Prologo

2.2K 99 22
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
PROLOGUE
---------------------------------------------------------

"Sino na naman ang gumalaw ng brief ko?!"

Nagngangalit kong hinanap isa-isa ang mga kapatid kong pakialamero. Oo, pinagsususpetsahan ko silang lahat dahil isang beses sa buhay nila, nahuli ko na silang pumuslit ng pinakaiingat-ingatan kong kayamanan. Kaylilikot ng mga kamay! Akala mo walang mga kakayahan bumili ng sariling underwear, eh mas mabilis pa kaya sa alas-singko kung maglabas ng pera si Daddy kapag humihingi kami. Nako talaga. Ang sarap pitpitin ng mga daliri!

Kung sino ang nasa malapit, syempre siya ang uunahin ko. Bilang isang malawak na kwarto lang naman ang kwarto naming LABING-WALONG magkakapatid, oo hindi ka namamalik-mata labing-walo kami and still counting, ang mga nahihimbing na sina Onse, Dose, Trese, Katorse, Kinse, Disi-sais at Disi-syete ang una kong pinagdiskitahan. Walang respe-respeto sa tulog, aba sila nga walang respeto sa itlog kong nalalamigan ngayong wala akong suot na brief!

"Umamin ka, ikaw ang kumuha no?!" paratang kong ganyan. Marahas ang nagiging pag-iling nila upang ipahiwatig ang maigting nilang pagtanggi. Halatang takot sa maaaring mangyari sa kanila kung sakaling sila ang gumawa ng kalapastanganan sa akin. Napapaniwala naman nila ako, madali pa kasi sila mapaamin dahil mga bata pa. Nagawa lang nila na dumekwat noong panahong nahuli ko sila dahil inutusan daw sila ng Kuya Siete nila na gawin yon. Yang Siete na yan, kahit kailan isang malaking SHETe. Siya ang primera suspek ko, at kapag nagtagpo kami at napatunayan kong siya talaga ang culprit, nako ipalululon ko sa kanya ang gilagid at adam's apple niya

At syempre, maging iyong sanggol na nasa kuna ay tinanong ko rin.

"Disi-otso, ikaw ba ang kumuha ng brief ko ha achikichikichiki" pagkiliti ko sa kili-kili niya. Hindi man lang natuwa ang bata't bagkus ay nabwisit pa. Kinuha niya ang kanyang dede at dinede iyon.

Kinalkal ko ang crib niya dahil baka nga pinagtitripan lang ako ni Siete at dito itinago ang hinahanap ko.

Pero wala eh. Bullshit.

"Siete!"

"Ang aga-aga, napakaligalig mo." sakmal sa akin ni Kuya Uno akmang pababa na ako ng hagdan. Napahiga na kami't lahat sa sahig ay ayaw niya pa rin akong kalagan. Nilalabanan ko ang pag-ipit niya sa leeg ko pero sadyang mas malakas siya kaysa sa'kin kaya---

"Daddy!" sigaw kong ganyan, mangiyak-ngiyak. At dahil don, pinakawalan na ako ni Kuya, saka tatawa-tawang bumaba sa unang palapag.

"Daddy B, pinigilan ko lang si Tres sa balak niyang pagsalakay kay Siete. Ano, tuwing mawawala ang underwear niya, si Siete na lang palagi ang sisisihin?" dinig ko pa ang pagpapaliwanag niya.

Nakakainis. Wala talaga akong kakampi sa mga kapatid kong yan. Lahat sila, si Siete ang pinapanigan. Samantalang ako, heto walang umaanib. Mag-isang ipinaglalaban ang karapatan sa sariling underwear. Hayop! Ako na ang nilapastangan, ako pa ang masama. Wala talagang hustisya sa Pilipinas!

Makabawi-bawi lang nang kaunti kahit paano, hinila ko ang twalyang nakatapis kina Dyis at Nueve na noo'y kalalabas lang sa banyo, at saka binuska ang mga ito na supot kalpot amoy-ipot. Tapos lumayas na ako't ipinagpatuloy ang pagtugis.

"Nasa'yo no?" alog ko kay Sais na busy sa pagtipa sa kanyang cellphone. Malamang, gumagawa na naman ng meme ang gagong 'to.

"Pano mo nasabe?"

"Kuya may alam akong paraan kung paano mo mahahanap ang brief mo." sabat ni Singko "Magpost ka tapos lagyan mo ng #KMJS"

"Diumano'y may isang tarantadong nagmungkahi ng katarantaduhan..."

Inutusan Ako ni Paps Bumili ng ItlogWhere stories live. Discover now