Nakumpirma ko kahapon kina Mama na hindi nga pangaginip ang lahat. Eighteenth birthday ko kahapon at totoong umuwi ako nang maaga dahil sa mga uwak.

Awtomatiko akong napatingin sa langit. Maliwanag. Wala sila. Walang mga ibon.

"Aura?"

"Huh?"

"Tinatanong kita. May sakit ka ba?" usisa ni kuya at sumulyap sa akin sandali bago tumingin sa harap ng kotse.

"Wala," sagot ko.

"Aura yung regalo ko bakit hindi mo ginagamit? Ayaw mo ba?" tanong sa akin ni Miguel.

Napakurap ako.

Ngumiti ako at umiling sa kanya.

"Gusto ko. Nakalimutan ko lang na birthday ko pala kahapon. Akala ko nanaginip lang ako," sabi ko habang hinahanap sa bag ang maliit na box.

"Haha! Ang weird nun ah," tawa ni Miguel.

Kinuha ko ang kwintas mula sa box. Agad ko iyong isinuot.

"Ayan," ngumiti ng malapad si Miguel "Bagay sa'yo. Hwag mong tatanggalin ha?"

May kakaiba sa mata nya. Nakangiti sya pero seryoso sya.

"Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?" narinig kong tanong ni kuya.

"Wala naman," nag-shrug si Miguel "Proteksyon"

***

May nararamdaman akong kakaiba nang tumapak ako sa loob ng room namin.

Nagbalik sa akin ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin pagkapasok ko palang.

Napatingin ako sa direksyon na 'yon at hindi ako nakagalaw nang makita ko sya.

Tatlong upuan mula sa pwesto ko, nakaupo sya at nakatingin sa akin.

Nag-taasan nalang ang balahibo ko nang mamukhaan ko kung sino sya.

Sya ang demonyo na nakita ko kahapon.

Sya ang pumatay sa matandang lalaki sa eskinita.

Nasa klase ko sya.

Ano'ng ginagawa nya dito?

Sa uri ng tingin na ipinupukol nya sa akin ay alam ko na ang sagot.

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon