Sa isang tahimik na baryo, ay may naninirahang batang lalaki na may kakaibang katalinuhan. Pero sa mga panahong ito, hindi pa nya natutuklasan ang talento nyang ito. Isa lamang syang 7 taong gulang, at wala na ang kanyang mga magulang. Masyadong mataas ang pangarap nya. Gusto nyang pag harian ang buong mundo syempre wala pa syang kamuwang muwang, hindi nya pa alam ang gusto talaga nya. Hanggang sa dumaan ang mga araw na may isang krimen na ng yari sa baryo nila:
"Makikiraan lang po! Makikiraan lang po!" Sigaw ni Troy.
"Ano bang maitutulong mo jan ha bata?" Sita sa kanya ng mga tao.
Di nya sinagot ang mga tanong nito at sa halip, nag patuloy sya sa pakikipag siksikan.
"Mamang pulis. Mamang pulis." Sabi ng batang si Troy.
"Oh bakit bata?" Tanong sa kanya
"Hindi po pinatay ang lalaking iyan." Sabi nya. "Suicide po ang nangyari." Paliwanag nya
"Hahaha ano bang alam mo dito ha bat-"
"Tignan nyo po yung kamay nya, nakawak sa tyan nya, ibig pong sabihin, sya po ang sumaksak sa sarili nya. Kase po kung pinatay po ang taong iyan, panigurado pong manlalaban sya, wala naman po sigurong papataying ang hindi lalaban diba?" Inusenteng putol nya sa pulis.
At ang lahat sa kanila ay naka awang ang mga bibig, hindi maka paniwala sa sinabi ng bata.
*Clap. Clap. Clap.*
Sa di kalayuan ay pumalakpak ang kapitan ng mga pulis, at nagulat sila dahil nakita nilang ngumiti ang kapitan.
"Magaling ka bata. Alam mo? May future ka, gusto mo bang pumunta ng Maynila at doon ka mag-aral ng pagpupulis?" Tanong ng kapitan na may pangungumbinsing tono
Agad agad na tumango ang bata ng ilang ulit, pawang hindi nag iisip.
AFTER 10 YEARS.
"Napaka husay mo talaga Troy, anlaki na ng pinag bago mo."
"Salamat po. Kundi dahil po sa inyo hindi ko matutuklasan ang talento ko eh."
"Oo ng-"
*BANG*
