.The fudge!

Tinapat ni Kozuti ang kanyang mga palad sa bubong at ang mga palad nya ay may lumalabas na apoy.Biglang lumapit si Prinsesa Balarya kay David at hinawakan nito ang panga ni David

Tinanggal nya ang pagkahawak nya sa panga ni David tapos ay sinipa ni Prinsesa Balarya ang *toot* ni David.Halos wala pang isang segundo ng bitawan nya ang panga ni David kaya nakakasigurado akong hindi nya nasilip ang nakaraan ni David

Unti-unting nagkaroon ng butas ang bubong saba'y ay dahan-dahang  utong lumalaki dahil kay Kozuti

"Silipin mo ang nakaraan nya!"Sambit ko ng may malakas na boses.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi na lang kami lumabas dun sa pinto ng selda eh nakabukas naman yun.Ang totoo ay dahil hindi kami makalabas sa pinto ng selda ay dahil sa walang butas ang bubong kase ang tanging mga Earth Controller lang ang maaaring makalabas dito

Lumipat ng puwesto si Prinsesa Balarya at pumunta ito sa tabi ni Kozuti."Kailangan na nating magmadali!"Sabi ni Prinsesa Balarya habang hawak-hawak ang kanyang gown

Patuloy pa rin na binubutas ni Koxuti ang bubong at unti-unting lumalaki ang butas ng bubong.Binitawan ko na si David saba'y lumipat ako ng puwesto sa tabi ni Kozuti at ni Prinsesa Balarya

"Papatulugin ko lang ito!"Sambit ni Himura saba'y nilagay nya sa kanyang mga bisig ang ulo ni David at ginawa ang DDT.

(Paki search na lang ang 'DDT Compilation' sa youtube para malaman nyo ang DDT.Ang DDT po ay wrestling moves)

Tumayo na si Himura sa pagkaupo nya at lumipat din sya ng puwesto sa tabi namin.Tinaas ko din ang mga palad ko at tinapat ito sa bubong upang tulungan si Kozuti kaya mabilis na lumalaki ang butas

Tinanggal na ni Kozuti ang palad nya sa pagkakatapat sa bubong at nawala din ang kanyang mga apoy na lumalabas sa kanyang mga palad

Binaba ko na din ang aking mga palad at nawala na dun ang mga apoy na lumalabas sa aking palad.Malaki-laki na ang butas na aming ginawa sa bubong at kasyang-kasya na kaming lahat dun,pero ang tanong pano kami makakalabas at makakatakas gamit ang butas na nasa bubong?

"Tara na!"Sigaw ni Himura at tumalon ito ng napakataas saba'y nakalabas ito sa bilog na ginawa namin sa bubong.Nagkatinginan kami saba'y nun ay tumalon kaming tatlo ng saba'y-saba'y

Naglakad-lakad na kami palayo."Alam mo 'ba ang Frozen Flower?"Tanong ni Kozuti kay Prinsesa Balarya at tanging tango lamang ang sinagot ni Prinsesa Balarya

Ang weird

"San sya matatagpuan?"Tanong ulit ni Kozuti.Tanging 'Sundan nyo ako' ang sinagot ni Prinsesa Balarya kaya sinundan namin sya

Naunang naglakad si Prinsesa Balarya habang nakasunod kaming tatlo sa kanya na nasa likuran nya.

Tumigil si Prinsesa Balarya sa isang garden na may iba't-ibang kulay ng bulaklak,huminto na rin kami

"Eto"Sabi ni Prinsesa Balarya at pumitas sya ng kulay blue na bulaklak as in all blue ang bulaklak na iyon."Didiretso na kami sa gubat papuntang Academy,eh ikaw san ka didiretso?"Tanong ni Himura pagkatapos ibigay ni Prinsesa Balarya ang Frozen Flower kay Himura

Natigilan saglit si Prinsesa Balarya at ngumiti sya pagkatapos nun."Ayos lang ako,sige babye na!Ingat kayo dahil maraming mga Elemental Users dito sa mga puno"Nagnod na lang kaming tatlo saba'y naglakad na paalis

7:50 am pa lang kaya sigurado akong wala pang gising na mga tao.Tumalikod kaming tatlo at naglakad na paalis

***

"Iba ang pakiramdam ko kay Prinsesang iyon"Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad at nasa kalagitnaan na din kami sa gubat ng magsalita si Himura."Same lang tayo"Sambit ko naman

Hawak-hawak ni Himura ang Frozen Flower na pinitas ni Prinsesa Balarya sa garden dun sa EST.

Naweweirduhan pa rin ako hanggang ngayon kay Prinsesa Balarya dahil unang-una ay kaya nyang magsalita ng english kagaya na lang yung sinabi nyang 'i can see the past',Pangalawa ay kaya nya ring magtaglog ng hindi malalim eh ang alam ko ay sa unang panahon ay malalim magtaglog ang mga pilipino noon,Tapos ang huli ay alam nya ang Frozen Flower.Nakakapagtaka lang dahil ang dami nyang alam tungkol sa present time at kaya nya ring magsalita ng English

"Hindi ko nakikita o nararamdaman ang aura nya"Sambit uli ni Himura."May nararamdaman ka 'bang may nakasunod sa atin Himura?"Malamig na tanong ni Kozuti at tanging iling lang ang ginawa ni Himura

Nang makarating kami sa Dwinaga Academy ay halos pagod na pagod kaming tatlo dahil nilakad lang namin ang Academy mula sa Elemental Society Tribo

Kitang-kita ko ang mga estudyante na nagkalat sa campus.Dumiretso kami agad sa Shonogua Office at kumatok muna kami ng tatlong beses bago kami pumasok

I know It(Book 1 of part3)Where stories live. Discover now