Chapter 30 - The Twins ( Daniela and Denton Maxine )

5.8K 118 5
                                    

- DOMINIKA -

We're here now sa bahay nila uncle drew nandito na raw kasi yung kambal. I don't know what happen sa biglaang pag uwi nila but the first time I've heard the news pumunta agad kami ni danika, si donthy nga nagmamaktol kasi she really want to see the twins as well but she can't due to her tight schedules sa school and work - yep nag pa part time kasi yun sa france as....ahm kung anong magustuhan niya.

'' so where are they??? '' si danika nagpapaka impatient na naman. She's sitting pretty sa couch while texting someone or maybe gerald her long time boyfriend, ngumi - ngiti ngiti kasi.

'' danie told me pauwi na sila may dinaanan lang daw kasi sila sa isang shop ''

'' okay '' maarte nitong sagot.

As I slid my phone inside my back pocket bigla na naman itong tumunog. Si riley nagtext na sa akin malapit na rin daw sila.

Ang bilis ng mga araw mag iisang taon na rin kami ni riley. To give you an update. Alam na ng mga kaibigan ko ang about sa amin pati na rin si mom. Sa una syempre nagulat sila but in the process naman wala naman daw silang magagawa kung hindi ang tanggapin ang lahat. Si Agnes at si Jimson nawala na, they're out of the picture na rin.

Danika took care of Agnes napag alaman kasi namin na she's working sa company ni mom at ang bread winner ng kanilang pamilya. Kaya kinausap siya ng kapatid ko, yun ang sabi niya pero god only knows kung ano talagang ginawa ni danika sa kanya maldita pa naman rin ito and always wanted to play with someone especially those who are getting in our way. But the important thing is. Wala na siyang ginagawang panggugulo sa amin ni riley.

Even jimson kinausap na kasi siya ni ryle about sa amin. She told him that she's not really into guys and that she really loves me, naunawaan naman yun ni jimson, he's actually a great guy and stay as a friend kay riley.  In short si dad na lang ang problema namin. Pero bahala na magagawan ko rin yun ng paraan kapag sinabi ko na sa kanya.

Malalim pa ang iniisip ko ng mag ring ang phone ko - nakarating na sina riley.

- RILEY -

Nakarating na kami sa mansyon ng uncle nila Nika, pangalawang beses ko ng nakapunta dito pero amaze na amaze pa rin ako ang ganda ganda kasi talaga at napakalaki, ang lawak pa ng garden nila in front and back of the mansion.

'' Bes kaninong bahay ito, tama ba ang address na napuntahan natin ??? '' gulat na tanong ni ana, kasama ko pala siya dahil pinagmaneho niya ako nasira naman kasi yung kotse ko, pag minamalas ka nga naman talaga. Mabuti na lang walang gagawin si ana so she lend me her help at sinamahan niya ako.

'' sa pinsan ni nika, bumalik na raw kasi galing pilipinas '' sagot ko na pinipigilan ang pagtawa. Nakakatuwa kasi ang itsura ng bestfriend ko nakaawang ang bibig habang nililibot ang mga mata sa paligid.

'' ang yaman yaman naman nila '' sabi pa niya bago kami bumaba ng sasakyan.

Nakita ko naman kaagad si nika na papalapit sa amin. Ang gorgeous maglakad parang laging may fashion show.

How lucky I am na ako ang minamahal ng babaeng ito.

'' matunaw ako '' biro agad nito pagkalapit sa akin. At bumati naman siya kay ana after. Ngumiti naman ang kaibigan ko.

'' baliw! '' sagot ko as we kissed.

'' tara na sa loob '' yaya na niya at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Binuksan niya ang pintuan ng isang kwarto nang makaakyat na kami sa third floor ng bahay. Diyos ko ang laki laki naman talaga ng place na ito. Nagtataka nga ako kung nagkakakitaan pa ba ang mga taong nakatira dito.

THE MAXINE SISTERS SERIES  ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer Momentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن