Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

PROLOGUE

8 0 0
                                        

"tisay may naghahanap sa'yo sa baba" sabi nya habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto namin

"huh? Sino naman?

"hindi nagpakilala eh basta sabi nila bumaba ka nalang daw para malaman mo"

"eh mga lalaki ba o babae? At anong mga mukha? Curious kung tanong

"mga lalaki atsaka may mukha naman sila, tao naman sila eh nakakatakot naman kung ang naghahanap sa'yo eh mga hayop, bumamaba ka na nga para malaman mo" sabi niya sabay sarado sa pintuan, pagdating ko sa baba at may dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng gate namin na nka all black hala may patay ba

"sino po kayo? Tanong ko sa kanila sa halip na sagutin nila ako eh tumalikod sila at pinagbuksan nila ng pintuan ng kotse kung sino mang nuno sa punso na 'yan

" ano pong ginagawa mo dito?" Bakas sa mukha ko ang gulat hindi pala nuno sa punso itong lalaking nasa harapan ko kundi isang kapre

"i'll stay here with you" sabi niya na naka poker face

"huh? Ano? dito ka titira kasama ko? ah eh dormitory for girls po yung tinutuluyan ko

"damn! please stop saying PO on me for pete's sake we are getting married next month and i'm not that old f*ck!" sigaw niya sa akin, oo ikakasal kami sa susunod na buwan, long story ho nakakatamad ikwento eh

"sorry naman, nasanay na po este nasanay na ako eh" tarantang sagot ko sa kanya,

"i'll get an apartment for two of us so where's the f*cking landlady of yours?!" galit nyang sabi, grabe talaga and dila ng lalaki na 'to ang sarap putulin, may apartment din kasi dito sa building namin at yung landlady namin ay siya din yung caretaker sa mga apartment dito, basta 'yun na yun, sinamangutan ko siya at sabay sabing

"alam mo dumudugo na ang ilong ko sa kakaEnglish mo kanina pa pati tenga ko dumudugo na rin sa mga salitang lumalabas diyan sa makasalanan mong bibig tss! Sabay talikod ko sa kanya at makaakyat ulit,

"where the hell are you going?! eh tanga pala tong gunggong na ito -_-

"ano sa tingin mo? Aakyat malamang at puntahan ang caretaker sa kanilang opisina, boploks mo talaga!" magalang ako sa kapwa ko pero pagdating sa lalaking ito eh parang ang sama ko na yata -_- pasensya naman hindi na ako nakapagtimpi eh,

"wow when we first met you are the type of a girl na di makabasag pinggan sa kahinhinan mo but now what the hell! Simula ng lumipat ka dito nag iba ang kilos at pananalita mo! manghang sabi nya habang nakasunod sa akin paakyat sa tatlong palapag ng building na tinutuluyan ko

"huwag mo ngang sisihin ang bagong lugar na nilipatan ko! hindi na ako nakapagtimpi sa ugali mo eh, kaya cguro ako nagkakaganito" sabi ko sa kanya habang kumakatok sa pintuan ng opisina nila ate ivy caretaker namin

"teka nga nagsalita ka ng tagalog? Gulat kong tanong, hindi kasi 'to nagtatagalog eh pero nkakaintindi nman sya, pinanganak na weirdo at moody 'to eh

"yeah baka kasi maubusan kana ng dugo"

"marunong ka nman palang magsalita ng tagalog pinahirapan mo pa ako! Galit kong sabi sa knya, minsan nga hindi ko sya masyadong naiintindihan no'ng una namin pagkikita eh pasensya nman hindi ho ako matalino ang bobo bobo ko sa english, habang may buhay may pag asa pa! pag asang may matitira pang dugo sa katawan ko! juicecolored nosebleed,kahirap nman kasi eh

"cause you are really funny hahaha your face is really priceless that time you know haha ang panget panget mo grabe hahaha" may pahawak hawak pa sya sa kanyang tyan

"kulang nalang gumulong ka na sa sahig ha, gusto mo tulungan kitang gumulong! bwesit na bwesit na sabi ko sa kanya! Bigla akong natigilan at pinagmasdan sya, ngayon ko lang kasi sya nakita ganyang tumawa kasi noon parang pinaglihi sya sa sama ng loob, nakasimangot at npakasungit, bigla akong ngumiti na pagkatamis-tamis ^_^ at bigla naman syang natigilan

"what's the sweet smile? takang tanong nya

"hmm kasi nakakatuwa ka palang pagmasdan habang tumatawa, ang bait mong tingnan nagmukha kang anghel atsaka mas lalo kang-"

"mas lalong gumwapo?"dugtong nya na may halong nakakalukong ngiti at bigla naman akong namula kasi sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko na parang maduduling na yata ako eh

"alam mo lumayo layo ka sa akin ha at baka hindi kita matantya mapuruhan ko 'yang makapal mong pagmumukha! Pagalit kong sabi sa kanya habang humakbang palayo sa kanya, ang tagal nman kasi ni ate ivy eh, san na ba kasi 'yun!

"grabe naging bayolente ka na ha but that's really really great para hindi ka na ulit magmukhang mahina! Pang asar na sabi nya,

"kaya nga! at talagang lagot ka sa akin" sabi ko sa kanya na may nakakalukong ngiti

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TIME CHANGEStories to obsess over. Discover now