Chapter 6

992 32 1
                                    

Jin's POV:)
Ang unfair kasi may alam si Ruki doon sa babaeng nakita ko kanina. Hindi ko magpapahinga hangga't wala akong nalalaman. Umaga na naman at dahil sa nangyari kahapon, pupunta ako ngayon sa bahay ni Ruki.

I'll try to find answers. Ayoko yung fact man may tinatago siya mula sa akin. Ayoko din naman siya pilitin pero tungkol kasi to kay Ziah. I can't just throw that fact away. I can't. Gusto ko lang naman malaman kung bakit parang familiar yung babae na yun.

Nung nakarating ako, agad naman akong pumasok sa loob nang bahay ni Ruki. Nakita ko naman siyang  nakaupo sa couch. Hawak hawak niya yung phone niya and tinitignan niya yung gallery niya. Picture naman ni Ziah.

High school pa kami nun. Kahit na pinalitan niya na yung cellphone niya, may pictures pa rin siya ni Ziah. He was so in love with her back then, kahit naman siguro ngayon e. Hindi ko siya naintindihan dati nung sinaktan niya si Ziah.

"Anong ginagawa mo dito, Jin?" Tanong ni Ruki

Mukhang napansin niya na nandito na ako. I don't always come here. Minsan lang ako nagpupunta dito. Kapag sobrang importante lang. Namimiss ko na si Ziah. Hindi man ako ang pinili niya noon pero hinayaan niya pa rin akong mahalin siya.

"Please. Ruki, just answer my question. Buhay ba si Ziah?" Tanong ko

Tumingin siya sa akin nang may blankong expression sa mukha niya. Lagi naman siya may ganyang expression e. Since high school pa kami. He kept that same expression.

"It's not my story to tell, Jin." Sagot ni Ruki

Hirap na hirap na ako. Isang sagot lang bakit hindi pa rin niya masabi sa akin ang totoo. Mahirap ba yun para sa kanya. Tatanggapin ko naman e. Sabihin niya lang sa akin na hindi si Ziah yung nakita ko nung isang araw. Alam ko napaka impossible pero her vibes parang si Ziah talaga yun.

"Nahihirapan na ako, Ruki. I deserve to know the truth too. Mahirap bang sagutin ang mga tanong ko?" Tanong ko

That girl from yesterday looked at me as if she didn't know me pero yung amoy niya at mukha niya. Parang kay Ziah talaga. Ako lang ba talaga yun? Yung vibes niya din. It feels so weird to feel the same thing from two different people. Hindi kaya mali lang ako? No. My instincts were never wrong. Para talaga siyang si Ziah.

"Anong gagawin mo pag nalaman mo yung totoo?" Tanong ni Ruki

Sa totoo lang, hindi ko din alam. Ano ba ang plano kong gawin pag nalaman ko ang mga sagot sa tanong ko? Bakit ba napakacurious ko?

"If you can't answer my question then leave. I'm not going to tell you anything unless you tell me a good reason why I should answer your question." Sabi ni Ruki

Kahit talaga i-surprise mo si Ruki nang mga tanong, ginagamit niya pa rin yung utak niya bago siya sumagot. Hindi siya yung taong madaling ma-sway.

"Ruki, don't you think I deserve to know the truth?" Tanong ko

Kailangan kong magisip nang tanong para masagot na ako ni Ruki. Mahirap magtanong lalo na kapag kay Ruki ka nagtatanong. Magaling kasi siya magtago nang mga sikreto.

"I think you do pero sinabi ko na sayo, Jin. Wala akong karapatan at wala ako sa pwesto para magsabi sa iyo nang impormasyon. Gusto ko man sabihin sayo pero hindi talaga pwede." Sagot ni Ruki

Hindi ko siya maintindihan? Bakit hindi pwede? Mahirap bang sagutin ang mga tanong ko or sadyang ayaw niya lang talagang makakuha nang impormasyon tungkol sa babaeng yun?

Ruki's POV:)
Sobrang hirap pala no? Pag nagtatago ka nang mga sikreto sa sarili mong best friend. Gusto ko mang sabihin sa kanya na buhay si Ziah pero hindi ko magawa. Wala ako sa pwesto para sabihin yun dahil kung gusto naman talagang ipaalam sa kanya ni Ziah, edi sana matagal nang nagpakita sa kanya si Ziah.

Sana mapatawad ako ni Jin dahil hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. Gusto ko mang sabihin sa kanya ang alam pero alam kong wala talaga akong karapatan. Best friend ako ni Jin pero I also need to respect Ziah's privacy.

Kung gusto niyang malaman nila edi sana matagal na siyang nagpakita sa kanila. I need to be careful with how I speak around them. Hindi ko lang alam kung kailan ako madudulas sa kanila.

"Ano bang mawawala sayo kapag sinagot mo yung tanong ko?" Tanong ni Jin

Ano nga ba? Siguro yung tiwala na binigay sa akin ni Ziah. Gusto ko si Ziah mismo ang magsabi sa kanila na buhay siya. Nagpakita siya sa akin dahil pinagkakatiwalaan niya ako. I shouldn't break that trust at kilala ko Ziah. Alam kong gumagawa siya nang paraan kung paano niya masasabi kayla Jin.

"Everything." Sagot ko

I will lose her and her trust. Ayokong mangyari yun dahil sa iisang pagkakamali lang na nagawa ko. I also don't want her to lose her family and friends, that's why I'm giving her time. Alam kong masasabi niya din sa pamilya niya yun. Hindi lang ngayon.

"I'm leaving, Ruki. I'm going to find information. Alam ko masasagot mo na ang mga tanong ko pero hindi pala. I'll come back tomorrow. Kapag may nalaman na akong impormasyon." Sabi ni Jin bago umalis

Alam ko namang hindi siya makakahanap nang impormasyon e dahil masyadong tago si Ziah. Ni hindi nga namin nakita yung katawan niya e. Hindi ko nga nga namin alam na buhay siya e.

I'm still trying to look for her pero sobrang hirap. Walang impormasyon na lumalabas tungkol sa kanya. She's not dead though dahil may nagligtas sa kanya nung araw na yun.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! send me a follow request on my twitter account: @/xrhkx. thank you for all the support.

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now