Simula ng masaktan ako sa taong inaasahan ko na mamahalin ako ng totoo ay nagbago na ang pananaw ko sa pag-ibig, kaya naman sa tuwing may nagmamahal sa akin ay ginagamit ko lang sila in short pinaglalaruan... para mawala ang sakit at sugat ng kahapon at para maranasan din nila ang naranasan ko noon... hanggang sa dumating siya, ang taong nagbago sa takbo ng buhay ko at nagpadama sa akin ng tunay na pag-ibig.
Siya din ang nagpatotoo sa katagang "walang matigas na tinapay sa mainit na kape," na kahit anong iwas ko at sa mga chismis na naririnig niya tungkol sa nakaraan ko ay nakikita ko pa rin ang determinasyon na hindi niya ako iiwan at susukuan kahit anong mangyari. Pinatunayan niya rin na "Hindi lahat ng lalake ay katulad ng past ko at Hindi lahat ng pangako ay napapako."
Sana siya na ang lalakeng hinihintay ko... Yung mamahalin ako ng totoo, na hindi ako iiwanang sugatan, luhaan, sa huli ng kwentong ito. Nakakapagod na kasing umasa at mangarap sa pagdating mo... pero sana ikaw na ang taong hinihintay ko... na masasabi ko na panghabang buhay ko.
Ako si Scarlet "Quinley" Frye
- Simpleng babae na naghahangad ng totoong pagmamahal, yung totoo at hindi panandalian lamang.
At ito ang kwento na kung saan paano nga ba unti-unting nawala ang galit sa aking puso at kasabay nito ang paglambot ng aking pusong bato dahil sa walang tigil na pagmamahal at panunuyo ni David Henderson.
YOU ARE READING
You Change Me
Romance"Being in Love Changes Everything" maging ang pusong bato ay kayang palambutin sa pamamagitan ng walang sawang pagmamahal, panunuyo at lambing, kaya kahit hindi madali ang landas na aking tatahakin papunta sa iyong piling, pilit paring kakayanin, ha...
