New Entry #3 Tips Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho

9 0 0
                                    

Isipin mo na lang na sya ay iyong Ina (na menopause) or Kapatid (na blacksheep) or Kamag-anak (na may saltik). Di ba nga kahit gaano pa kalalala ang ugali ng mga taong related sa atin di natin sila kayang patulan kasi nga pamilya sila. Respeto. So ganito na lang isipin mo... pamilya sila (Buset!).

Pag binato ka ng bato gawin mong pang hilod. Ang magaspang na kahoy ay pinapakinis ng liha. May mga tao talagang nakaka irita, istorbo sa trabaho, epal ganyan... pero kahit gaano sila ka gaspang, isipin mong sila ang nagpapalabas ng kinang mo. When they attack you.. Shine! When they speak negative about you.. don't fight back... just Shine!

Alamin ang paborito nyang pagkain. Kainin mo ito sa harap nya... tignan lang natin kung di sya humingi, pero pag ang paborito nyang pagkain ay siling labuyo, skip mo na ang tip na ito,

Pag sobrang nakaka-irita na sya at lumalagpas na sya sa boundary ng pasensya mo, ito tandaan mo... MAS MAGANDA KA. Oo ulit ulitin mo sa puso at isip mo. Huwag mong ibigay ni butil o alikabok ng ganda mo sa kanya. Imbes na bumaba ka sa level nya.. Rise above it. Lipad Darna lipad!

Kapag Umepal sya sa Boss mo at ikaw ang lumabas na may kasalanan.. wag mag wala at mangisay na parang bulateng hinagisan ng asin. Keep your posture. Sabi nga sa kasabihan, "Ang tumatakbo ng matulin pag matinik ay malalim". Di ko alam kung anong konek pero di ba ang deep?

Ang pinaka gusto ko. Lagyan mo ng thumb tacks ang upuan nya! (Joke lang) Masama yun! Baka matanggal ka pa sa trabaho. Lagyan mo na lang ng langgam.. yung kulay pula ha hahaha (Joke lang ulit). Bubble gum na lang para di masakit... nguyain mo muna tapos ilagay mo sa upuan nya.

Pag timpla mo sya ng kape.. yung matapang.. ng kabahan naman sya. Wag mo kalimutan lagyang ng note...

Add mo sya sa Facebook. Tapos mag post ka ng mga quotes na patama sa kanya.


"FORGIVE
your enemies,
But never
Thier names"


Ganyan... tapos lagyan mo pa ng hashtag na #lifeisbeautiful. Tapos after 11 days unfriend mo na sya. Sabihin mo na-hacked ang FB mo.

And lastly, ang pinaka simple pero pinaka mahirap atang gawin: DEDMA. What is DEDMA?

May nabasa ako na ang dedma is a healthy defense mechanism (somoso-sociology teh). Pero syempre may right time para gamitin ito at may time din na kailangan mong iconfront ang tao. Kumbaga, choose the battle that matters, kung sa tingin mo ay waste ng time makipag argue... then DEDMAhin mo na lang full stop.

To make patol is human, to make deadma. devine;

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

New Entry #3 Tips Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa TrabahoWhere stories live. Discover now