Chapter 27

1.6K 45 0
                                    

Danielle's POV

Lechugas nanira ng plano ko, biglang namatay ang ilaw wala naman sa plano ko yun nagulat na kami nung biglang nagkakagulo na, yung ibang costumers sa labas nagtatakbuhan na, si Samantha, Ken at Bam lumabas na dahil natatakot ang bata

"Si Althea nasaan?! " Tanong ko sa kanila pero ni isa walang sumagot sa akin dahil walang nakakaalam, hindi rin naman sya nagsasalita. Napansin nalang namin nung may umilaw at tinutok sa lalakeng hindi namin kasama at kilala, mabilis na tumakbo ito. Saktong pag-alis nya nagkaron ng ilaw.

"Althea!" Sigaw ko, nakita ko sya nakahiga sa sahig.

"Danielle... hold me... please" she said, mabilis ko syang yinakap wala naman syang sugat or ano pero mabilis ko syang binuhat palabas para madala sa hospital. 

"Althea" paulit ulit na tawag ko sa kanya pero walang response na naririnig mula sa kanya. Tulog lang sya dinala sya sa emergency room at hindi na ako nakasunod doon.

"Danielle please stay calm," sabi sa akin ni Amira

"Putangina sino ba ang may kagagawan nito?! Sa araw pa talaga namin," sigaw ko sabay suntok nung wall dahilan para masugat ito kaya ayun pinagamot na din ako doon sa nurse.

"Maam you have to stay calm gagawin naman po namin ang lahat para sa patient eh," sabi sa akin ng nurse.

Tulala nalang ako habang ginagamot. Bakit sya? Bakit hindi ako? I can handle that kapag ako ang nasaktan pero pag si Althea ang nasaktan, I can't.

"Danielle nasa room na ang patient, sinabi namin na kapatid sya nila Ken kaya naaprubahan" sabi sa akin ni Raylee.

Pumunta na ako sa room ni Althea, mapayapa ang mukha nya na natutulog pero hindi ko parin maiwasang umiyak.

Hinimas naman nila ang likod ko para icomfort ako. Ilang minuto nanahimik na ako kakaiyak, binantayan ko nalang si Althea aantayin kong magising sya dahil wala naman syang tinamong sugat or ano, shock lang daw sabi ng doctor kaya nagkakaganun sya.

"Danielle," narinig kong tawag sa akin ni Andrew, tinignan ko lang naman sya "nahuli ni Ken yung nanakit kay Althea, dinala doon sa bahay nyo doon sa basement," sabi nya sa akin, mabilis akong napatayo at lumabas ng room.

"Guys pakibantayan si Althea, wag nyong hahayaan ang makapasok kahit sino pa man except sa doctors nya, call me when she's awake," sabi ko sa kanila at sumunod naman sila. 

Mabilis akong nagdrive ng sasakyan kasama si Andrew papunta sa bahay namin at pinuntahan si Ken sa basement, nakita ko ang lalake na nakatali ang paa at kamay, nakasando at nakashort lang

"Anong ginawa mo sa kanya Ken?" Seryosong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa lalake halata namang natatakot sya nung nakita nya ako.

"Ayaw magsalita Danielle, anong gagawin namin dito?" tanong nya.

"Buhusan mo ng malamig na tubig," I ordered, sinunod naman ni Andrew dahilan para manginig ang lalake bumaba ako ng kaunti para matapatan ang lalake 

"See? You hurt the girl I love, times 2 ang mararamdaman mo ngayon. Tell me sino nag-utos sayo," sabi ko pero hindi sya nagsalita umiwas lang ng tingin.

"Buhusan mo ulit sabay palo" sabi ko at sinunod nilang dalawa

"Danielle maawa ka naman," sabi ni Andrew

"Isipin mo muna kung naawa ba sya kay Althea para gawin yun," sagot ko. "Buhos" binuhusan ulit sabay palo ni Ken.

"Magsasalita na po ako," biglang nagsalita ang lalake.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now